HUMINGA muna ng ilang beses si Rinoa bago siya tuluyang pumasok sa Grand Davis Hotel. Halos ilang araw din niyang pinag-isapang mabuti bago niya tanggapin ang trabaho na inalok sa kanya ni Stephen at Lola Mildred. Buong akala niya ay hindi niya i-o-open ang possibilities na muli siyang magwo-work sa hotel na iyon. Ngunit aaminin niyang malaki ang naging impact sa kanya ang sinabi sa kanya ng abuela ni Stephen. Kaya nga't heto na siya harap ng hotel at unang araw niya ngayon.
Ang naging usapan nila ng binata ay isang buwan lang siya mananatili sa hotel bilang pastry chef at pagkatapos ng event na gaganapin ay depende na daw sa kanya if she will stay or not. Nang malaman iyon ng pamilya niya ay mas excited pa nga ang mga ito kaysa sa kanya. Mabuti na daw na makakaalis na siya sa apat na sulok daw ng bakery niya at makalabas-labas daw siya kahit na paano. At himala din sa himala na nagkusa din ang magaling niyang kapatid na ito na daw muna ang magbabantay ng bakery nila. Isa din sa kinatutuwaan ng mga ito ay araw-araw din niyang makikita sa Stephen.
Sa isipin iyon ay nakaramdam siya ng excitement. Simula kasi ng makasama niya ang binata sa bahay ampunan na pinunatahan nila ng nakaraan ay parang bulang naglaho ang pagkainis niya dito. Siguro dahil nakita niya kung paano talaga nito tratuhin ang mga bata at wala siyang nakikitang pagkukunwari sa binata. Malaki ang naging impact din sa kanya ang bagay na iyon.
Matagal-tagal na din siyang hindi nakakapag-trabaho na may ibang kasama kaya hindi din naman niya masisisi ang sarili niya na makaramdam ng kaba ng mga oras na iyon. Pagkadating niya sa opisina nila ay nilapitan na agad siya ng manager doon at ito na din ang nag-orient sa dapat niyang gawin ngayon araw. Pagbukas niya ng magiging locker niya ay natigilan siya ng may nakalagay doon na isang red roses at note.
Awtomatikong napangiti siya ng mabasa niya ang nakalagay doon.
Goodluck on your first day, Cupcake! – Stephen
Napahugot siya ulit ng hininga bago niya muling sinara ang locker niya. Pagkabasa pa lang niya sa note ni Stephen ay pakiramdam niya na na at ease na siya at hindi na kinakabahan. Simpleng bagay lang ang ginawa ng binata ngunit kahit hindi niya aminin sa sarili niya ay kinilig siya.
Nang araw na iyon ay hindi niya halos naramdaman ang oras dahil abala siya sa trabaho niya. First day niya lang pero marami din siyang natututunang techniques na pwede niyang gamitin sa pagpapalago ng business niya. Hindi lang pala siya makakatulong sa mga bata kundi magandang way din iyon na mapaunlad ang Paradise Cupcakes. Isa pa ay kailangan din daw nilang umisip ng theme para sa gagawin nilang cake. Three days nalang kasi ay nadarating na ang first batch ng mga bata na galing sa bahay ampunan. Ang sabi pa sa kanya ay ito na daw ang pinakamalaking charity event na gaganapin ngayong taon sa hotel kaya kailangan daw nilang paghandaang iyon ng mabuti.
Pagdating ng uwian ay agad siyang nagbihis. Masaya siya sa pagbabake na ginagawa niya sa Paradise Cupcakes pero ng mga oras na iyon ay aaminin niyang nakaramdam din siya ng kakaibang kasiyahan na hindi pa niya nararamdaman. Siguro ay dahil na rin sa kaalaman na gagawin niya ang bagay na iyon para kahit paano ay makatulong sa mga batang nangangailangan.
Paglabas niya ng locker room ay nagulat siya ng biglang sumulpot si Stephen na mukhang kanina pa naghihintay sa paglabas niya. Hindi tulad noong nakikita niya ang binata ay lagi itong nakapants at shirt lang. Ngayon ay kagalang-galang ito at lalong lumabas ang taglay nitong kagwapuhan at appeal. Nanlaki pa ang mga mata niya ng mula sa likuran nito ay inilibas ni Stephen ang isang pompon ng red roses. Akala nga niya ay huminto na ang paghinga niya habang tinititigan si Stephen. Napapitlag siya ng bigla itong magsalita at ibinigay sa kanya ang mga bulaklak.
"For you, Cupcake. Yung kaninang flowers partial lang iyon. " ani nito sa kanya sabay ngiti. "How was your day?"ani pa nito na hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya.
BINABASA MO ANG
BE MY VALENTINE BOOK II: BE MY CUPCAKE BY SUMMER LOUISE
Roman d'amour"Kung gusto mong maging malakas at maging matatag sa buhay, may mga pagkakataon na dapat natin maranasan ang ganyang klaseng pagsubok. It can make us stronger, Rinoa. Believe me. At alam kong dahil sa nangyari sa inyo dati, mas naging matatag ka at...