Part 13

168 7 0
                                    

"GAIL, please. Hindi tama ang ginagawa mo."nanginginig na sabi ni Rinoa sa babae.

Ramdam niya ang matalim na kutsilyong nakatutok sa leeg niya ng mga oras na iyon habang mariing nitong hablot ang buhok niya. Halos lahat ng tao sa party ay nasa kanila ang atensyon.

"Mas lalong hindi tama na mapasayo si Stephen!"hiyaw nito sa kanya at muling idiniin nito ang patalim sa leeg niya. "Mawawala ka muna sa mundo kapag nangyari iyon."ani Gail na para bang nababaliw na ito ng mga oras na iyon.

Habang siya ay binabalot ng takot ang buong pagkatao niya. Hindi niya akalain na capable pala ang babae na gumawa ng ganitong bagay. And she was scared for her life. Ngayon lang siya natakot ng ganoon sa buong buhay niya. Dahil alam niyang sa isang pagkakamali lang ni Gail ay pwedeng manganib ang buhay niya.

"Gail."tawag ni Stephen sa babae na halatang inaagaw nito ang atensyon sa kanya. "Don't hurt her. Please, huwag mong sasaktan si Rinoa."pakiusap ni Stephen dito.

Nang magkasalubong ang mga mata nila ng binata ay halata sa anyo nito ang labis na pag-aalala sa kalagayan niya.

"Stephen, alam mo naman na mahal kita hindi ba?"tanong ni Gail sa binata.

"Oo, Gail. I know that-"

"Pero bakit binabaliwala mo ang feelings ko sayo?"galit na turan nito. "Bakit mas pinili mo ang walang kwentang babae na ito? Mas hamak na maganda ako sa kanya!"

Napapikit siya ng maramdaman niyang dumidiin na ang kutsilyo sa leeg niya. At kitang-kita din niya ang pagkataranta ng binata marahil ay nahalata nito na nasasaktan na talaga siya.

"Gail, gagawin ko lahat ng gusto. Kung gusto mo pwede tayong umalis dito ngayon na. But please, pakawalan mo na si Rinoa. Hindi tama na masaktan siya."

"Lalayo tayo dito? Na kasama ka?"tanong ni Gail na medyo malumanay na ang timbre ng tinig nito.

"Yes, lalayo tayo dito ngayon din. Pinapahanda ko na ang transportation natin. Kaya ang mabuti pa, pakawalan mo na si Rinoa."ani Stephen.

Halos hindi siya humihinga ng mga sandaling iyon hanggang sa maramdaman niyang unti-unti ng nawawala ang pagkakahigpit ng pagsabunot nito sa buhok. Pati na rin ang pagkakatusok ng kutsilyo sa leeg niya ay hindi na rin nito masyadong diniin.

"Pakawalan mo na si Rinoa, Gail. Gagawin ko ang lahat para sayo."

Sa sinabi ni Stephen ay tuluyan ng binitiwan ni Gail ang buhok niya. Nang maramdaman niya iyon ay wala na siyang inaksayang oras at pinilit niyang makawala sa babae. Ngunit ganoon nalang ang gulat niya ng agad siya nitong nahawakan ulit sa braso. Paglingon niya kay Gail ay sakto naman na paparating na sa kanya ang kutsilyong hawak nito. Alam niyang ilang saglit lang ay tatama na sa katawan niya kaya naman madiriin lang siyang napapikit kasabay ng pagsigaw ni Stephen sa pangalan niya.

Ngunit bago mangyari iyon ay nakarinig siya ng isang malakas na ingay kasunod ng mga tilian ng mga tao. Nang wala pa siyang naramdaman na kahit na anong saksak sa katawan niya ay agad niyang idinilat ang mata niya. Agad niyang nakita si Gail na napadapa sa sahig.

"Rinoa!"sigaw ni Stephen sa kanya na agad siyang nilapitan at hinawakan ng mahigpit sa magkabilang pisngi niya. "Are you hurt? Nasaktan kaba?"alalang wika sa kanya ni Stephen. Kita pa din sa mukha nito ang labis na takot para sa kanya.

Umiiling siya sa binata. "A-ang akala ko nasaksak na niya ako."ani Rinoa sa nanginginig na tinig.

Napalingon siya ng biglang umiyak si Gail na ngayon ay nakadapa din. Noon lang din niya napansin si Troy habang may hawak itong tray na ginagamit ng mga waiters na lalagyan ng inumin. Halatang iyon ang pinanghapmas ng lalaki kay Gail bago pa man siya nitong magawang saksakin.

BE MY VALENTINE BOOK II: BE MY CUPCAKE BY SUMMER LOUISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon