Three days. Three days left before One Ok Rock's Phil. concert and my 18th birthday. Ang saklap lang talaga kasi hindi ako makakapunta. Naisip kong gawan na lang sila ng fanart kaso wala akong art materials. Ayoko namang manghingi kay WAM, mas gusto ko kasi na sa'kin talaga ang mga gagamitin ko. 'Di bale, dadaan na lang ako sa mall mamaya, magpapasama ako kay Hiro para hindi na ako mag-ccommute kaso...
"Hi! Hihiramin ko muna si Baby Hiro, na-mimiss ko na kasi siya." Nagulat na lang kami dahil biglang sumulpot si Shinree kasama ang bodyguards nya. Nawindang pa ako sa naka-print sa suot nyang stylish shirt.
Owned by a Moriuchi.

Wow. Kay Takahiro o kay Hiroki?"OMG! 'Di ba ikaw si Shinree Sy Aquino?" Tanong ni Jana sabay kuha ng cellphone nya. Tumango naman si Shin habang nakangiti.
"Kilala mo siya?" Sabay pang tanong namin ni WAM.
"Or course! Hello, pamangkin lang naman siya ng President natin. Sikat na sikat kaya ang clothing line nyang 3S at R.mw. Endorsers pa nga ang One Ok Rock!"
Grabe. Ganito na ba ako ka-antisocial? Prominenteng tao pala 'tong bumisita sa'min. Sobrang yaman siguro nya to the point na nakuha nya ang One Ok Rock as endorsers.
"Ate Shin, pwede pong pa-picture? Upload ko lang sa Instagram. Once in a lifetime chance lang 'to kaya lulubusin ko na." Agad na tumabi si Jana kay Shin.
"Sure!" Umakbay naman si Shin kay Jana habang ngiting-ngiti.
"Thank you!"
"Here. Ipakita mo lang sa store branches namin for a discount." Iniabot ni Shin ang isang gold plated card na may black linings. Astig.
"Wow! Thank you po ulit! Ang bait mo talaga!" Sa sobrang tuwa ni Jana ay nayakap nya si Shin.
"Let's go?" Napatingin kaming kahat kay Hiro na pababa ng hagdan. Kya naman pala bigla siyang nawala kanina bago dumating si Shin.
Oh my freakin' goodness! Bakit ang gwapo nya sa suot nyang polo at camouflage shorts? Parang gusto ko tuloy na kurutin siya sa magkabilang pisngi pati sa matangos nyang ilong.

'Yong binabalak kong gawin kay Hiro ay si Shinree ang gumawa. Pinanggigilan pa nga nya ang pisngi ni Hiro nahalos mamula na.
"Shin, you're harassing me!" Nakanguso na si Hiro habang hinihimas ang pisngi.
Napabungisngis naman si Shin. "Sorry baby, can't help it. Ang gwapo mo kasi ngayon. Bagay na bagay sa'yo ang get up mo. Naisip ko tuloy na kunin kaya kitang endorser ng clothing line namin?"
Hiro shrugged. "By the way, cool shirt."
"I know." She winked at him. "Tara?" Lumabas na sila ng bahay hanggang sa kaming dalawa na lang ni WAM ang naiwan dahil sumama si Jana sa paghatid sa kanila sa labas.
"May gusto ba siya kay Pareng Hiro?"
"Malay ko. Muhang close na close sila. Nabasa mo naman 'yong nakalagay sa suot nya." Taas-kilay na sagot ko habang nakahalukipkip.
"Selos ka?" Nagsisimula na namang mang-asar ang kapatid ko.
"Napaka-malisyoso mo. Sayang, magpapasama pa naman ako kay Hiro para bumili ng art materials. Bukas na lang siguro."
\m/ \m/
10PM.
Nakahalukipkip ako rito sa may harapan ng pinto habang may nakasalpak na earphones. Hinihintay ko kasing umuwi si Hiro. Nahihiya naman kasi akong i-text baka kasi nakakaistorbo ako sa bonding nila ni Shinree.

BINABASA MO ANG
My Freakin' Story With Hiroki √
FanfictionHiroki Moriuchi Fanfic Samahan natin si Courtney Love aka Lyric sa kanyang rock and roll adventure with Hiro \m/ I love you now and forever Will be beside you forever Our love will last forever For you! I love you now and forever Will be beside you...