PAPUNTA na si Rinoa sa bahay ng nagpagawa ng made to order na cupcakes sa kanya. Special request din kasi ng customer niya na iyon na siya mismo ang mag-deliver ng mga orders nito. At dahil gusto niyang ma-satisfied ang customer niyang iyon ay willing siya na siya na mismo ang magdeliver.
Kinabukasan din kasi ng maaga pagkatapos ng nangyaring dinner sa bahay nila ay tinupad naman ni Stephen ang pangako nito na ipapadala ang mga supplies na kailangan niya. Hindi rin niya ine-expect na halos triple din ang ipinadala nito at ni hindi din tinaggap ng nagdeliver sa kanya ang payment niya. Balak din niyang puntahan ang binata one of these days para siya mismo ang personal na magbigay ng bayad niya.
Sus, Rinoa! Baka gusto mo lang makita ulit si Stephen. Kunwari ka dyan!tukso ng isip niya na ikinapailing niya ng todo.
Kailangan muna niyang alisin sa isipan niya ang lalaking iyon at mag-concentrate sa business niya.
Agad na namangha siya ng makita ang bahay na pagdadalhan niya ng produkto niya. No, she'll rephrase the word 'bahay' dahil hindi appropriate ang salitang iyon. Napalaki at nakakamangha ang mansion na nasa harapan niya. Hindi din iyon nakapagtataka dahil ang mansion na kinaroroonan niya ay nasa Hermoso Avenue, isa sa pinakasikat na subdivion sa bansa. Mukhang mayaman ang naging customer niya ngayon.
Pinapasok naman siya agad ng mga katulong sa loob ng magalAng niyang ipinakilala ang sarili at mukhang expected na din naman siya. Kung napakaganda ng mansion sa labas ay doble naman ang gara niyon sa loob. Halatang pinag-isipan at pinagkagastuhan ng husto ang interior design ng mansion.
"It's nice to see you again, cupcake."
Awtomatikong napalingon siya sa pinaggalingang ng baritonong tinig. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng makita niya si Stephen na nakatayo hindi kalayuan sa kanya. And asual, maganda ang pagkakangiti nito.
"Don't tell me na ikaw ang umorder ng mga cupcakes ko?"madiing sabi niya sa binata.
Kung tama ang sapantaha niya, hindi na siya natutuwa sa ginagawa nito sa kanya. At malamang din siguro na kahit na ang hindi pagbigay sa kanya ng supplier niya sa mga orders niya ay malaki ang posibilidad na plano nitong lahat ng iyon para makuha nito ang gusto.
Nagkibit balikat lang si Stephen sa tanong niya. "I'm glad na nagkita tayong muli."ani nito sabay tingin sa mga cupcakes na nakapatong sa table. "Mukhang nagawa mo naman ang lahat ng orders."
Natawa siya ng pagak sa sinabi nito. "Pinaglalaruan mo ba ako, Stephen? Dahil kung planado mo ang lahat ng ito, hindi ka na nakakatuwa."inis na sabi niya sa binata.
"I don't know what are you talking about, Rinoa."
"Huwag ka ng mag-maang maangan."galit na sabi niya. "Akala mo ba hindi ko alam na sinasadya mo ang lahat ng ito? Mula sa supermarket, sa supplier ko hanggang sa bahay. Ano ba talaga ang kailangan mo sakin? Wala ka na bang ibang magawa sa buhay at pati ako pinag-ti-trip-an mo?"
"Hey, cupcake. Easy lang. Napag-uusapan naman ito ng maayos- "
"Don't call me cupcake!"sigaw niya dito sabay kuha ng mga box kung saan nakalagay ang mga ginawa niyang cupcakes.
Aalis na lang siya sa mansion nito at iisama niya ang mga produkto niya. Ibabalik na lang din niya ang binayad nito pati na rin ang mga ingredients. At sisiguraduhin niyang hinding hindi na magugulo ni Stephen ang tahimik niyang buhay.
"Hey, Rinoa. I will explain-"
"Oh, shut up!"putol niya sa sasabihin nito.
Dahil hindi niya kayang dalhin ang lahat ng iyon palabas ay ipapakuha nalang niya ang naiwan sa driver niya. Ayaw na niyang muling makita ang mukha ng lalaking ito.
Nang papaalis na siya ay hinarangan siya ni Stephen."Oh please. Get out of my way."
"No, hindi kita hahayaang umalis hanggat hindi tayo nakakapag-usap ng maayos. Come on. Rinoa. Let's talk first."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Gaya nga ng sinabi mo, I'm smart person. At dahil matalino ako, alam ko na na pakana mo ang lahat ng-"
"Rinoa, Hija."
Awtomatikong napatigil siya sa pagsasalita niya ng marinig niya ang tinig na iyon. Paglingod niya ay nabungaran niya ang isang matandang babae na ngayon ay papalapit na sa kinaroroonan nilang dalawa ni Stephen. Pamilyar ang mukha nito at kung hindi siya nangkakamali ay nagkita na silang dalawa dati,
Nang maalala niya ito ay ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata niya. "Lola Mildred?"tanong niya sa matanda na ikinangiti naman nito ng maluwag.
"I'm glad that you remember me, Hija. At gusto ko lang sabihin sayo na hindi si Stephen ang nag-order ng mga iyan kundi ako. Ibinilin ko lang sa kanya na salubungin ka niya ngayon. I'm sure na hindi ka naman magagalit kay Lola, diba hija?"ani pa nito sa kanya.
Hindi agad siya nakapagsalita sa sinabi ng matanda. Nakilala niya ito ilang araw na ang nakakalipas sa parke kung saan ay lagi niyang binibigyan ng mga tinapay ang mga batang pulubi at namamalimos. Nang araw na iyon ay matagal-tagal din silang nakapag-kwentuhan ng matanda. At kung hindi siya nagkakamali na related si Stephen kay Lola Mildred.
Nang balingan naman niya ang binata ay nakataas ang dalawang kamay nito bilang tanda ng pagsuko sa kanya. naramdaman niya ang masuyong paghawak sa kanya ni Lola Mildred.
"We have many things to discuss, Hija. But before that may ipapakiusap sana ako sayo."
BINABASA MO ANG
BE MY VALENTINE BOOK II: BE MY CUPCAKE BY SUMMER LOUISE
Roman d'amour"Kung gusto mong maging malakas at maging matatag sa buhay, may mga pagkakataon na dapat natin maranasan ang ganyang klaseng pagsubok. It can make us stronger, Rinoa. Believe me. At alam kong dahil sa nangyari sa inyo dati, mas naging matatag ka at...