MFS 25 (Her): Miss You

74 13 6
                                    

March 3, 2016

[Ate Lyric! Nakita mo na ba ang status ni Kuya Masack?] Kalalapag ko pa lang ng bag ko galing school nang mag-ring ang cellphone ko. Si Jana ang tumawag. Last February ay bumalik na siya sa kanila dahil namimiss na raw siya nina Tito at Tita.

"Hindi pa? May nangyari ba?" Hindi ko maiwasang hindi mag-alala kasi naman ang ligalig ng boses nya.

[Nakauwi ka na ba? Mag-online ka dali! Check his Facebook account.] Pambihira. Ayaw agad sabihin.

"Kauuwi ko lang. Okay mag-oonline ako pagkatapos kong magpalit ng pambahay."

[Good. Bye bye na! Miss ko na kayo ni Wolfgang!]

"Si Teru ba hindi mo namimiss?" Panunukso ko sa kanya habang paakyat ng hagdan.

[Si Kuya Hiro ba hindi mo namimiss?] Aba't ibinalik din ng tanong ang tanong ko.

"Kapag um-oo ba ako, oo rin ang sagot mo?"

[Miss ko na sila. Hindi lang siya, 'no. Sige na bye bye na!]

"In denial pa. Bye Kiddo." Panunukso ko ulit bago ibaba ang phone. Agad akong nagpunta sa bathroom for a half bath.

\m/ \m/

"Oh my God..."

Pagka-online ko ay nag-notif agad sa Facebook account ko na nag-status si Masaki. Nagulat talaga ako dahil nag-desisyon siya na mag-leave na sa MY FIRST STORY. May bago na siyang banda which is Utopia League.

Hindi ko alam kung tatawag ba ako kay Hiro o kakausapin si Masaki. Mas pinili ko na hayaan na lang muna sila. Marahil may matinding dahilan kung bakit siya umalis sa banda. Naalala ko tuloy bigla ang sinabi nya sa pinsan ni CL. 'Yon pala ay aalis na siya sa MFS.

Nag-comment na lang ako sa status nya. Kahit may iba na siyang banda ay susuportahan ko pa rin sila. Napapunas na lang ako ng luha dahil nakakaiyak naman talaga ang nangyari.

"Anak, kakain na." Napatingin ako sa may pintuan nang sumilip si Mama.

"S-sige po. Logout ko lang fb ko."

"Bakit ka umiiyak. May nangyari ba?" Naikwento ko na tuloy kay Mama ang nangyari.

"Pero susuportahan ko pa rin sila, 'Ma."

"Nakakalungkot naman. Nakausap mo na ba sila?" Umiling na lang ako.

"May dahilan siguro ang pag-alis ni Masack. Nakakamiss tuloy silang bigla."

"Oo nga po. Tara na, 'Ma. Nakakagutom ang amoy ng niluto nyo." Inakbayan ko si Mama habang palabas kami ng kwarto.

\m/ \m/

Habang naghahapunan ay nasabi rin ni WAM ang nangyari, tinawagan din kasi siya ni Jana. Hindi ko talaga maiwasang hindi malungkot. Five years din si Masaki sa MFS at saksi ako sa closeness nilang magbabanda kahit sa maikling panahon na nakasama ko sila.

Kami na ni WAM ang nagligpit at umakyat na rin agad ako pagkatapos dahil ang dami kong homework. Buti na lang at ilang araw na lang ay bakasyon na.

Tambay muna ako rito sa balcony bitbit ang acoustic guitar at scribbling notebook ko. Namimiss ko na agad sila. Tahimik na kasi sa bahay mula nang umalis sila although nagkukulitan pa rin naman kami ni WAM. Si CL naman ay madalang na pumunta sa bahay, nagpapaka-busy masyado sa E.R.R.O.R. Okay na rin para atleast hindi nya mamimiss si metal ninja. Hiro-L shipper talaga ako.

Sinimulan kong mag-strum ng gitara. Miss You ng Coldrain ang naisip kong tugtugin.

I'm laying here on a bed
My eyes are closed but I'm awake
I wish the dream would never end
You'd still be next to me

I thought this would be easier
I'd do my thing and this would work
But now I'm here trying to find a song
To make this emptiness disappear
When all it is, is I miss you

I miss you Hiroki Moriuchi...

As days go by, nights go long
Think I find a better song
But I'm still here trying
To find a way to make this emptiness disappear
But it still won't disappear

'Cause everwhere I go, you're always on my mind
But I just wish you wouldn't call me tonight
'Cause when I hear your voice
Reminds me of the choice
I made to not always be by your side
And everytime you cry
You keep the pain inside
You lied with me with "everything's alright"
Now it's hard to say
It's always hard to say
I miss you...

Napabuntung-hininga na lang ako matapos tumugtog. Tama na nga ang pag-eemote. Inilapag ko muna ang gitara ko at saka kinuha ang scribbling notebook ko. May pagka-clumsy ako minsan kaya nabitawan ko siya. Napakunot-noo ako nang makita ang nakasulat. Nakabuklat kasi sa may bandang gitna ang notebook.

Natatawang binasa ko siya, except sa Japanese characters na nakasulat.

January 7, 2016

I met an awesome rocker chic named Lyric (Courtney Love, but I called her Love). She's fun to be with, bubbly and talkative (peace out!)

Nice to know you. 'Til next time, "Taka Moriuchi's Girl".

Hiro \m/

Nagsulat pala si Hiro sa scribbling notebook ko, kaya pala that time na makabalik ako galing restroom ay hawak-hawak nya pa 'to.

Kinuha ko ang ballpen ko para baguhin ang naka-underline na isinulat nya. Pinalitan ko ng "Hiroki Moriuchi's Girl".

\m/ \m/

March 11, 2016

Pagkatapos ng matagal na pananahimik ng MFS ay nagulat na lang ako dahil nag-post na sila sa Facebook page at Instagram accounts nila. Katatapos lang ng HIGHEST LIFE PARTY Vol. 5 gig nila last March 10 na ginanap sa Tsutaya O-East, bago na rin ang drummer nila na si Kid'z pero feeling ko matagal na siya nakakasama ng banda. Proud na proud ako sa kanila dahil sold out ang tickets, marami talagang sumusuporta sa banda nila kahit apat lang sila ngayon dahil on hiatus nga si Sho. Wish ko lang na makapunta kami ng Japan para manuod ng gig nila.

Nagulat tuloy ako nang mag-ring ang phone ko. Si CL ang tumatawag.

"Hello, CL? I miss you!"

[I miss you too, Courtney Love! Naging busy lang ako para may pambili tayo ng ticket.]

"Ticket? Para sa'n?"

[Plane tickets at concert tickets! Good thing at maayos ang pamamalakad ko ng E.R.R.O.R. Ayoko namang umasa sa parents ko para sa tickets natin for MFS, Crossfaith at Coldrain concerts.]

"Teka, teka. Tama ba ang narinig ko? Tickets para sa MFS, Crossfaith at Coldrain concerts?"

[Yes, my dear. Alam ko namang miss na miss mo na si Hirobabes. Kasama natin sina Val, Eriz at Zam pero hindi ko sagot ang tickets nila dahil may pambili naman sila.]

"Mahal na mahal mo talaga ako 'no?"

[Of course! Sabihan mo si Jana baby. I'm sure na miss na nya si Teruki.] Sabay pa kaming napatawa sa kabilang linya.

"Sige! Excited na 'ko! Magugulat panigurado sina metal ninja."

[Yup! Hindi natin ipapaalam na manunuod tayo ng concert nila. Bet ko rin na makita si Masato.]

"Crush mo?"

[Medyo. Galing nya rin kasi kumanta! All English din naman kasi mga kanta nila like Crossfaith.]

"Naks. Nakikinig ka na pala ng mga kanta ng CF."

[Slight. O siya ibababa ko na 'to. Matulog na tayo, 'wag mo masyadong isipin si Hirobabes. Mahal ka no'n.]

"You too. 'Wag mo rin masyadong isipin si metal ninja dahil mahal ka rin no'n."

[Duh. We're just friends.]

"Sus. Kaya pala siya ang first mo. Bye CL! Goodnight."

[Bye. Sweet dreams!]

Ang lapad ng ngiti ko at patalong nag-dive sa kama. Can't wait to see those guys! First time ko rin na aattend ng concert outside the country. Wish granted agad ako!

My Freakin' Story With Hiroki √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon