MFS 6 (His): The Morning After

173 19 9
                                    

Masarap palang matulog kapag may kayakap. Hindi rin ako makaramdam ng lamig dahil sa warmth na hatid ng kung sino mang nakayakap sa'kin.

Someone's hugging me in my sleep?

Bigla tuloy akong napamulat at tumingin sa kaliwa. Nakatulog pala kami ni Love nang nakaupo at nakasandal sa sofa. Si Wolf naman ay nakatalukbong ng kumot. Napangiti ako at inayos ang ilang hair strands na nakaharang sa maamong mukha ni Love. Hindi artistahin ang itsura nya pero kakaiba talaga ang personality nya.

"Anata wa watashi no yoko ni nete tenshi no yō ni miemasu." Bulong ko habang marahan kong hinaplos ang pisngi nya. Napatigil ako dahil bigla siyang gumalaw, akala ko ay magigising siya pero isiniksik lang nya lalo ang sarili nya sa'kin. Ano kayang magiging reaksyon nya kapag nagising siya tapos ganito ang itsura namin?

Napatingala ako sa nakasabit na wall clock. It's only four o'clock in the morning. Kinuha ko ang remote na nasa side table at in-off ang TV.

"Watashi no tenshi o yume." Inayos ko ang kumot namin at bumalik sa pagtulog nang nakaupo.

\m/ \m/

Nagising ako dahil may naririnig akong mahinang pagtawa. Can't barely open my eyes because I want to sleep more but I have this feeling that someone's staring at me. Kinusot ko pa ang mata ko at nag-inat. May brasong nakapulupot sa beywang ko, Love's still sleeping peacefully.

"Good morning Pareng Hiro." Bulong ng salarin na si Wolf. May hawak siyang Polaroid at itinutok sa'kin. "Don't move."

Makalipas ang ilang segundo ay lumabas na ang picture namin ni Love. Iniabot nya ito sa'kin. "Souvenir. Don't tell Ate Lyric." He whispered again, suppressing his chuckle. I nod at him.

"My parents went out early. Wake her up and tell her to fix our breakfast. Fix yourself, too." Natatawa pa siya habang papaakyat ng hagdan.

Itinago ko ang picture sa coat bago ko simulang gisingin si Love. "Wake up, sleeping beauty."

Gumalaw lang siya at tulad kanina, sumiksik lang sa'kin. Tinapik ko ang pisngi nya habang nagpipigil ng ngiti. "Love, you need to fix our asagohan."

"I'm still sleepy, Taka. Five more minutes, please." Taka? She's dreaming, huh.

"Wake up, Love." Umiling lang siya at itinaas ang blanket.

Nakaisip tuloy ako ng kalokohan. "Love, better be wake up or else I'll kiss you."

Her reaction? Smiling with eyes closed. "Go ahead, Taka." But I'm not my brother.

Umangat ang ulo nya with matching pouty lips. Nakapikit pa rin siya. God, this girl beside me is driving me crazy.

"Kiss me, Taka."

Dahil uto-uto ako, dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya.

"Cheek kiss?" Tila batang reklamo nya.

I sigh. "Courtney Love, you need to stop yourself from dreaming. Come on, wake up!" Before I lose my mind and crush your cherry lips. I swear.

Dahan-dahan nyang iminulat ang mata nya. Her jaw dropped when she saw me grinning. "Are you awake now, Sleeping Beauty?"

"Oh my God!" She covered her face using her both hands. "Oh my freaking God!"

My Freakin' Story With Hiroki √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon