MFS 11 (Her): Don't Lie, Bright Eyes

141 16 16
                                    

"Ate Lyric! I miss you!" Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Jana.

Nasorpresa talaga ako sa pagdating nya ngayon. Isang taon ko rin siyang hindi nakita, wala rin kasi siya last Christmas dahil sa Japan sila nag-Pasko nina Tita Juliet. Itatanong ko nga mamaya kung nakita nya ang One Ok Rock. Biro lang.

"Nakakagulat ka naman! Siguro sinadya talaga nina Mama na 'wag sabihin na darating ka. Come in!" Bago ko pa mabuhat ang isang bag na dala nya, naunahan na ako ni Hiro.

"Let me." Tumango na lang ako habang papasok sa loob. Si Jana nga pala ang paborito naming pinsan ni WAM palibhasa rakista rin. Kikay kasi ang iba naming pinsang babae at more on hip-hop stuff naman ang mga pinsan naming lalaki.

"Si Jana pala ang dumating, e. Kaya biglang umingay." Panunukso ng kapatid ko sabay yakap sa kanya. Nahampas tuloy siya sa tiyan.

"Ikaw talaga Wolfgang, oo. Hindi ka pa rin nagbabago. Lakas mo pa rin mang-asar. No wonder wala ka pa ring girlfriend." Si Jana naman ngayon ang nang-aasar.

"Pasalamat ka at paborito kitang pinsan. Manang-mana ka kay Ate. Mga brutal!" Nagtawanan kaming lahat, even Hiro. Nakakaintindi naman siya ng ilang Tagalog words although mas madalas na kinakausap nya kami using English. Idagdag nyo na rin ang alien language nya este Japanese.

"Teka nga pala, bakit nasa bahay nyo si Hiro?" Takang tanong nya sabay turo kay Hiro na nakaupo sa armrest ng sofa.

"Magkahawig lang sila. Pwede nga siyang mag-double kay Hiroki kasi halos pareho rin sila ng boses at personality. Nagperform nga siya kagabi sa bagong resto bar ni CL. Sina Mama at Papa na rin mismo ang nagpatigil sa kanya rito since nasa out of town sila dahil sa trabaho at na-invite pa sila ng Mama mo. Don't worry, magkakasundo kayo kaso maghanda ka ng sangkaterbang tissue dahil English speaking 'yan although nakakaintindi naman siya ng ilang Tagalog words." Mahabang paliwanag ko sa kanya.

"Paano nyo napapayag sina Tito at Tita na mag-stay siya rito?" Mausisa talaga si Jana.

"Ganito kasi 'yan, pinsan. Unang-una, si Pareng Hiro ay on-vacation lang sa Pilipinas dahil manunuod siya ng concert ng One Ok Rock. Idagdag pa na mabait siya kaya nakuha nya agad ang loob nina Mama at Papa. Pangalawa, alam mo naman 'tong si Ate Lyric ay masyadong ilag sa mga lalaki tapos biglang makakasundo si Pareng Hiro? Pangatlo, para hindi na siya mag-hotel dahil may guest room naman. Panghuli, kaibigan siya ni Kuya Landon na kuya naman ni Lovise. Kilala mo sila 'di ba? Okay na ba ang paliwanag ko? Mahaba-haba rin." Mas mahabang litanya naman ni WAM.

"Manunuod din ako kaya nga pumunta ako ngayon para mas malapit. Okay, gets ko na. Lovise? Pinopormahan mo ba siya, Wolfgang?" Akala ko tapos na ang Q & A portion. Hindi pa pala.

"H-hindi pa, hindi naman kami nagmamadali." Namula tuloy bigla ang kapatid ko.

"Goodluck, alam ko namang mapapasagot mo si Lovise." Panunukso pa ni Jana habang sinusundot sa tagiliran si WAM.

"Paano mo naman nasabi?" Interesadong tanong nya.

"Obvious naman na crush ka rin nya. Hello, wala kayang pangit sa angkan natin!" Bumaling naman siya kay Hiro. "Do you think I'm cute?"

Ngumiti naman si Hiro saka tumango.

"How about Ate Lyric?" Turo naman nya sa'kin.

"She's pretty." Tumango-tango pa si Hiro.

"Thanks Kuya Hiro for that honest answers. You like her?" Napanganga naman ako sa straightforward nyang tanong.

"I--"

"No need to answer, Kuya Hiro. I can see it your eyes." Jana smiled at him.

"Really?" Hiro looked amused.

My Freakin' Story With Hiroki √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon