MFS 21 (Her): Tanjoubi Omedetou!

174 17 16
                                        

January 25, 2016

Happy birthday Hiroki! Last Monday of the month pero sinisipag pa rin ako pumasok. Nakauwi na nga rin pala sina Mama at Papa kahapon. Niloloko pa nga ako kasi blooming daw ang panganay nila. Asus.

"Lyric, anak bumangon ka muna. May naghahanap kay Hiro sa ibaba, ka-banda nya yata." Naalimpungatan ako dahil sa marahang pagtapik ni Mama sa balikat ko. I checked the time. Half hour before 5AM.

"Bandmate? Nandito naman sila lahat at nasa kabilang bahay." Kinusot ko pa ang mata ko saka nag-inat. Don't tell me...?

"Oh my freakin' goodness! Baka si Leader ang bisita!" Mabilis akong nagpunta sa bathroom para maligo. Ninja moves na 'to!

"Siguro nga. Bumaba ka kaagad, ha? Pinatuloy ko na siya sa salas." Narinig ko pang sabi ni Mama bago nya isara ang pinto.

Mukhang masosorpresa sina Hiro mamaya!

"Konnichiwa! You're Lyric?"

"Yeah. Sho, right? This is indeed surprising!" Nakipag-kamay pa ako kay Shi nang mabungaran siya na nakaupo sa salas. Tumayo naman siya kaagad pagkakita sa'kin.

"Nori called me yesterday telling me that my bandmates are here so might as well paid them for a surprise visit. I'm currently on hiatus now, need to settle some things."

"Yes. Hey, you want to see them? They're at  the other house, my bestfriend's ancestral house actually."

"Sure!"

Nagpaalam na muna kami kina Mama at Papa matapos kong ipakilala si Sho. Dinala ko na rin ang school things ko dahil may pasok pa ako ngayon. Ipagluluto ko na lang sila ng almusal.

\m/ \m/

Binigyan ako ng spare key ni CL at ngayon ang tamang pagkakataon para gamitin ito. Malinis ang bahay, in fairness. Siguradong nasa kwarto silang lahat. Madali ko lang nabuksan ang unang kwarto sa itaas dahil hindi naman siya nakalock.

Napatakip pa ako sa bibig dahil sa pagpipigil na mapatawa pagkakita sa apat. Si Hiro ay parang fetus kung matulog, si Teru naman ay nakadapa. Sina Nob at Masack ay magkayakap. Si H.I. ay malamang masa kabilang kwarto.

"They looked horrible when sleeping. Bromance." Sho grinned.

"So, we need to wake them up?"

"Yeah. But we need to do some ridiculous ritual. Where's the kitchen?"

Mukhang alam ko na ang binabalak ni Sho. Kumuha kami ng dalawang takip ng kaldero. Ako naman ay may hawak na kaldero at sandok. Agad kaming bumalik sa kwarto habang nagpipigil tumawa. Idinamay na rin namin si Ikegawa dahil maaga siyang nagisinf.

"Okay. On the count of three, we'll shout, wake up guys! while beating these things."

"This will be so effin' epic." Hawak naman ni Ikegawa ang cp nya para kuhanan ng video ang mangyayari.

"Aye, aye Captain!"

"One...two...three!"

"Wake up guys!"

Agad na napabalikwas ang apat. Hindi ko na napigilan na humagalpak ng tawa. Si H.I. naman ay ang lapad ng ngiti habang nagvivideo.

"Am I dreaming? Why is Leader here?"

"You're not dreaming, Teru. Nandito talaga si Sho!"

As if on cue, sabay-sabay silang tumayo at nagsiyakapan kay Sho kaya naman natumba silang lahat.

"Ang kulit nila!"

"Brotherly love." Patuloy pa rin sa pag-video ang katabi ko.

\m/ \m/

My Freakin' Story With Hiroki √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon