PART FOUR

336 25 5
                                    

HINDI niya alam kung anong klaseng kaluluwa ang sumapi sa katawan ng mga magulang at kapatid ni Rinoa ng mga oras na iyon. Pagkapasok na pagkapasok kasi niya ng bahay nila pagkahatid niya kay Stephen ay dali-dali siyang hinila ng kapatid niya at sapilitang pinaupo. At heto na nga siya ngayon, napapalibutan ng mga ito habang ang dami-daming tinatanong sa kanya tungkol kay Stephen.

Nang hindi na niya mapigilan ang sarili ay umalma na siya sa mga ito. "Bakit hindi niyo po nilahat ang tanong niyo kanina?"

"Baka kapag nagtanong kami ng nagtanong, may possibilidad na hindi na siya babalik dito."ani ng Papa niya sabay tapik sa kanya. "Mukhang naka-jackpot ka, anak. Bukas na bukas din, sagutin mo na si Stephen."

"Ano ka ba naman, Papa. Hindi naman nanliligaw sakin ang taong iyon at isa pa hindi na siya babalik dito."kontra niya dito.

Minsan naiisip niya na sobra talaga ang kakulitan ng mga magulang niya sa kanya. Pero aaminin niyang malaki ang naitulong ng mga ito noong panahon na lugmok na lugmok siya dahil sa pag-iwan sa kanya ni Troy noon. Kahit kailan ay hindi siya pinabayaan ng mga ito o iniwanan. Ginawa ng mga magulang at ng bunso niyang kapatid ang lahat para matulungan siyang makaget-over sa pangyayaring iyon ng buhay. And she was thankful na ito ang naging ka-pamilya niya. Nakakainis lang talaga minsan ang pagiging pushy ng mga ito na mag-boyfriend na daw siya.

"Ows? Hindi nanliligaw? Eh bakit ka niya hinalikan kanina?"tukso ni Ronah sa kanya.

Sa narinig ay nanlaki ang mga mata niya. "Don't tell me na nakikinig ka pala sa usapan namin?"ani na may panggigigil. Parang ang sarap sabunutan ng kapatid niya ng mga oras na iyon.

"Utos ni Papa sakin. Alangan naman na hindi ko sundin? Masunuring bata kaya ako."pagtatanggol nito sa sarili.

Nakailang hugot siya ng hininga para payapain ang sarili niya dahil alam niyang kapag hindi niya ginawa iyon ay baka masabunutan na niya ang magaling niyang kapatid. Ngunit pati ang magulang niya ay pinagkaisahan siya ng mga oras na iyon at pinipilit siyang sabihin ang dahilan kung bakit ayaw niyang tanggapin ang alok ni Stephen sa kanya.

"Fine!"sigaw niya sa mga ito. "Para matapos na tong kalokohan na ito, sasabihin ko na sa inyo. Gaya nga ng sabi ni Stephen kanina, inalok niya ako na mag-work sa hotel niya-"

"Tanggapin mo na kasi Ate."singit ni Ronah na pinanlakihan lang niya ng mata.

"And I turned him down. Ayaw kong mgtrabaho sa hotel niya. Period. Tapos ang usapan-"

"Inalok din siyang maging business partners sila ni brother-in-law."muling singit ni Ronah sa kanya at napatago ito sa likod ng papa nila dahil akmang hahablutin na niya ang buhok nito.

Natawa nalang ang Papa niya sa narinig mula sa kapatid niya pero maya-maya ay sumeryoso na ang ekspresyon ng mukha nito. "Hindi ba doon nagwo-work si Troy, anak? Iyon ba ang dahilan kung bakit ayaw mong tanggapin ang alok sayo ni Stephen?"

Sa sinabi ng Papa niya ay biglang natahimik ang lahat. Tama ang Papa niya dahil doon din nag-ta-trabaho si Troy sa hotel na iyon.

"Papa, ano naman kung doon nagwowork ang pangit na iyon? At saka wala na naman tayong pakialam sa taong yun. Isang masamang panaginip lang iyon kay Ate. Malay din natin baka mamaya ay nakarma na siya at matagal na palang napatalsik sa hotel."ani naman ni Ronah. "Dapat hindi na maging hadlang ang lalaking iyon sa pangarap ni Ate-"

"Pangarap niyo para sakin."sarkastikong putol niya sa sasabihin ng kapatid.

"Oh, wala na naman pala tayong problema."ani ng Mommy niya. "Tawagan mo agad si Stephen, mahal. Sabihin mo na tayo ng bahala kay Rinoa."

Nang hindi na niya nakayanan ang ginagawa ng mga ito ay minabuti nalang niyang mag-walk out dahil alam niyang hindi talaga siya titigilan nito hanggang nakikita pa siya.

"Anak, hindi pa tayo tapos mag-usap."tawag ng Papa niya sa kanya.

"Oh, please. Stop it!"ani niya na walang lingon-likod na iniwanan niya ang mga ito nagtatawanan pa.

bfjjj|�^Ma'�

BE MY VALENTINE BOOK II: BE MY CUPCAKE BY SUMMER LOUISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon