HINDI man aminin ni Rinoa ay halatang kinakabahan siya ng mga sandaling iyon. Dumating na kasi ang araw para sa unang batch nila ng charity event. Approved naman ng mga organizers ang naisip niyang theme kaya naman laking tuwa niya dahil doon. Ngunit hindi parin niya maiwasang makaramdam ng kaba. The last thing na gusto niyang mangyari ay ma-dissapoint ang mga bata dahil sa kanya.
Nasa kusina pa sila ng event hall kung saan ginaganap ang event at naghihintay ng signal para ilabas ang mga desserts niya. Naisip niya agad si Stephen. Mas naging close na silang dalawa ng binata at masasabi niyang masaya siya sa ideyang iyon. Araw-araw at walang palya siya nitong nilalagyan ng rose sa locker niya tuwing pumapasok siya. Lagi din siya nitong inihahatid sa bahay nila kahit na alam niyang sobrang busy ito at may pagkakataon pa nga na halata ang kapaguran sa hitsura ng binata. But still, nagagawa pa din nito ang mga bagay na iyon sa kanya. Bilang ganti naman ay everyday din niya itong ginagawa ng mga pastries niya.
Idagdag pa ang pamilya niya na lagi siyang kinukulit kung sinagot na daw ba niya si Stephen. Paano naman niya sasagutin ito kung sa simula pa lang ay hindi naman nanliligaw ang binata?
Ang sabi naman ng magaling niyang kapatid na si Ronah baka naman daw nagpapakamanhid na naman siya. Ayon pa dito, action speaks louder than words daw. Pero kahit na siya ay nagtataka sa mga ginagawa sa kany ng binata. Ang buong akala pa nga niya ay hindi na ito magpapakita kapag tinanggap na niya ang alok nito na magtrabaho siya sa hotel. Pero hindi iyon ang nangyari.
Maraming beses na niya iyon gustong itanong sa binata kung ano ba talaga ang status nilang dalawa ngunit lagi nauurong ang dila niya. Iniisip din niya kasi nab aka ganoon din ang trato nito sa ibang tao.
Nang magbigay ng signal ang isa sa organizer ay wala na siyang inaksayang oras. Agad nilang inilabas ang mga cupcakes niya at isa-isang pinapili ang mga bata. Halata sa mukha ng mga ito ang saya habang pumipili ng mga gusto nitong maging propesyon. Na kahit siya ay na-o-overwhelmed na nakikita niyang sigla ng mga bata. Doon lang niya masasabing successful ang theme na napili niya.
Bago matapos ang event na iyon ay may recognition na nangyari para sa mga taong tumulong para maging matagumpay ang event na iyon. Habang pinapakinggan at pinapanood si Lola Mildred na nasa stage area ay hindi niya maiwasang makaramdam ng pagmamalaki para dito. Masasabi niyang mabuting tao talaga ito at proud siya dito.
Maya-maya ay nagulat siya ng tinawag siya nito mula sa stage at ipinakilala sa mga tao. Kaya kahit na kabado ay pinagbigyan niya ang matanda at tinanggap ang recognition na ibinigay nito sa kanya. First time in her life ay naramdaman niya at masasabi niyang tunay na baker talaga siya. Hindi lang dahil sa masarap ang mga gawa niya kundi nabibigyan niya ng saya ang ibang tao na nakakatikim niyon.
Pagkababang-pagkaba niya sa stage area ay bigla siyang sinalubong ni Stephen. Nanlaki ang mga mata niya ng hinalikan siya sa bibig ng binata. Smack lang naman ang ginawa nitong paghalik sa kanya pero hindi ibig sabihin niyon ay wala itong naging epekto sa sistema niya.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya ng mga oras na iyon at halos hindi na yata siya humihinga. At kahit na ganoon ang epekto ng paghalik ni Stephen ay masasabi niyang nagustuhan niya iyon.
"I'm so proud of you, Cupcake."
Sa sinabi nito ay para siyang natauhan. Saka lang niya narealize na halos lahat na pala ng tao ay nakatingin sa kanilang dalawa.
"Oh, well. Mukhang nakatagpo na ng Prinsipe ang kanyang napakagandang Prinsesa. Hindi ba mga kids?"anunsyo ni Lola Mildred sa crown na ikinatawa ng lahat.
Siya naman ay pulang-pula ang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon. Hindi niya akalain na gagawin iyon ng binata na madaming tao na nakatingin sa kanila.
BINABASA MO ANG
BE MY VALENTINE BOOK II: BE MY CUPCAKE BY SUMMER LOUISE
Romance"Kung gusto mong maging malakas at maging matatag sa buhay, may mga pagkakataon na dapat natin maranasan ang ganyang klaseng pagsubok. It can make us stronger, Rinoa. Believe me. At alam kong dahil sa nangyari sa inyo dati, mas naging matatag ka at...