PART SEVEN

360 20 2
                                    


HINDI alam ni Rinoa kung paano siya napapayag ni Lola Mildred na pabor na hiningi nito sa kanya. Natagpuan nalang niya ang sarili niya na nasa isang bahay-ampunan at isa din organization na nangangalaga ng mga abused children.

Ang cupcakes pala na ginawa niya ay para sa isang event nito para sa mga bata na nasa bahay ampunan. Nakiusap si Lola Mildred na sumama siya dito at ngayon nga ay nandoon na siya habang matamang pinagmamasdan si Stephen na nagpapakita ng magic tricks sa mga bata na halatang enjoy na enjoy naman. Until now ay speechless pa din siya ng malaman niyang Lola ito ni Stephen at malaking ang posibilidad na ito ang may-ari ng hotel.

Kahit na ilang taon din naman siyang nagtatrabaho as pastry chef sa hotel nito ay hindi naman niya nakita ang matanda. O mas tamang sabihin niya na noong mga panahon pang iyon ay kay Troy lang umiikot ang mundo niya.

Maya-maya ay naramdaman niya ang paglapit ni Lola Mildred sa kanya.

"Bata pa lang yang apo ko, minulat ko na yan sa pagtulong sa iba. Tignan mo naman, kahit siya ay enjoy na enjoy sa mga ginagawa."ani ng matanda na halatang proud na proud kay Stephen.

Nang hindi siya kumibo sa sinabi nito ay pinagpatuloy ng matanda ang pagsasalita. "Rinoa, hija. Huwag ka sanang magalit sa matandang ito kung sasabihin ko sayong ako ang nag-utos kay Stephen na hanapin ka at alukin ng posisyon sa hotel."

Sa sinabi ni Lola Mildred ay awtomatiko siyang nagulat sa sinabi nito. Kung ganoon ay hindi pala talagang si Stephen ang nag-aalok sa kanya ng trabaho sa hotel?

"T-teka, Lola. Mawalang galang na po pero bakit niyo po ako inaalok maging pastry chef?"naguguluhang tanong niya dito.

Masuyong kinuha ng matanda ang kamay niya at pinisil. "From the start na nakita kita kung paano mo tignan ang mga bata noong nasa park ka. Malakas ang pakiramdam ko niyon na isa kang mabuting tao. At hindi ko lang iyon nakikita sayo kundi nararamdaman ko din iyon."

"Gusto ko sana pagbigyan mo ang lola, Rinoa. Please accept our proposal. Magtrabaho ka sa hotel namin. "

"Pero, Lola. Hindi po ganoon kadali ang lahat. Isa pa ay may business po ako at iyon po ang priority ko."nag-aalangang sabi niya dito.

"I know. Pero kahit na isang buwan lang, hija. May gaganapin kasing malaking pagtitipon sa hotel for almost one month. Para iyon sa mga bata na nasa bahay-ampunan na pupunta sa hotel. Isang buwan lang ang hinihiling ko sayo, Rinoa. And I promised to you, tutulungan ka namin ni Stephen na mapaangat mo lalo ang Paradise Cupcakes."

"Bakit po ako? I'm sure marami po kayong mga chefs sa hotel na mas magagaling pa-"

Muli nitong pinisil ng mariin ang hawak nitong kamay niya. "You have a good heart, Rinoa. Alam mo bang ang ginagawa mong tinapay ay nakakapagpasaya sa mga bata? Dahil ang kasiyahan nila ang iniisip mo habang ginagawa mo iyon. At gaya ng mga batang napapasaya mo araw-araw sa parke, gusto ko din maramdaman iyon ng mga batang pupunta sa event ng hotel. Pag-isipan mong mabuti ang alok ko, hija. Pero nagtitiwala ako sayo na kalaunan din ay tatanggapin mo ang offer ko dahil likas sa puso mo ang kabutihan."

Wala na ang matanda ngunit nananatili pa din siyang nag-iisip sa sinabi nito sa kanya. Kung ganoon ay ito palang talaga ang nag-utos kay Stephen na hanapin siya. All the way, ang pagkakaalam niya ay ginugulo lang siya ng binata at gusto lang nitong makuha ang kung anumang gusto nito sa kanya. At habang pinagmamadan niya ang binata mula sa kinaroroonan niya ay parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso niya. Mali ang unang ekspresyon niya kay Stephen na hindi ito magiging mabuting tao dahil lang sa mapaglaro ito sa babae.

Isa pa, base sa nakikita niya ay mukhang genuine naman ang pinapakitang atensyon nito sa mga bata. Kung may kasalanan man ito sa kanya, alam niyang ginawa lang iyon ng binata dahil gusto lang nitong mapasaya ang Lola Mildred nito. At mukhang siya pa ang dapat na humingi ng pasenysa kay Stephen.

"Gusto niyo bang makakita ng prinsesa?"maya-maya ay narinig niyang tanong nito sa mga bata.

"Opo!"sabay-sabay na sagot naman ng mga ito na halatang excited ang mga ito sa sinabi ng binata.

Huli na ng marealize niyang papunta pala si Stephen sa kinaroroonan niya hanggang sa maramdaman niyang hinihila na siya nito papalapit sa mga bata.

"Here she is. Isa siyang princess."anunsyo ng binata sabay akbay sa kanya.

Sa sinabi nito ay pinanlakihan niya it ng mata. "Anong kalokohan na naman ito, Stephen."

Hindi nito sinagot ang tanong niya bagkus ay iniharap nito ang mukha niya sa mga bata na ngayon ay takang-taka ang mga ekspresyon. "Smile, cupcake. Just for the kids."bulong nito sa kanya.

Kahit na alanganin ay pinilit pa din niya ang sarili na ngitian ang mga bata at batiin ang mga ito sa masayang tinig.

"Pero, Kuya. Hindi naman siya prinsesa. Kasi dapat may maganda siyang damit, hindi po ba? Kasi yung Barbie princess ko naka-gown."sagot naman ng isang babae habang tinitignan siya.

Sa sinabi ng bata ay napangiwi siya. Ano ba naman kasi ang naisipang kalokohan nitong si Stephen at pati siya ay dinadamay?

"Tama ka, Anna. Pero hindi lahat ng prinsesa nakadamit ng maganda o naka-gown. Kaya siya naging prinsesa sakin ay dahil siya ang gumawa ng napakasarap na cupcakes na kinain niyo kanina. At ginawa iyon ni Ate Rinoa para lang mapasaya kayo. Prinsesa siya kasi mahal niya kayong lahat."nakangiting paliwanag ni Stephen sa mga bata.

Samantalang siya ay natitigilan habang nakatitig sa mukha nito. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos akalain na bukod sa mataas na estado sa buhay nito, aaminin niyang may puso ito sa ibang tao. At aaminin din niya na humahanga siya sa binata dahil sa ipinapakita nito.

Kumabog bigla ang dibdib niya ng balingan siya nito at bigyan ng isang magandang ngiti sa labi. Hindi niya akalain na mararamdaman pa pala niya ang ganoong klaseng feelings sa isang lalaki. Ang akala niya kasi ay hindi na siya magmamahal ulit pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Troy. O kung magmahal man siya, ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na niya ibibigay ang hundred percent niya.

Nagulat siya ng lumapit sa kanya ang batang babae na si Anna at kinalabit siya kaya naman lumuhod siya para magpantay ang mukha nilang dalawa. Sa tantya niya ay nasa walong taong gulang si Anna. Nakakalungkot lang na sa murang edad nito ay wala na iton magulang o kung hindi man ay biktima ng child abuse.

"Thank you, Ate Rinoa."ani nito sabay halik sa pisngi niya. "Masarap po ang cupcakes niyo. Sana po makatikim ako ulit."pagkasabi niyon ay tumakbo na ito papunta sa kinauupuan nito kanina.

Samantalang siya ay napapatulala nalang. Masaya siya na natutulungan niya ang mga bata sa parke sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng tinapay niya dito. Pero ng mga oras na iyon ay kakaibang kasiyahan ang nararamdaman niya. Na halos ikapangilid ng luha niya.

"Kung may prinsesa, dapat may prinsipe. Hindi ba mga bata?"narinig niyang sabi pa ni Stephen na kinapalakpak ng mga bata. "At syempre, ako ang gwapong prinsipe ni Prinsesa Rinoa."ani pa nito sabay akay sa kanya patayo.

Maya-maya ay yumukod pa ito na parang prinsipi sa kanya. At para sa ikakatuwa ng mga bata ay nagbigay pugay din siya na bilang prinsesa. Hindi niya akalain na magiging masaya at memorable ang araw na iyon para sa kanya.

Hindi lang dahil sa napapasaya niya ang mga bata. Kundi dahil kasama niya ngayon si Stephen.


BE MY VALENTINE BOOK II: BE MY CUPCAKE BY SUMMER LOUISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon