Part Nine

126 8 0
                                    

ABALA si Rinoa sa paggawa ng sample para sa presentation niya bukas. Ipapakita na kasi niya ang naisip niyang theme para sa unang linggo ng event nila. Pinag-isipan niya iyon ng husto kaya naman sigurado siyang papasa iyon sa panlasa ng mga organizers ng event kasama na si Lola Mildred at syempre si Stephen.

Ang theme niya ay dapat na maka-inspired sa mga bata na dapat ay mangarap ito at huwag sumuko sa gusto nitong maging propesyon pagdating ng araw. Kumbaga, naisip niyang gumawa ng cupcakes na may kanya-kanyang design at larawan ng bawat propesyon. Tulad ng doctor, teacher, nurse, attorney, engineer, architect, etc. Gusto niyang buhayin ang mga parangap ng bawat bata na makakakain ng ginawa niya kahit sa pamamagitan man lang ng cupcakes niya. At sigurado siyang matutuwa ang mga organizers sa naisip niya. Wala pa man ay excited at natutuwa na siya lalo na kapag ini-imagine niya ang magiging reaction ng mga bata.

Habang abala siya sa kusina ay napalingon siya ng biglang bumukas ang pintuan niyon at iniluwa ang pinakahuling tao na gusto niyang makita habang nabubuhay pa siya, ang ex-boyfriend niyang si Troy. Sa umpisa ay nagulat siya pero habang tinitignan ang mukha ni Troy ay hindi niya maiwasang pakakunot ng noo. Mahigit isang taon din na hindi niya nakita ito ngunit masasabi niyang malaki talaga ang pinagbago nito. Bukod sa payat ito ngayon ay hindi rin maaliwalas ang hitsura nito. Halatang problemado din ang aura na mayroon dito.

Sa ilang araw din kasi na pag-stay niya sa hotel ay hindi pa niya ito nakikita o nakakasalubong. Buong akala niya nga ay wala na ito sa Grand Davis hotel at saka ay wala na din siyang pakialam pa dito.

Nang makabawi siya ay agad niya itong sinabihan. "Unauthorized personnel are not allowed here."madiing sabi niya dito.

Gusto niyang iparamdam kay Troy na hindi ito dapat sa kinaroroonan niya ng mga oras na iyon.

"Why not? I'm one of the managers here kaya may karapatan akong pumasok kahit saan mang sulok iyon ng hotel."mayabang na sabi pa nito sa kanya na ikinatawa niya ng sarkatisko.

Kung gaanon ay manager na pala ang isang ito. Well, hindi na rin niya ikinagulat iyon dahil mukhang gagawin nito ang lahat makuha lang ang gusto nito o ang pangarap nito.

"What are you doing here, Troy? Can't you see? I'm working. Kaya umalis kana."ani niya sabay baling ulit sa ginagawa niya.

Ngunit imbes na umalis ito gaya ng sinabi niya ay mas lumapit pa ito sa kinaroroonan niya. "So, tama pala ang nabalitaan ko. Nandito ka ulit sa hotel nag-wo-work. Why, Rinoa? Ginagawa mo ba ito para lang makipagbalikan sakin?"

Sa narinig niya mula sa lalaki ay pakiramdam niya ay uminit bigla ang buong mukha niya. Ang kapal naman yata ng isang ito para sabihin pa sa kanya ang mga katagang iyon? Siya? Bumalik para makipagbalikan dito? The last thing she will do ay ang gawin ang bagay na iyon. Ni hindi nga niya ma-imagine na magkakasama pa sila, yun pang magkabalikan silang dalawa?

"Pwede ba, Troy. Umalis ka na sa harapan ko hanggang nakikita pa kita bilang tao."ani niya habang madiin niyang hawak ang pang-wisk niya.

Ngunit hindi pa din ito nagpatinag sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagsasalita. "So, kung hindi dahil sa akin, bakit ka nandito? Dahil ba may relasyon kayo ng may-ari nitong hotel?"ani nito na sinundan pa ng nakakainsultong pagtawa.

"I thought na pagkatapos natin maghiwalay ay magiging matalino ka na, Rinoa. Sa nakikita ko sayo hindi pa pala. Ang akala mo ba seseryosohin ka ni Stephen? Kilala ang lalaking iyon bilang playboy, my dear. Kaya hindi nakapagtataka na nakuha ka niyang paikutin sa mga palad niya. Poor, Rinoa. Kaya habang maaga pa, umalis ka na dito. Save yourself at huwag ka ng magpapakita dito. Do you understand me?"

Sa sinabi nito ay para iyong apoy na naging dahilan para sumabog siya. Hindi na niya pinigilan ang sarili niya at buong gigil niyang binuhos dito ang flour na nasa harapan niya. At nang hindi pa siya nakontento sa ginawa niya ay ibinuhos din niya sa mukha nito ang tubig na nasa pitsel. Alam niyang bilang baker ay hindi siya dapat mag-aksaya ng mga sangkap. Pero sumusobra na talaga ng mga oras na iyon si Troy.

BE MY VALENTINE BOOK II: BE MY CUPCAKE BY SUMMER LOUISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon