DAHIL no choice si Rinoa ay wala siyang nagawa kundi tanggapin ang kundisyon na ibinigay sa kanya ni Stephen. Kaya natagpuan na lang niya ang sarili niya na nasa dinning table sila kasama ang pamilya niya na halatang biglang bigla sa nangyayari.
Hindi rin naman niya kasi masisisi ang mga ito kung ganoon ang reaksyon ng mga magulang niya dahil halos mahigit isang taon siyang hindi nagsasama ng lalaki sa bahay nila. Kaya ganoon nalang ang gulat ng parents niya ng umuwi siyang kasama si Stephen. Na ngayon ay magana pa sa pagkain , samantalang siya ay kanina pa hindi mapakali. Iniisip pa lang niya ang mga gagawin ng magulang niya ay pinagpapawisan na siya ng malamig. Lihim siyang nagdadasal na sana ay matapos agad ang dinner na iyon kaya naman binilisan na niya ang pagkain niya.
Tahimik lang silang kumakain ng biglang magsalita si Ronah. "Boyfriend ka po ba ng Ate Rinoa ko?"
Muntik na niyang mabuga ang kinakain niya sa sinabi ng abnormal niyang kapatid. "Will you just shut up and eat, Ronah?"saway niya dito ngunit hindi pinagwalang bahala lang siya nito.
"No, imposibleng boyfriend ka na agad ng Ate ko. Kasi kilala ko kung gaano ka kasungit yan. Ibig sabihin niyon ay manliligaw ka niya. Tama ba ako, Mom?"agad na sapantaha nito sabay baling sa Mommy niya na tatango-tango lang.
"Wala namang masama kung manliligaw ka ng anak namin. Aba, hindi ka na lugi dyan kay Rinoa, maganda ang anak namin."segunda naman ng Papa niya na ngiting-ngiti ng mga oras na iyon.
Isa din kasi ito sa tumutulak sa kanya na mag-asawa na siya dahil nga bente-otso na siya at mukhang nawawala na daw ito ng pag-asa na mag-asawa na siya.
"Yes, Sir. Maganda talaga ang daughter niyo. Beauty and brain pa. Right, cupcake?"ani nito sa kanya sabay kindat pa.
Narinig niya ang paghagikgik ng kapatid at ng Mama niya sa tinawag sa kanya ni Stephen.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Will you please shut up also, Stephen? Hindi na nakakatuwa."
Dahil kung ang asarin siya nito sa harap ng parents niya ang gusto ni Stephen ay nagtatagumpay na ito.
"Pasensya kana sa kasungitan ng anak ko, Hijo. Hindi naman ganyan yan dati. Naging masungit lang yan simula ng iwanan ni Troy."
Nanlaki agad ang mata niya ng marinig ang sinabi ng Papa niya. "Papa! Stop it!"pigil niya sa kung anuman ang sasabihin pa nito.
It's a good thing na napigilan naman niya ang iba pang balak sabihin ng Papa niya dahil iniba na nito ang topic. Baka kung ano pa ang maikwento ng Papa niya kay Stephen. Medyo nakahinga-hinga siya ng maluwag ng hindi na sa kanilang dalawa ang usapan. Kung noong umpisa ay tahimik pa ang mga magulang niya, ngayon ay lumabas na din ang pagkamadaldal ng mga ito. Kung ano-anong tinatanong kay Stephen tungkol dito at buong galang naman iyon sinasagot ng binata. Halatang nahuli na agad nito ang loob ng mga parents niya.
Dahil doon ay lihim niyang pinagmasdan ang lalaki. Ibang klase din talaga ang appeal ni Stephen. Mukhang mapa-babae, matanda man o lalaki ay kaya nitong makasundo. At hindi rin nakapagtataka na marami talagang babae na humahabol dito. Bukod pa gwapo ito ay good catcha pa dahil sa estado nito sa buhay. Kahit siya ay hindi niya pa din maintindihan hanggang ngayon kung bakit kasama niya ang may-ari ng isang five star hotel at kinukumbinsi siyang magtrabaho para dito. Kailangan siguro talaga niyang makausap ng masinsinan si Stephen para ngayon palang ay magliwanagan na silang dalawa.
"Actually, inaalok ko si Rinoa na maging pastry chef sa Grand Davis Hotel. I've tasted one of her recipes and it was great."ani ni Stephen.
"Talaga, Hijo? Naku, magaling naman talagang baker yang anak ko. And take note sarili pa niyang recipes ang lahat ng binebenta niya sa Paradise Cupcakes."ani ng Mommy niya. "Sige, hijo. Pumapayag na kami na sayo na magtrabaho si Rinoa. Bukas na bukas din nasa hotel mo na siya."
"Mommy!"saway niya sa ina na ngiting ngiti lang.
"It's okey po, Ma'am. Si Rinoa po ang dapat na mag-desisyon sa bagay na iyan."pagkasabi niyon ay tinignan agad siya ni Stephen sabay ngiti. "Hindi po tamang pangunahan natin siya sa mga desisyon niya. "
"Call me Tita, Hijo. Next week mo nalang akong tawaging Mommy. Baka masyadong mabigla ang anak ko."
Wala na siyang nagawa kundi tumahimik nalang. Hindi rin naman niya kasi masasaway ang mga magulang niya sa ginagawa ng mga ito. Nang muli siyang balingan ni Stephen ay pinanlakihan niya ito ng mga mata at sinenyasan na bilisan na nito ang pagkain. Natatawang kinindatan lang siya ng binata ngunit hindi na nagsalita pa.
Buong oras ng hapunan ay silang dalawa ni Stephen ang naging topic. Hinayaan nalang niya ang magulang at ang kapatid niya. Iniisip na lang niya na ito na naman ang huling beses na makikita nito si Stephen. Wala naman talaga sa isip niya na tanggapin ang alok nito.
Saka lang siya nakahinga ng maluwag ng matapos na ang hapunan nilang lahat saka niya pinagtabuyan si Stephen.
"Ano ka ba naman, Ate? Ihatid mo naman sa bahay si brother-in-law sa labas ng bahay."saway sa kanya ni Ronah ng marinig nito na pinapaalis na niya ang binata.
"Okey, fine. Don't call him brother-in-law, utang na loob. Tama ng sina mama lang ang hindi masaway."
Tawa lang ang sinagot ng kapatid niya sa tinuran niya. Nang nasa labas na silang dalawa ni Stephen ay napansin niyang hindi mawala-wala ang pagkakangisi nito.
"You planned this, Stephen."inis na sabi niya sa lalaki.
Natatawa na napapailing lang ang sagot ng binata sa kanya. "You have a wonderful family, Rinoa. I hope na hindi lang ito ang huling pagkakataon na makikita ko sila."
"Pwes, ito na talaga ang huli."ani niya dito sa sumenyas na umalis na ito. "Tumupad na ako sa usapan natin, Stephen. I hope na sana ikaw din."
"Of course, tutupad ako. You have my word, cupcake."
Napasimangot siya sa sinabi nito. "Kailan mo ba ako titigilan sa pagtawag ng cupcake?"
"You know what? I wouldn't stop calling you cupcake. Masarap kaya sa pakiramdam."
Hindi man niya aminin sa sarili niya ay parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. Hindi niya alam kung ano ang ipinakain sa kanya ng lalaking ito at kung bakit ganoon nalang ang nararamdaman niya.
"Stop it, okey?"kunway mataray na sabi niya para itago ang kabang nararamdaman niya.
"I hope na i-consider mo ang alok ko sayo, Rinoa. If you want, willing din akong maging business partner mo. Pwede tayong magtayo ng mga branches nationwide."
Nagulat siya sa sinabi ni Stephen. Iyon ba ang dahilan nito kaya siya hinahabol-habol ng binata? Pero ang nakapagtataka, bakit ang bakery pa niya ang pinili nito? Hindi pa sikat ang Paradise Cupcakes para mag-invest ito.
"Stephen, nagtataka talaga ako kung ano ba talaga ang motive mo sakin. Imposible naman dahil lang sa gusto mo akong magtrabaho sa hotel mo o maging business partner mo. Isa pa, hindi pa ganoon kakilala ang bakery ko."hindi na niya mapigilang tanong na niya dito.
Nagkibit balikat lang si Stephen sa tanong niya. "Business is still business, Rinoa. Maliit o malaki man ang kita. At malaki ang tiwala ko sa kakayahan mo bilang pastry chef."
Hindi pa siya nakakapag-react ng lumapit ito ng husto sa kanya at itinapat ang mukha nito para magpantay silang dalawa. Kitang kita niya ang kislap ng mga mata ni Stephen. Samantalang siya ay dinig na dinig niya ang lakas ng pagkabog ng puso niya. Hindi lang dahil sa napakalapit nila sa isa't-isa kundi dahil na rin sa hindi niya ma-explain na epekto sa kanya ng binata.
Bago pa siya makapag-isip na lumayo dito ay masuyo siyang dinampian ni Stephen ng halik sa noo.
"See you again, my cupcake."
Wala na si Stephen ngunit nananatili pa din siyang nakatulala sa kinatatayuang pwesto. She was caught off guard sa ginawa nito. At hanggang ngayon ay hindi pa din niya maawat ang puso niya na nagwawala na yata sa kinalalagyan dahil sa pagkabog niyon. Wala sa sariling nahaplos niya ang noon a kanina lang ay dinampian ng halik ni Stephen.
And she's wondering kung bakit ganoon nalang ang epekto sa kanya nito.
BINABASA MO ANG
BE MY VALENTINE BOOK II: BE MY CUPCAKE BY SUMMER LOUISE
Romance"Kung gusto mong maging malakas at maging matatag sa buhay, may mga pagkakataon na dapat natin maranasan ang ganyang klaseng pagsubok. It can make us stronger, Rinoa. Believe me. At alam kong dahil sa nangyari sa inyo dati, mas naging matatag ka at...