MFS 1 (Her): Alone

282 27 26
                                    

Feeling chef ako ngayon kahit simpleng vanilla cake lang naman 'tong binebake ko. Atleast made with love! Tinignan ko ang timer at fifteen minutes pa bago ito maluto.

"Ate Lyric, matagal pa ba 'yan? Nagwawala na mga alaga ko." Tinapik-tapik pa ng kapatid ko ang tiyan nya.

"Fifteen minutes pa, Wolfgang Amadeus. Pakisabi sa mga alaga mo na konting tiis na lang kamo." Napangiwi pa siya dahil sa pagtawag ko sa buong nyang pangalan.

"Lakas makatawag ng full name ng Ate Courtney Love ko." This time, ako naman ang napangiwi.

"Wow, gumaganti ka na ngayon, WAM."

Kung mapapansin nyo, hango ang mga pangalan namin sa mga musician. Nagkataon kasing parehong mahilig sa music ang mga magulang namin. Nagtataka siguro kayo kung bakit Lyric ang nickname ko dahil malayo siya sa real name ko. WAM ang tawag ko kay little bro kasi nga kay Wolfgang Amadeus Mozart galing ang pangalan nya.

"Nakakagutom kaso ang amoy ng cake, Ate." Nginusuan pa nya ako habang sinisilip ang oven.

Napailing na lang ako. "Bumalik ka na nga sa living room. Dadalhan na lang kita kapag luto na."

"Samahan na kita, Ate. Kaya ko pa namang maghintay."

"Sigurado ka? Ayaw mo talagang hatiran na lang kita?" Sinimulan ko na ang paghahanda ng tray at dalawang platito.

"Siguradong-sigurado!" Siya naman ang kumuha ng juice na kanina ko pa itinimpla.

Nagkwentuhan muna kami rito sa kusina hanggang sa hindi namin namalayan na natapos na pala ang labinimang minuto.

Ting!

"Luto na!" Sabay pa naming nagsalita kaya naman ngiting-ngiti ako habang inilalabas ang cake sa oven.


"Mukhang masarap, Ate! Ang bango pa!" Pinagkiskis pa ni WAM ang dalawang kamay nya.

"Of course! Ako yata ang gumawa tapos may kasama pang pagmamahal." Pagyayabang ko pa. Kumuha ako ng maayos na kutsilyo at sinimulang hatiin ang cake.

"Pagmamahal? Kaya pala single pa hanggang ngayon ang rakista kong Ate." Aba't lokong batang 'to, a!

"Hindi ko pa kasi sinasagot si Taka. Haharanahin daw nya ako sa concert nila sa January 19." Sabay bigay sa kanya ng platito na may malaking slice ng cake.

"Taas ng pangarap. Hindi ka nga makakapanuod ng concert kahit birthday mo pa." Halos hindi ko maintindihan ang sinasabi nya dahil ngumuguya siya ng cake habang nagsasalita.

"Hindi naman masamang mangarap. Basta destiny kami ni Taka Moriuchi!"

"Masyadong matanda si Taka para sa'yo. Kay Hiroki ka na lang, Ate." Nag-suggest pa ang mokong na 'to.

"Pwede rin. Pero mas type ko talaga si Taka, e. Bilisan mo kumain at pupunta tayo sa mall. May bibilhin lang akong book."

"Akala ko mag-wiwindow shopping tayo. Wala ka namang pera." Nabatukan ko nga. Kanina pa nang-aasar, e.

"Biro lang. Napaka-HB mo agad. Kaya walang makalapit sa'yo kasi kahit lalaki matatakot sa asta mo. Barakong-barako!"

Babatukan ko sana ulit kaso nakatakbo na agad si WAM. Magbibihis na raw agad siya.

\m/ \m/

At the mall.

Pagkapasok pa lang namin sa mall ay kakaiba na agad ang tingin ng mga tao sa'kin. Nawiwirduhan siguro sila sa porma ko. Naka-One Ok Rock shirt lang naman ako tapos black skinny jeans na may cut sa magkabilang tuhod at black Converse. May green highlight ang buhok ko pero hindi naman permanent color. Dark eyeshadows at lipbalm. That's all. Naka-all black din naman si WAM pero casual lang. Napansin ko rin ang mga teenager na nagpapa-cute sa kapatid ko. Sa edad kasing 16 years old ay malaking bulas siya. Hanggang balikat nga lang nya ako.

I rolled my eyes nang kindatan nya pa ang grupo ng limang teenager na nadaanan namin. May pagka-chickboy pa yata. Sabagay hindi ko naman siya masisisi dahil may itsura naman talaga si WAM. Balewala sa kanila kahit nakaakbay pa ang kapatid ko sa'kin dahil hindi maitatangging para kaming pinagbiyak na bunga.

Dumaan muna kami sa NBS para bumili ng Bob Ong at Miriam Santiago books. Bumili naman siya ng Sharpie pens. Mahilig kasi siya sa art at magaling mag-doodle. Siya nga ang nag-doodle sa isa kong Vans shoes.


Pagkalabas namin ng NBS ay may tumawag sa kanya. "Hey, Wolf!"

"Hey! Bakit hindi kayo nagsabi na nandito pala kayo?" Nakipag-fist bump siya sa tatlong tropa nya. Tinanguan ko lang sila. Napansin ko pa ang pasimpleg tingin sa'kin no'ng isa na mukhang skater boy.

"Biglaan lang pare, nagkayayaan mag-Quantum." Kung hindi ako nagkakamali ay Aleric ang pangalan nya. Palatandaan ko kasi ang ear piercing nya na letter A.

"Bakit pala kayo napadpad dito?" Si Evrett naman ang isang 'to. Palatandaan ko ang highlight nyang puti. Magkahawig na nga sila ng buhok ni Hiroki.

"Sinamahan ko lang si Ate na bumili ng mga libro. Bumili naman ako ng Sharpie pens." Napatingin pa si WAM sa Quantum at biglang lumiwanag ang mukha nang makita si Lovise.

"Pare nandyan nga pala sa Quantum ang ultimate crush mo. Puntahan natin?"

"Taralets!" Tumingin naman sa'kin ang kapatid ko bago ibalik ang tingin sa nagyaya. "Puntahan na natin si Lovise bago pa matunaw sa katititig mo ang Ate ko, Yukio."

Nagtawanan tuloy sila maliban sa'kin at sa namumulang si Yukio. Mala-Taka ang pormahan ng isang 'to. Pareho kaming fan ng One Ok Rock. He's half Japanese at magkahawig na nga sila ni Taka pero syempre ang orig pa rin ang crush ko.

"Sumama ka na muna sa kanila, WAM. Maglilibot-libot muna ako bago umuwi. 'Wag magpapagabi." Paalala ko sa kanya.

"Thanks, Ate! The best ka talaga!" Humalik pa siya sa pisngi ko bago hinatak ang mga tropa nya. Narinig ko pa ang kantyawan nila.

"Inggit ka kay Wolf, 'no? Nakakahalik sa pisngi ng crush mo." Tukso pa ni Aleric. Napailing na lang ako at naglakad-lakad na para maglibot.

\m/ \m/

Nakarating na ako hanggang sa may labas ng mall. I decided na mag-stay muna sa isang bench na nasa bandang dulo habang kumakain ng ice cream. Ikinabit ko ang earphones ko at nag-soundtrip. Napapaheadbang pa ako sa The Beginning ng One Ok Rock.

Next track ay Alone ng MY FIRST STORY. Sinasabayan ko pa ng pagkanta kahit hindi ko pa masyadong kabisado ang ilang Japanese lyrics.

NO MORE!
We are sick of people deciding our lives with no faith
NO MORE!
We will never quit to judge to live with everyday and...
NO MORE!
So pick your side and place your bet and believe yourself
NO MORE!
To be alive, can't take no more and Here we go again!

Buti at walang masyadong nakatambay sa may kinauupuan ko kaya feel na feel ko ang pagheheadbang kahit kumakain pa ako ng paborito kong Rocky Road flavor ice cream. Mayamaya ay naramdaman ko na may umupo sa may tabi ko pero deadma pa rin ako. Masyado akong engrossed sa pakikinig. Napatigil lang ako dahil Japanese part na ang kanta. Pero nagulat na lang ako at napamulat nang may humugot sa left earphone ko at sumabay sa kanta.

Fuantei na boku no daita saishuuteki kanjou wa Needless [Needless]
Dare mo egaitenai boku hitori ni natte mo...

What is my dream for right now
What if I had let it go
What is my dream for right now
(What is my dream...)

Handa na sana akong tarayan ang pangahas na nang-istorbo at nang-agaw ng earphone ko kaso na-shock ako nang makita kung sino siya.

Kudakechitte samayotte uso itta tte
Karamatte mou keshitakute
Nageite mo agaite mo kono mama de... (Lost myself)
Boku ga nani eranda tte owaranai boku no sonzai shoumei wa?
Ima kasaneatta kotae wo kakaete ita
I will design just for myself

Ngumiti pa siya habang nagheheadbang.

It can't be.

Bakit kamukhang-kamukha nya ang vocalist ng MY FIRST STORY na si Hiroki Moriuchi?!

























My Freakin' Story With Hiroki √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon