Nandito na naman ako sa bench sa pinakadulong bahagi sa labas ng mall. Feel na feel ang pagkain ng ice-cream habang may nakasalpak na earphones at sinasabayan ang kanta ng MY FIRST STORY. Pamilyar ba?
Dito rin mismo sa kinauupuan ko ang unang encounter namin ni Hiro. Hinila nya ang earphone ko at sinabayan ang kantang ng MY FIRST STORY. Napagkamalan ko pa siyang si Hiroki Moriuchi pero siya naman talaga.
Napapangiti tuloy ako habang nagsosoundtrip. Naubos ko na nga ang kinakain kong ice cream. Napamulat lang ako nang may magsalita sa tabi ko.
"Birthday girl's smiling for no reason." Bumungad sa'kin ang nakangiting si Hiroki. Halos mawala na nga ang mata nya sa sobrang pagkakangiti.
"Hey, what are you doing here, metal ninja?" Nakipag-fist bump pa nga siya sa'kin.
"Spending my free time before the Meet & Greet." Sumandal siya sa bench habang nakaunan ang ulo nya sa magkasalikop nyang palad.
Yeah. After a year ay bumalik ulit ang One Ok Rock para mag-concert. Napili rin nila ang same date kung kailan sila unang nag-concert. January 19. Birthday ko rin. At ang mas exciting pa nito, kasama nila ang Crossfaith at Coldrain. May surprise guest din na kahit si Shinree ay ayaw sabihin sa'min kung sino. Hindi na ako nagtaka kung bakit mabilis naubos ang concert tickets. Libre naman ang tickets namin courtesy of her.
"It's your second time to perform here. How does it feel?"
"Kinakabahan but excited at the same time." I grinned at his Tagalog word.
"We love you guys, don't worry. All you have to do is to keep the night rockin' later!" I gave him a rock sign.
"Hey, hey, hey! Did we miss something here?" Bigla na lang sumulpot sina Kenta, Kazuki, Terufumi at Tatsuya. Maliban sa black outfit nila, ang cute nila dahil nakasuot pa sila ng birthday hats habang may dala-dalang balloons, cake at gifts.
"Okay let's sing a birthday song now." Nagulat pa ako nang biglang magsalita si Masato mula sa likuran ko. Kasunod nya rin ang bandmates nyang sina Sugi, Rxyxo, Y.K.C. at ang cute na cute na si Katsuma.
"Wait, let me check my video cam first." Napatapik pa ako sa noo. Kahit kailan talaga ay hindi pahuhuli ang bestfriend ko.
Bumukas ang mga nakaparadang sasakyan malapit sa pwesto namin. Kaya naman pala walang katao-tao sa bahay kanina dahil may plano pala silang ganito. Parang naulit lang din ang birthday ko last year dahil same faces ang nakikita ko maliban sa OOR at MFS dahil wala sila rito.
Speaking of MFS, nagkakausap pa rin naman kami ni Hiro pero mas madalas ay parents ko ang kausap nya o kaya naman si WAM. Naging busy sila sa gigs nila pero umuwi sila ng 'Pinas for a one-week beach outing. Inimbita kasi sila ni CL. Kami na nga palang dalawa ng bestfriend ko ang namamahala sa E.R.R.O.R. Malaki ang naitulong namin sa mga underground band na tumutugtog doon dahil ang iba sa kanila ay may album na at tumutugtog na sa iba't ibang lugar.
"Happy birthday Lyric, happy birthday Lyric! Happy birthday Dear Lyric...happy birthday to you!" Kanya-kanya silang tono sa pagkanta. Napapatingin tuloy sa'min ang ilang tao na bumibili sa stalls.
"Make a wish first before blowing the candle." Inakbayan naman ako nina Mama at Papa.
"Sana makasama ko si Hiro ngayong birthday ko." I silently wished bago hipan ang 19 candles.
Thirty minutes kaming nagcelebrate ng birthday ko bago sila bumalik for Meet & Greet. Mamaya naman namin sila makakasama dahil may backstage pass kami. Wala rin akong natanggap na birthday greetings from MFS. Busy siguro sila.
"Rock and roll later!" Sigaw pa ni Kenta bago sila umalis.
\m/ \m/
BINABASA MO ANG
My Freakin' Story With Hiroki √
FanfictionHiroki Moriuchi Fanfic Samahan natin si Courtney Love aka Lyric sa kanyang rock and roll adventure with Hiro \m/ I love you now and forever Will be beside you forever Our love will last forever For you! I love you now and forever Will be beside you...
