PARANG naluging intsik ang pakiramdam ngayon ni Rinoa. Nakipagkita kasi siya sa isang regular customers niya na nagpakita ng interest dati na maging business partners sila. Matagal na kasi niyang planong magtayo pa ng iba pang branches ng Paradise Cupcakes. Ang especialty ng bakery niya ay iba't-ibang uri ng cupcakes na siya mismo ang gumawa ng recipes. May mga breads din siya at cakes. Tumatanggap din siya ng mga made to orders para sa iba't-ibang klaseng okasyon. Ang dalawa niyang baker ang katu-katulong niya sa bakery niya na siya mismo ang nag-train sa mga ito.
Isa din sana sa aim niya ay ma-renovate ang Paradise Cupcakes at mas lalo pa sanang lakihan ang space ng tindahan niya para mas ma-accommodate ng husto ang mga customers niya. Ngunit hindi pa naman gaano kalakihan ang pondo niya kaya nga binuksan niya ang possibility na magkaroon ng business partner. Pero sa kasamaang-palad ay umatras sa usapan nila ang kausap niya dahil kailangan daw nitong mag-migrate sa ibang bansa. Aaminin niyang medyo nalungkot siya sa nangyari. Iniisip nalang niyang mas marami at mas maganda pa naman sigurong opportunity ang darating para matupad ang mga plano niya sa bakery niya.
Inabala nalang niya ang sarili sa buong maghapon na pag-aasikasong ng bakery at pag-iisip ng bagong recipe ng may pumasok na isa pang customer. Awtomatikong napatitig siya sa lalaki na ngayon ay tumitingin sa mga breads niya. Hindi siya pwedeng magkamali dahil tandang –tanda niya ang mukha ng lalaki. Naka-encounter niya ito sa supermarket noong nakaraang araw na tinarayan pa niya. Ilang minuto lang ay may pumasok na isa pang babaeng na agad napansin ito at nagpacute na pinatulad naman ng lalaki.
Sino ba naman kasi ang hindi makakapansin dito? Bukod pa sa ka-gwapuhan nito at pang-model na tigdig. Hindi rin kasi mapagkakaila na malakas ang appeal nito sa mga babae. At sa dalawang pagkakataon na nakita niya ito ay may babaeng laging nakabuntot dito? Hindi pa man ay siguradong-sigurado na siyang babaero ang isang ito. Dahil doon ay hindi niya maiwasang makaramdam na naman ang pagkairita tulad ng naramdaman niya noong unang kita niya dito.
Maya-maya lang ay binalingan siya ng tingin ng lalaki at alam niyang nakilala siya agad nito base sa nakikita niyang ekspresyon ng mukha nito.
"I want strawberry cupcakes. Give me one dozen, please."wika nito sa kanya na ngiting-ngiti.
"Closed na kami, Sir."sabi niya na may halong pagkainis. Hindi niya alam sa sarili niya kung bakit nakakaramdam siya ng ganoon sa lalaking kaharap niya ngayon samantalang wala naman itong ginagawang masama sa kanya.
"Thirty minutes pa before seven. Hindi pa kayo closed."singit ng babae sa kanila.
Nang hindi na siya nakatiis ay kinuha niya ang hawak-hawak na bread ng babae. "Closed na nga po kami, Ma'am. Hindi na po pwedeng magbenta."madiing sabi niya dito.
Bubulong-bulong na lumabas ng bakery niya ito. Siguro naman ay hindi naman niya ikalulugi ang isang customer na tulad nito. Maya-maya ay ang lalaki naman ang binalingan niya na nakatayo pa din sa harapan niya. Puno ng amusement ang pagkakatitig nito. Kaya naman siya na mismo ang lumapit sa pintuan at nagbukas niyon.
"Closed na po kami, Sir. Hope you don't mind."ani niya dito.
Ilang saglit lang ito nakatayo at nakatitig lang sa kanya. Pagkalabas nito ng bakery niya ay napahugot siya ng hininga. This is the first time na ginawa niya ang bagay na iyon sa isang customer na kahit siya ay hindi niya maintindihan. O marahil ay wala lang talaga siya sa mood ngayon dahil na rin sa napurnada niyang plano para sa business niya. Thirty minutes later ay sinasarado na niya ang bakery. Fifteens minutes lang naman ang layo ng bakery sa bahay nila kaya hindi na siya nag-aabalang gamitin ang kotse niya.
"Don't you know na kanina pa ako nag-c-crave sa strawberry cupcakes? Too bad na hindi mo ako pinagbilhan."
Muntik na siyang mapalundag na may biglang nagsalita sa gilid niya. Paglingon niya ay nakita niya ulit ang lalaki na kanina lang ay nasa loob ng bakery niya na ngayon ay kampanteng nakasandal sa kotse at nakapamulsa pa. Hindi rin nawawala ang kakaibang pagkakangiti nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
BE MY VALENTINE BOOK II: BE MY CUPCAKE BY SUMMER LOUISE
Romance"Kung gusto mong maging malakas at maging matatag sa buhay, may mga pagkakataon na dapat natin maranasan ang ganyang klaseng pagsubok. It can make us stronger, Rinoa. Believe me. At alam kong dahil sa nangyari sa inyo dati, mas naging matatag ka at...