MFS 2 (His): Love Letter

167 22 7
                                    

"Domo arigatou. See you at the concert, brother."

[Enjoy your stay in the Philippines. Regards to Landon. Gotta go, advance happy birthday!] Narinig ko ang pag-click ng telepono sa kabilang linya.

Si Taka ang kausap ko at birthday gift nya sa'kin ang Philippine tour na ito. Si Landon ang close friend ko na nakilala ko sa Japan ang magsisilbing tour guide ko for a one month stay here.

I check the time. Five minutes until 4pm. Sabi kasi nya ay sa mall na ito kami magkita dahil susunduin pa nya ang girlfriend nyang si Yoko. Buti na lang at malapit dito ang hotel na tinutuluyan ko. 

"Hey, Hiro!" Napalingon ako sa tumawag and I saw Landon and Yoko. Just right in time.

"How's the weather here?" Tanong ni Yoko matapos ng fist bump at yakapan session namin ni Landon.

"It's fine. Malamig pa rin kahit January. At least hindi ako makikipag-wrestling sa lamig ng snow." We all burst into laughter.

"Wala ka pa bang girlfriend, dude? Magmumukha ka kasing chaperone namin ni Yoko." Pang-aalaska ni Landon kaya kinurot siya ni Yoko.

"On her way pa siguro si Miss Right, 'di ba Hiro?"

Kibit-balikat lang ang tugon ko. Wala akong panahon para sa lovelife. Career muna.

"Let's go inside. Baka nasa mall pala ang hinahanap natin. Who knows?"

Lumakad na kami papasok. Nasa gitna namin ni Yoko si Landon.

Nasa loob nga kaya si Miss Right? Well, who knows?

\m/ \m/

Agad na nagsitingan ang mga tao pagkapasok namin. PDA kasi ang couple na kasama ko. Biro lang. Siguro iniisip nila na hawig ko si Hiro ng MFS kahit ako naman talaga 'yon. Buti na lang at nagsuot ako ng shades.

Napatingin ako sa get up ko. Ayos pa rin naman na magsuot ng camouflage coat at black pants dahil malamig pa rin ang panahon samantalang naka-couple jacket naman sina Landon at Yoko. 

"Pakainin kaya natin si Hiro ng street foods? Tapos balot." Suggestion ni Yoko dahil nandito na kami sa may tapat ng food court.

"Pwede! Unforgettable experience 'yan. Dito tayo sa food court para maiba naman."

"Kuripot mo talaga, Landon." Biro ko sa kanya. Nagpalinga-linga ako para maghanap ng mauupuan.

"Alam kong sawa ka na sa mamahaling restaurant, dude. Magugustuhan mo mga pagkain dito." Niyaya na nya si Yoko sa may counter matapos naming makahanap ng pwesto.

Medyo awkward sa pakiramdam habang naghihintay sa dalawa. Pakiramdam ko kasi ay pinagtitinginan ako ng mga tao lalo na ng mga grupo ng teenager sa may tapat ko. Nakatutok pa nga ang mga cellphone nila sa'kin.

I'm aware that my brother's band is famous here in the Philippines kaya nga may concert sila sa January 19. Ang MFS kaya kailan? Napailing na lang ako. Iniisip ko pa naman na baka hindi kilala rito ang MFS but the mere fact na kilala rin nila ako as Taka's younger brother, hindi malabo na alam din nila ang tungkol sa banda ko.

"He looks like Hiro!" Narinig kong bulong ng babae sa tapat ko. Bulong nga pero dinig na dinig naman ng mga kasama nya.

"Baka carbon copy lang, girl! Imposible namang maligaw si Fafa Hiro sa Pilipinas. Buti pa One Ok Rock, may concert sa January 19." Komento naman ng katabi nya.

Kung alam nyo lang. Katapat nyo lang ang Hiro na pinag-uusapan nyo.

Nag-scroll na muna ako sa cellphone ng mapapakinggang kanta habang naghihintay sa dalawa. I tap our song Love Letter.

My Freakin' Story With Hiroki √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon