Pinag-iisipan ko pa rin kung isusuot ko ba talaga 'tong rocker outfit na Christmas gift ni CL, kaso naalala ko na naman ang text message nyang all caps kaya napailing na lang ako. The message goes like this:
From: CL The Gorgeous
MY DEAR COURTNEY LOVE
ISUOT MO MAMAYA ANG CHRISTMAS GIFT KO SA'YO. BAKA KASI BURUHIN MO LANG, OKAY? AS IN LAHAT PATI UNDIES HIHI I LOVE YOU :-*
Pati undies? Oh my freakin' goodness! Bakit ba ako nagkaroon ng baliw na bestfriend sa katauhan ni Courtney Love Dualan?
Inilagay ko sa ibabaw ng kama ang sinasabi ni CL na Christmas gift nya. Gifts to be exact kasi marami siyang iniregalo sa'kin. Binigyan ko naman siya ng Pucca sleepwear at slippers. Napangiwi pa ako pagkakita sa undies na regalo nya na may red and black combination.
"Ate bilisan mo, 'wag ka na masyadong magpaganda dahil maganda ka na! Hintayin ka namin ni Pareng Hiro sa baba." Sigaw ng kapatid ko sa labas ng kwarto. Dali-daling pumunta na ako sa bathroom to take a quick bath. Ayoko namang pag-hintayin 'yong dalawa.
After 15 minutes, lumabas ako nang nakabihis na. Mabilis kong sinuklay ang buhok ko at naglagay ng Dior lip shiner. Binigyan din kasi ako ni CL ng make-up kit pero okay na ako dito sa lip shiner. I spray some Prada Candy bago lumabas ng kwarto. Ginamit ko halos lahat ng bigay sa'kin ng RK kong bestfriend.

"Here comes the rocker chic."
Pagbaba ko ay 'yan agad ang bungad ng kapatid ko. Ang gwapo naman nilang dalawa ni Hiro sa get-up nila.
"Wow. Looks like you're gonna rock the night, Love."
"We will all rock the night." I winked at Hiro. Ang cute nya ngayon, para gusto ko tuloy siyang kurutin sa magkabilang pisngi.
"Let's rock the E.R.R.O.R. tonight!" Sabay-sabay naming sigaw bago lumabas ng bahay. Nakarinig kasi kami ng busina, dumating na ang sundo namin.
\m/ \m/
Maraming tao ngayon na kasabay naming pumasok sa E.R.R.O.R., palibhasa weekend at on-vacation pa rin ang ilang college students kagaya ko.
Napapatingin nga sa'min ang bawat masalubong namin, napapagitnaan kasi ako ng dalawang gwapong nilalang. Feel na feel pa ni WAM ang pagsusuot ng shades habang nakaakbay sa'kin. Taas ng buwan, bro. Si Hiro naman na Hiroki Moriuchi look alike ay nakapamulsa habang simpleng pinagmamasdan ang rocking vibe ng E.R.R.O.R. Napansin ko nga na nagkatinginan pa sila no'ng isang babae na may kasamang mga bodyguard yata. Rich kid siguro, halata naman sa pananamit nya.
"Hey guys, over here!" Tawag sa'min ni CL na ngjting-ngiti nang makita ang suot ko. "Good girl, Courtney Love. Akala ko buburuhin mo na 'yang mga iniregalo ko sa'yo." Kinurot pa nya ako sa pisngi kaya sinimangutan ko lang siya.
"Hiro!" Napatingin kaming lahat sa tumawag kay Hiro kahit siya lang naman ang tinatawag at nagulat na lang kami nang bigla na lang siyang niyakap ni Miss-Rich-Girl-With-Bodyguards. "Oh my goodness, I know it's you!"
"Kilala mo si Hirobabes, Shin?" Tanong ni CL sa babaeng super-duper ang pagkakayakap kay Hiro.
"Of course!" Kumapit naman ito sa braso ni Hiro matapos ang hugging scene. "Kilala ko siya because--"
"Yes." Lokong Hiro 'to, basta na sumasabat. Bumulong pa siya at nagsalita ng alien language.
Small world nga 'ika ni CL. Iniwan nya muna kami dahil kakausapin pa nya ang mga bandang tutugtog kasunod ng kasalukuyang nasa stage at kumakanta ng One Ok Rock song. Teka, schoolmate ko sila, ha?!
BINABASA MO ANG
My Freakin' Story With Hiroki √
FanfictionHiroki Moriuchi Fanfic Samahan natin si Courtney Love aka Lyric sa kanyang rock and roll adventure with Hiro \m/ I love you now and forever Will be beside you forever Our love will last forever For you! I love you now and forever Will be beside you...
