FEBRUARY 14, 2014
HINDI na yata mabilang ni Rinoa kung nakailang bote na siya ng beer. Ang gusto lang niya ng mga oras na iyon ay magpakalunod sa alak. Iyon lang kasi ang alam niyang paraan para kahit naman paano ay mawala ng kahit na kaunti ang nararamdam niyang sakit at hapdi ng mga oras na iyon.
Nasa loob siya ng Belle's Pepper na isang restaurant sa hotel kung saan ay isa siyang pastry chef. Nang iginala niya ang paningin niya sa paligid ay kumirot na naman ng husto ang dibdib niya. Sino ba naman kasi ang hindi magiging bitter sa nakikita niya? Maraming mga happy couples na magkasama at halatang masaya sa isa't-isa. Idagdag pa ang masasayang kanta na pinapatugtog sa bahaging iyon ng restaurant. Halos lahat yata ay masaya at maligaya, maliban lang sa kanya.
Sino ba naman kasi ang magiging masaya kung nagawa kang lokohin ng lalaking mahal mo? Makakangiti ka pa ba kung yung taong alam mong siya na ang makakasama mo habang buhay at laman ng mga pangarap mo sa isang iglap ay nagbago ang lahat?
Sa isiping iyon ay nilaklak niya ng straight ang beer na hawak niya. Kahapon lang ay nahuli niya ang magaling niyang boyfriend na si Troy na may kahalikang babae. Noong umpisa ay galit na galit siya kay Troy. Halos magwala na siya at inaway-away niya niya ito. Hindi niya akalain na magagawa iyon sa kanya ng nobyo niya. Wala kasi sa hinagap niya na gagawin iyon sa kanya ni Troy dahil alam niyang nagmamahalan silang dalawa. Ang buong akala niya ay hindi siya magagawang lokohin nito dahil ginawa naman niya ang lahat para mag-work out ang relationship nila. Ang akala niya ay sapat na iyon but she was wrong.
Lahat pala ng akala niya ay mali pala. Pero kaninang umaga ng mapag-isip-isip niya na hindi pala niya kayang mabuhay ng wala ang nobyo kaya nagmamadali siyang pumunta sa bahay nito. Pupuntahan niya ang lalaki para sabihin dito na she's willing to give him a chance at magsisimula sila ulit. Nilunok niya ang lahat ng pride na alam niyang mayroon siya para lang hindi ito mawala sa buhay niya. Pero gumuho ang mundo niya ng sabihin mismo ni Troy sa kanya na hindi na daw nito kayang magsinungaling at magpanggap na mahal siya nito. Gusto na nitong makipaghiwalay sa kanya para daw maging masaya na ito kasama ang bagong babaeng ipinalit nito sa kanya. And at the same time, binanggit din nito sa kanya na kailangan din nito ang impluwensya ng babae para matupad daw ang pangarap nitong posisyon sa kumpanya.
Nang marinig niya ang lahat ng katagang iyon ay feeling niya ay parang pinunit na parang papel ang puso niya hanggang sa magkapira-piraso iyon. Ganoon kasama ang pakiramdam niya at lalo pang umantak ang nagdurugo niyang puso kapag nakikita niya ang masasayang couple sa restaurant. Sana pala ay hindi nalang siya nagpunta dito ngunit hindi na siya nakapag-isip ng maayos dahil gusto na niyang ilabas ang lahat ng sama ng loob niya sa pag-inom ng alak.
Napalingon siya sa katabi niyang lamesa ng marinig niya ang masasayang tawanan at tuksuhan. Kung hindi siya nagkakamali ay mukhang may nagaganap na wedding proposal.
Dahil may tama na ng espirito ng alak ay hindi na siya nag-iisip masyado kaya naman hindi na niya napigilan ang sarili niyang sumigaw sa grupo na nagkakatuwaan.
"Ngayon lang kayo magiging masaya!"sigaw niya sa mga ito na halos ikinalingon sa kanya ng mga tao sa restaurant. "Bukas maghihiwalay din kayo!"
Ngunit wala siyang pakialam kung pagtawanan o pagtsismisan siya ng mga tao doon. Ang mahalaga sa kanya ay ang malabas niya ang sama ng loob niya.
"Saka yang mga lalaking iyan, pareho lang yang mga yan! Gagamitin ka lang niyan. Tapos kapag sawa na sayo itatapon ka nalang sa isang tabi!"patuloy na sigaw niya na sinamahan pa niya ng pagtungga ng alak. "Tapos sasabihin nila sorry but I love someone else!"
Nang mapansin niyang ubos na ang alak niya sa mesa ay tinawag niya ang waiter. "Isang case pa nga ng beer! Baka sakaling kapag nagising ako bukas, maubos na lahat ng mga manlolokong lalaki sa mundo!"
Wala na siyang pakialam kung nagmumukhang tanga na siya sa ginagawa niya. Iyon lang din kasi ang alam niyang paraan para mailabas niya ang frustrations niya. Ngunit lumipas na ang limang minuto ay wala pa din lumalapit sa kanyang waiter.
"Bigyan niyo ako ng alak!"sigaw niya sabay pukpok ng malakas sa mesa na kinaroroonan niya.
Pero sadya yatang hindi na siya bibigyan ng waiter kaya naman nagpasya siyang tumayo nalang para puntahan ang kung sinomang waiter na makikita niya. Ngunit hindi pa siya nakakailang habang ng bilang umikot ang paligid niya hanggang sa parang susobsob na siya. Bago pa man tumama ang mukha niya sa kabilang mesa ay naramdaman niyang may kamay na mahigpit na kumapit sa mga braso niya.
"Hindi ka dapat umiinom ng marami kung hindi mo kayang dalhin, Miss."ani ng lalaking nakahawak sa kanya ngayon.
Nang mahimasmasan sa nangyari ay hinarap niya ito at dinuro. "Ikaw. Manloloko ka din ba tulad ng walanghiya kong ex-boyfriend?"habang sinasabi niya iyon ay pinagmasdan niya ang mukha ng lalaking kaharap.
"Gwapo mo kaya. Marami ka na bang naloko?"
Imbes na sagutin ang mga tanong niya ay naiiling-iling nalang ito sa kanya. Dahil nakainom na ay mas lalong lumakas ang loob niya kaya hinarap din niya ang iba pang kasama nito na kung hindi siya nagkakamali ay ito may proposal na nagaganap lang kanina. Mukhang mali siya na napasukan na function room dahil puro love birds at nagmamahalan ang pinili nyang inuman. Ang alam kasi niya ay may gimik ang Belle's Pepper na kung saan ay pwedeng magsama-sama ang mga walang ka-date ngayong Valentines Day. In short, ang mga bigo sa pag-ibig ang nasa Valentine Party for Singles.
"Sino dito yung engaged couple na? Naku, I'm sure maghihiwalay din kayo. Maglolokohan din kayo-"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng biglang nalang siyang hilahin ng lalaki kanina at kaladkarin palayo sa grupo nito. Kahit na anong pigil niya ay nagawa pa din siya nitong ilayo.
"Ano ba? Bitiwan mo sabi ako!"tili niya dito.
Ngunit hindi siya nito pinakinggan at patuloy pa din siya nitong hinila. Natigil lang siya sa kakatili ng binitiwan na siya nito.
"Ipapapulis kita!"galit na sabi niya dito.
Ngunit imbes na patulan siya ay may inilagay ito sa kamay niya na isang plato.
"Here."ani nito na tinutukoy ay ang plato na nasa kamay na niya. "Nakikita mo yang pader na yan? You can throw it there. Dyan mo ilabas ang lahat ng sama ng loob mo at frustrations hindi sa ibang inosenteng tao, okey? You almost ruined everything kanina alam mo ba yun? Kaya ang mabuti pa dyan mo nalang ilabas ang galit mo. Kahit basagin mo pa lahat ng plato dito. Don't worry, my treat."
Sa sinabi nito ay noon lang din niya napagtanto na nasa function hall na pala sila ng restaurant kung saan ginaganap ang taunang Valentine Party for Singles. At ngayon nga ay nasa isang corner sila ng lalaking biglang humila sa kanya na kung saan ay pwede kang magbasag ng mga plato, baso, mangkok o bote. That way ay mailalabas mo din ang galit mo sa buhay.
Kaya naman wala na siyang inaksayang panahon at ubod na lakas niyang ibinato sa pader ang plato na binigay sa kanya ng lalaki.
"Hayop ka, Troy! Bakit hindi ka pa namatay! "malakas na sigaw niya.
Nang hindi pa siya makuntento ay kumuha pa siya ng plato habang inilalabas niya ang galit niya sa ex-boyfriend niya. Halos limang minuto din siyang nagbasag ng makaramdam siya ng pagkahapo. Nang makita niya ang mga nabasag niyang pinggan ay natigilan siyang bigla. Nagawa niyang ikumpara ang buhay niya ngayon sa mga basag na plato.
Wasak. Pira-piraso. At kahit na kailan ay hindi na yata mabubuo muling. O kung mabuo man, may lamat na hindi kayang itago.
Hanggang sa naramdaman niyang unti-unting dumaloy ang masaganang luha sa pisngi niya. Bigla niyang naitanong sa sarili niya na hanggang kailan ba niya mararamdaman ang ganoong klaseng sakit?
Maya-maya ay narinig niya ang mahinang bulong ng lalaki na nasa gilid lang pala at hindi pa siya iniiwanan.
"Take time to heal. Walang sugat na hindi kayang pagalingin ng panahon, hindi ba?"
Sa nanlalabong mga mata ay binalingan niya ang lalaki. Sana madali lang ang sinasabi nito. At sana magamot nga ng panahon ang puso niya.
BINABASA MO ANG
BE MY VALENTINE BOOK II: BE MY CUPCAKE BY SUMMER LOUISE
Romance"Kung gusto mong maging malakas at maging matatag sa buhay, may mga pagkakataon na dapat natin maranasan ang ganyang klaseng pagsubok. It can make us stronger, Rinoa. Believe me. At alam kong dahil sa nangyari sa inyo dati, mas naging matatag ka at...