Part One

556 25 3
                                    


ILANG oras na lang ay magsasara na ni Rinoa ang bakery niya at hinihintay na lang niya ang pagdating ng nakababata niyang kapatid na si Ronah. Isa pa ay wala na din naman siyang customers na kaya nagpasya na siyang maagang magligpit.

Isang taon na ding mahigit ng maipatayo niya ang sarili niyang bakery, ang Paradise Cupcakes. Itinayo niya iyon ilang buwan pagkatapos niyang maresign sa hotel kung saan ay dati siyang pastry chef. Maganda at very promising sana ang career niya sa hotel na iyon ngunit pinili niyang umalis pa din. Dahil doon din nagta-trabaho ang ex-boyfriend niyang si Troy. Mahigit isang taon na din ang lumipas simula ng magbreak sila nito.

Tanda pa niya noong mga time na sobrang down siya dahil sa ginawa nito sa kanya. Lagi siyang umiinom ng alak noon at naglalasing. Hindi na nga alam ng mga magulang niya kung paano siya aaluin ng mga ito at maski naman ang sarili niya ay hindi niya alam kung paano siya makakapag-move on. College pa lang kasi ay boyfriend na niya si Troy hanggang sa magdecide silang magtrabaho sa iisang kumpanya noon. Marami na siyang pinangarap para sa kanilang dalawa.

Kaya nga ng mahuli niyang may kahalikan ang walang kwenta niyang boyfriend na ibang babae ay parang ilang beses siya nitong sinaksak sa dibdib. Hindi niya akalain na magagawa iyon sa kanya ni Troy. Because the last time she check ay okey pa naman sila at wala naman siyang alam na problema nilang dalawa. At lalong hindi niya ito mapagdududahan dahil sweet ito sa kanya. Iyon pala ay matagal na itong may kalandiang iba. Ang mas masaklap pa doon ay ito na rin mismo ang umamin sa kanya na ang babaeng iyon daw ang magpapaangat sa buhay nito.

Kilala sa buong hotel si Gail Erino dahil mataas ang posisyon nito sa hotel. Naging boss ni Troy ang babae. Matagal na niyang nararamdaman na para bang may something sa dalawa ngunit pinagwalang bahala lang niya ang gut feelings na iyon dahil nangingibabaw pa din ang tiwala niya kay Troy. Iyon pala ay may himala ng ginagawa ang mga ito.

Ang akala niya ay mananatili lang siyang nasasaktan simula ng maghiwalay sila ni Troy ngunit isang umaga naisip niya na hindi naman yata tama na sirain niya ang buhay niya ng dahil lang sa hindi natupad ang mga pangarap niya na kasama ang lalaki. Sapat na din naman siguro ang mga naging sakripisyo niya dahil lang sa relasyon nilang dalawa na sa una palang ay siya na ang dehado. Kaya hindi na siya nagdalawang-isip na tumayong muli. At doon na ipinanganak ang Paradise Cupcakes at isa ito sa mga bagay na hinding niya pagsisisihan. Pinaplano din niyang i-renovate at magtayo ng iba pang branch hindi pa nga lang kaya ng pondo niya sa ngayon.

"Try to say it's over.Say the word goodbye."

Nang marinig niya iyon ay agad siyang napatingin sa bunso niyang kapatid na dumating na pala sa bakery niya. Hindi niya kasi napansin ang pagpasok nito dahil sa iniisip niya. At ngayon nga, base sa tingin na pinupukol ni Ronah ay mukhang inaasar na naman siya nito sa pagkanta ng heart broken song.

Napailing na lang siya dito. Noong panahon na bigo pa siya sa pag-ibig ay pinapagalitan siya nito. Ayon dito, hindi na daw ito nagtataka na dumating na daw ang araw na iiwan at lolokohin siya ni Troy. Bukod pa sa sinasabihan siya nitong nagpapakatanga siya sa ex-boyfriend niya. Hindi rin kasi lingid sa kaalaman ni Ronah na simula palang noong nasa college silang dalawa ay maraming pagkakataon na siya ang gumagastos sa tuition fees nito at mga projects. Alam niya kasi ang estado sa buhay ni Troy kaya naman hindi siya nagdadalawang isip noon na tulungan ito. Madalas din na siya ang nagbibigay dito ng mga material na bagay na tinututulan ni Ronah. At noong ngang maghiwalay sila at pinagpalit siya nito sa iba ay doon lang din niya napatunayan na tama ang sinasabi ng kapatid niya. Ngunit ano pa bang magagawa niya? Naloko na siya at wala na siyang magagawa para mabago iyon. She just needed to accept the fact na kahit kailan ay hindi talaga sila para sa isa't-isa.

BE MY VALENTINE BOOK II: BE MY CUPCAKE BY SUMMER LOUISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon