Part 11

130 7 0
                                    

NANG mga oras na iyon ay nagpupuyos ang kalooban ni Rinoa. Ngayon lang kasi niya nabalitaan na tinanggal ni Gail ang isa sa kasamahan niya na pinag-initan nito kahapon lang. Sabagay, ano pa nga ba ang expectations niya sa babaeng iyon? Magagawa ni Gail ang lahat ng ginusto nito.

Pero hindi niya pwedeng palagpasin ang ginawa nito. Gagawin niya ang lahat para lang mapabalik ang tinanggal nito na kasamahan niya dahil umpisa palang ay mali na ito. Ipagtatanggol niya ang nararapat. Kaya naman wala na siyang inaksayang oras pa at ginawa na niya ang dapat. Susugurin niya si Gail para malaman nito na hindi lahat ng tao na nasa paligid nito ay magagawa nitong apakan.

Pagkadating niya sa opisina ng babae ay hindi na niyang tinangka pang kumatok at agad niyang hinarap ito.

"What are you doing here, Rinoa?"mataray na sabi nito sa kanya. "Wala kang karapatan na umapak ng opisina ko. Get out of here hanggang kaya ko pang magtimpi."pagtataboy nito sa kanya.

Ngunit hindi niya pinansin ang sinabi nito bagkus ay lumapit siya dito at nakipagtitigan kay Gail. "How dare you na basta nalang magtanggal ng tauhan na wala namang kasalanan?"galit na sabi niya sa babae.

"Kasalanan na ang pagiging basura niya kaya dapat lang na tinatapon na siya. At lalo kana, Rinoa. Hindi magtatagal ay kaya na kitang ipatapon sa basuharan."

Sa sinabi nito ay naningkit ang mga mata niya. "I'm just wondering kung bakit ganito nalang ang galit mo sakin, Gail. Why? Hindi pa ba sapat na napunta sayo dati si Troy?"

"Troy is stupid, Rinoa. Hindi na alam ang gagawin sa buhay niya simula ng hiwalan ko siya."ani nito sabay kibit ng balikat. "Kaya mananatili nalang siyang loser buong buhay niya. Well, I must admit na nag-enjoy ako sa kanya pero hanggang doon lang iyon. Mas mag-e-enjoy ako kung makuha ko si Stephen."nakangising sabi nito sa kanya.

Dahil doon ay nakaramdam siya ng labis na pagkainis. Kung ganoon nga ay ito na mismo ang nagkumpirma mula sa sarili nitong bibig na gusto talaga nito si Stephen. At hinding-hindi niya papayagan na mapunta dito ang binata. Kahit na harangan pa niya ito ng sibat.

"Mukhang ikaw yata ang nananaginip, Gail. Kahit kailan, hindi magugustuhan ni Stephen ang isang tulad mo. Alam ko ang taste ni Stephen. Ayaw niya sa mga taong tumitikhim ng basura ng iba."

Nagulantang siya ng bigla nalang siya nitong sampalin ng malakas na halos ikinaalog ng husto ng utak niya. At dahil din sa gulat ay muntik na siyang mawalan ng balanse mula sa pagkakatayo. Nang makabawi ay gigil na hinarap niya ito at ubod din ng lakas na sinampal niya si Gail. Hindi siya makakapayag na api-apihin siya ng babaeng ito. Gaya nga ng sabi niya, lalaban siya hanggang sa makakaya niya.

"What's the hell happening here?"

Agad na napalingon siya ng marinig niya ang pamilyar na tinig ni Stephen na ngayon ay nasa loob na pala ng opisina ni Gail.

"Rinoa? What are you doing here?"nagtatakang tanong nito habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.

Magsasalita sana siya ng bigla na lang umiyak si Gail habang sapo-sapo ang pisngi na sinampal niya dito.

"S-she hurt me, Stephen."ani nito sabay napaluhod pa.

Halos manlaki ang mga mata niya sa nasasaksihan niyang drama na ginagawa ngayon ni Gail sa harapan niya. At ang magaling naman na si Stephen ay nilapitan ito at dinaluhan. Nang mga oras na iyon ay hindi niya mapigilan ang selos habang tinitignan ang dalawa. Kaya naman pinili nalang niyang umalis nalang sa opisina ni Gail knowing na tinatawag siya ng binata.

Habang naglalakad pabalik sa locker room nila ay nagpupuyos na naman ang kalooban niya. Hindi niya akalain na lalapitan agad ito ni Stephen makita lang na umiiyak ito lalo na ng sabihin ni Gail na sinaktan daw niya ang babae. At kahit na pagbalig-baligtarin man niya ay ramdam na ramdam pa din niya ang selos na nanunuot sa buong katauhan niya.

BE MY VALENTINE BOOK II: BE MY CUPCAKE BY SUMMER LOUISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon