MFS 7 (Her): Housemate

175 18 11
                                        

"Anata no kotto o motto shiritai."

Ano raw?

Basta na nanghihila 'tong si Hiro tapos yakap agad kaya hindi na ako naka-react. Hindi ko rin naintindihan ang sinabi nya. Ano kayang trip nya?

Sumagi tuloy sa isip ko ang panaginip ko. Akala ko talaga ay si Taka ang kasama ko pero anak ng tokwa naman, si Hiro pa yata ang namolestiya ko. Nakakahiya!

Kung pwede lang mag-evaporate kanina. Ang epic ko kasi! Tapos hindi kinaya ng powers ko na humihingi ako ng kiss kay Taka pero si Hiro ang niyakap-yakap ko? Buti na lang at hindi nya kinuha ang first kiss ko kasi sa pisngi lang nya ako hinalikan.

Hokage moves ang Lolo nyo.

Pareho pa kaming napapitlag at napakalas sa isa't isa nang tumunog ang cellphone ko. A Thousand Miles One Ok Rock version pa naman ang caller ringtone.

If I could fall
Into the sky
Do you think time
Would pass me by
'Cause you know I'd walk a thousand miles
If I could just see you, tonight

Thanks, 'Ma. Saved by the call este bell.

"Hello 'Ma."

[Lyric anak, nag-almusal na ba kayo?] Napaka-thoughtful talaga ni Mama. Kaya nga mahal na mahal ko siya.

"Katatapos lang po. Naglilinis na nga po ako rito sa living room."

[Good. Where's Hiro? Kakausapin daw ng Papa mo. Give him the phone.]

Iniabot ko kay Hiro ang cellphone ko at nagtataka siyang napatingin sa'kin. "Papa wants to talk to you."

Tumango naman siya bago sagutin ang tawag. "Hello, Tito Papa."

Napataas ang kilay ko at napangisi sa term na ginamit nya kay Papa. Taas-baba naman ang kilay nyanhabang nakatingin sa'kin.

"Stay? Are you sure, Tito Papa? Is it okay with Tita Mama?" Ano kayang pinag-uusapan nila? Silly, malalaman ko rin naman mamaya.

"Okay. Just let me go to my hotel room first to gather my stuff. Arigatou." Iniabot nya uli sa'kin ang phone.

[Anak, baka abutin kami ng one week sa conference. Pinapadaan kasi kami ng Tita Juliet mo sa kanila. Don't worry, nagsabi na ako kay Hiro na sa atin muna mag-stay.] Napanganga na lang ako sa sinabing ito ni Papa at napatingin kay Hiro. Gano'n sila kabilis nagtiwala sa lalaking 'to? Kung sabagay, madali ko nga lang siyang nakagaan ng loob.

"Paki-kumusta na lang po ako kay Tita Juls. Sure talaga kayo nina Mama regarding this?" Ang tinutukoy ko ay ang pag-stay ni Hiro.

[Yes. We know that he's a good person. Nakausap mo nga agad siya knowing aloof ka sa mga lalaki.] Panunukso naman ni Mama. Napabuntung-hininga na lang ako.

"Ingat po kayo. Sana makauwi kayo bago ako mag-birthday."

[Of course, we will Princess. Papunta na kami ng Mama mo sa conference hall. Bye.] Papa calls me Princess. Narinig ko na lang ang pag-click ng phone.

"Ate, tumawag ba si Mama sa'yo? May miscall sa'kin kaso hindi ko agad nasagot kasi naliligo ako." Pababa na si WAM habang inaayos ang buhok. Halatang bagong ligo ang kapatid ko. Umaalingasaw pa ang gamit nyang pabango.

"Oo. Katatapos ko lang kausapin." Napatingin naman ako kay Hiro dahil nagsusuot siya ng coat.

"I need to go, Love. Will be here after an hour."

"Saan ka pupunta, Pareng Hiro?" Kunot-noong tanong ng kapatid ko.

"Kukunin nya mga gamit nya sa hotel na tinutuluyan nya. Dito siya pinapatigil nina Mama at Papa kasi baka next week pa sila umuwi." Dire-diretsong sagot ko. Ako na talaga ang sumagot.

My Freakin' Story With Hiroki √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon