ILANG araw na hindi pumasok si Rinoa sa hotel. Sa ilang araw na iyon ay wala siyang ginawa kundi magkulong at magmukmok lang sa kwarto niya. Kahit ang parents niya at kapatid ay hindi rin niya masyadong kinakausap. O kahit sagutin ang napakaraming tanong ng mga ito kung anong nangyayari sa kanya. Alam niyang nag-aalala na ng husto ang mga ito pero sa ngayon ay hindi pa siya handa para sabihin sa iba ang nararamdaman niya.
Kahit anong gawin niya kasi ay laging nasa isipan niya ang eksena na naabutan niya sa opisina ni Stephen. Parang sirang plaka na laging naglalaro sa isip niya kahit na nakapilit siya. And everytime na nangyayari iyon ay parang pinipiga ang puso niya. Hindi niya akalain na magagawa iyon sa kanya ng binata.
Hindi ba't sinabi sa kanya ni Stephen na gusto siya nito? At naniwala siya doon ng buong puso niya. Masakit isipin na sa simula palang ay pinaglalaruan lang siya ng binata.
She felt betrayed. Again.
Lahat ng insecurities na naramdaman niya noong niloko siya ni Troy ay mas doble na ngayon. Punong-puno ng insecurities ang puso niya. Aaminin niyang nangarap na siya na makasama si Stephen. Nakabuo na siya ng pangarap para sa kanilang dalawa. Lumabas siya sa mundong ginawa niya para lang sa sarili niya. Inalis niya ang pader sa puso niya at binuksan para lang kay Stephen. Pero sasaktan lang din pala siya ng binata. And now, heto na naman siya ngayon. Nasasaktan at bigo na naman sa pag-ibig. Siguro nga dapat na niyang tanggapin sa sarili niya na kahit kailan ay hindi na siya sasaya sa ganoong aspeto ng buhay.
Tama si Gail. Sino nga ba siya para seryosohin ni Stephen?
Napahugot siya ng malalim na hininga sa isiping iyon. Nagdecide siya na mag-resign na bilang pastry chef sa hotel at mag-concentrate nalang ulit sa Paradise Cupcakes. Mas mabuting doon nalang niya ituon ang buong atensyon niya.
Kaya nga heto siya ngayon sa hotel para ipasa ang resignation letter niya. At bilang respesto kay Lola Mildred ay personal niya iyon ibibigay sa matanda. Alam niyang bibiguin niya ito sa gagawin niya ngunit iyon lang ang pinakamagandang paraan para hindi na niya makita si Stephen. At kahit na sandali lang siyang nag-stay ay masasabi niyang maganda ang nagin pagsasama nila ng mga co-pastry chef niya kaya naman magpapaalam din siya ng maayos sa mga ito.
Papalabas na siya ng kitchen nila ng biglang humarang sa daraan niya si Stephen. Mukhang natunugan nito na nasa hotel na siya. Nang tignan niya ang mukha ng binata ay halata dito ang pagod at puyat. Mukhang hindi ito nakakatulog ng maayos. Napansin din niyang hindi na din ito nakakapag-shave at haggard ang histura nito. But still, presensya lang ng binata ay nagpapabilis na agad ng tibok ng puso niya.
She sighed deeply. Hindi na niya dapat maramdaman ang bagay na iyon para kay Stephen.
Sa loob ng ilang araw na hindi niya pagpasok sa hotel ay lagi itong nagpupunta sa bahay nila. At kahit isang beses ay hindi niya hinarap ang binata. Kahit ang mga phone calls nito ay hindi din niya sinasagot.
Lalapitan siya ni Stephen. "So, Rinoa. Finally, ngayon mo lang naisipan na magpakita sakin?"galit na wika nito sa kanya.
Natawa siya ng sarkastiko. Ito ba ang galit sa kanya samantalang in the first place ay ito naman ang nanloko sa kanya? Wala na siyang inaksayang oras at agad niyang binigay dito ang resignation letter niya.
"Here. I dropped by to give this."wika niya dito.
Tinanggap iyon ng binata ngunit laking gulat niya ng bigla nito iyong pinunit at hindi man lang binasa.
"Bakit mo pinunit?!"galit na sabi niya dito.
"Hindi ko alam kung bakit angkakaganyan ka, Rinoa. Wala akong ideya kung bakit mo ginagawa ang lahat ng ito. Bigla ka nalang hindi pumasok sa hotel at hindi mo rin ako hinaharap everytime na pumupunta ako sa bahay niyo. I don't answer my messages and calls. Ano ba talaga ang problema natin? I thought we're fine. Pero bigla ka nalang hindi nagparamdam."frustrated na sabi nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
BE MY VALENTINE BOOK II: BE MY CUPCAKE BY SUMMER LOUISE
Romance"Kung gusto mong maging malakas at maging matatag sa buhay, may mga pagkakataon na dapat natin maranasan ang ganyang klaseng pagsubok. It can make us stronger, Rinoa. Believe me. At alam kong dahil sa nangyari sa inyo dati, mas naging matatag ka at...