Cease Fire

7.5K 59 12
                                    

Tatlong araw kong nakapiling si Mefenamic at Amoxicillin para sa saket ng ngipin.

Except sa dysmenorrhea, toothache pa ang isang dahilan kung bat ako naging iyakin.

Sa halip na umaga mag-update, hindi ko na napansin ang oras. Errr

Sensya na. Sana magustuhan nyo ^___^

_________________________________________________________________________

Sa cafeteria..

“Kamusta nga pala yung ka-partner mo sa reporting? Nagkita ba kayo?” [ Newly found friend ]

“Oo -_____-“

“Eh bat parang sumama yang ichura mo?”

“Wala naman. Mahabang kwento eh.”

“Wow, ka-excite naman. Chika mo naman saken. Dali na?”

“Malamang kapag kinwento ko sayo eh mairita ka pa.”

“Ayos lang. Gusto ko nga ng mga ganyan eh. Haha”

 Sa lahat ng mga kaibigan ko sya ang pinaka-kaiba. Kung ano yung sinasabe kong hindi maganda, yun pa ang mas nakakapagpa-excite sa kanya. Tae! XDD

“Hindi ba muna tayo magla-lunch?” [ Try ko lang ibahin ang topic baka makalusot. ]

“Sus, maaga pa naman. Kwento ka muna.”

“Wala lang naman yun. Hindi ka magkakainteres na pag-usapan.” [ Bigo ako. -___- ]

“Di mo pa nga sinasabe sobrang laki na ng pagka-interes ko.”

“Dahil..?”

“Basta.”

So, ayun nga! Wala akong nagawa kundi balikan at ikwento ang mga nanyari nung isang isang araw. Yung unang pagkakataon ng pagkikita namen at makapag-establish ng sinasabeng RAPPORT. @____@

“Huh? Sya din yung akala mong vice president ng university?”

“Yeps. Kaloka diba?”

“Oh tapos?”

“Panung tapos?”

“Nag-sorry naman ba?”

“Syempre.. HINDI. O___o”

“Sabi sayo gamitan mo ng charisma eh. Hehe”

Kahet ata sandamakmak na charisma hindi tatalab sa kanya. Kahet mismong vice president alam na maloko sya. Kilala syang ganun at halatang proud sya.

“Ayaan mo na.”

“As in wala kang ginawa?”

“Meron naman.”

“Ano?”

“Edi ayun pinakita ko lang kung panu magpakilala ng naaayon sa ugali na meron sya.”

“Oh?”

“Sinabe ko yung nararamdaman ko pero hindi nawawala yung respeto. Mas matanda sya saken kaya hindi ko kakalimutan yun pero sana inalala nya din na babae ako.”

“Tama! Kung gusto nya talagang igalang mo sya, syempre dapat inisip nya din na babae ka..”

“Ang problema dinaan nya agad sa biro.”

“Akala nya siguro hindi ka maganda.”

“Anong konek?”

“Kung nalaman nya ng mas maaga na mala-artista pala ang beauty mo, baka 1 hour before ng time naghihintay na yun sayo. Hihi”

BITTERNESS is next to UGLINESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon