MFS 5 (Her): Sleepover

180 22 8
                                    

Daig pa namin ang reunion dahil niyakap rin nang mahigpit ni Yoko si CL. Nagpaalam na rin sila agad dahil tumawag ang Mama ni Yoko at ininvite si Landon for dinner dahil magkasama naman sila. Bonding na lang daw ulit sa susunod. Hiro decided to stay. Wanna know my kikay bestfriend?

She's Courtney Love (the second). CL for short. Pucca lover and...

"Oh my gorgeous! You look like baby Hiroki!" Napahawak pa si CL sa magkabilang pisngi at saka hinawakan ang mukha ni Hiro sabay pisil sa pisngi.

"Ate Pucca, este Ate CL, 'wag mo namang takutin si Hiro." Pang-aalaska ng kapatid ko.

"Ang kawaii kasi nya, Wolfy." Napahagalpak na ako ng tawa dahil sa pet name ni CL sa kapatid ko.

"Wait, let me introduce myself. Courtney Love aka CL, future wife of Toru Yamashita."

Tama ang nabasa nyo. My bestfriend's head over heels with Toru. Wallpaper ng laptop, tab, PC at cellphone nya ay puro Toru collage pics. Ang kwarto nya ay tadtad ng Toru posters.

"Hirota Mori. Hiro." Ang epic ng itsura ni Hiro habang nakikipagkamay kay CL.

"Buti naman at may new circle of friends na si Courtney Love. Amasona kasi 'yan kaya walang masyadong lumalapit na boys." I rolled my eyes. Natatawa naman si Hiro.

"Let's go inside. Baka habulin ka pa ng toro dahil sa outfit mo." Inakbayan ko na si CL at nakasunod sa'min sina WAM at Hiro na parehong natatawa.

\m/ \m/

"Mama, Papa, si Hiro po pala. New friend namin." Nadatnan namin silang nanunuod sa may living room pagpasok namin.

Agad na kinuha ni Hiro ang kamay ni Mama para magmano. Gayundin kay Papa. Wow, alam nya pala ang Filipino culture na 'to?

"Kaawaan ka ng Diyos, hijo." Tumango naman si Hiro kay Mama.

"Kumain na ba kayo? Maghahanda ako ng hapunan." Si Papa ang cooking master chef sa bahay. Nagluluto din naman si Mama pero mas masarap nga lang kapag si Papa ang tumarabaho sa kusina.

Tumanggi kaming lahat maski si CL. Busog na busog pa talaga ako sa food trip namin ni Hiro. Si CL ay hindi naman daw magtatagal dahil pupunta pa siya sa resto bar nila. Birthday gift ng parents nya noong 18tu birthday nya at siya rin ang isa sa namamahala. Matanda lang ng ilang araw sa'kin ang bestfriend ko. Birthday nya last January 2.

"Maghahanda na lang kami ng Mama mo ng dessert. Maiwan na muna namin kayo." Bumaling si Papa kay Hiro. "Feel at home, Hiro."

"Thank you, Sir."

"Call me Tito." Tinapik pa ni Papa sa balikat si Hiro.

"Okay, Tito. Thank you again." Nag-bow pa ang Lolo Hiro nyo.

"Nice one, Ojiisan." Kagat-kagat ko tuloy ang lower lip ko para magpigil ng tawa. Napatingin tuloy siya sa labi ko at saka ako binigyan ng nakakalokong tingin.

Naupo agad si CL sa sofa at nagsimulang mag-tap ng tab nya. Malamang sa Instagram na naman ang destinasyon nya. Si WAM naman ay sumama kina Mama at Papa sa kitchen. Atat talaga.

Naiwan kaming nakatayo ni Hiro pero nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit sa'kin at bumulong.

"Don't dare bite your lip again. 'Cause I'll be the one to do it next time, you little tease." Saka siya umupo sa tabi ni CL at nakiusyoso sa ginagawa nito sa tab.

"Do you have an IG account, Hiro?" Umiling naman si Hiro at saka tumingin na naman sa'kin. Kinindatan ako ng Lolo nyo!

Pakiramdam ko ay umakyat na ang dugo ko sa mukha. I felt my cheeks heaten up. Next time, hindi ko na siya bibiruin baka totohanin pa nya ang banta.

My Freakin' Story With Hiroki √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon