EPILOGUE

230 14 1
                                    



FEBRUARY 14, 2016

NAKANGITING pinagmamasdan ni Rinoa ang mga happy couples na nasa loob ng Belle's Pepper. Nasa isang hall sila ng restaurant na iyon na tinawag na Hall of Belle kung nandoon lahat ang mga couples. Tandang-tanda pa niya ang sarili niya two years ago, araw din iyon ng Valentine's Day. Lasing siya noon at bigong-bigo dahil sa isang bigong pag-ibig.

Pero ng mga oras na iyon ay iba na ang kapalaran na mayroon siya. She was happy with Stephen. Hindi niya akalain na makakaranas siya ng ganoong klaseng pagmamahal. Ang buong akala pa naman niya ay hindi niya iyon mararanasan but she was wrong. Dahil natupad iyon ng mahalin siya ng buong-buo ni Stephen.

Sinisuguro nilang dalawa na maraming happy memories ang ginagawa nila. Bumubuo din siya ng mga pangarap para sa kanilang dalawa. She was happy, contented and feeling inlove all the time. Inspired siya sa bawat ginagawa niya sa buhay. At lalong sumaya din ang parents niya lalo na si Ronah ng malaman na sila na ni Stephen. Tulad ng ipinangako sa kanya ni Lola Mildred ay tinulungan siya nitong mapa-unlad ang Paradise Cupcakes na ngayon ay nagsisimula ng makilala.

At ngayon nga ay hinihintay niya si Stephen sa loob ng Belle's Pepper. Dito kasi nila napiling mag-date sa unang Valentine's Day nilang dalawa dahil dito daw sila din unang nagkita. Nagtaka siya ng biglang lumapit sa kanya ang isang waiter at sinabi na kailangan daw niyang lumabas ng hotel. Agad naman niya iyon sinunod dahil baka kung anong nangyari kay Stephen. Ngunit laking gulat niya ng paglabas niya ng hotel ay may mga pulang petal ng rosas na nakakalat sa paligid niya. Nang sundan niya iyon ng tingin ay mayroong isang malaking heart shape na gawa sa red roses din.

Ilang saglit lang ay umalingaw-ngaw sa buong hotel ang kantang 'God Gave Me You'. Kumabog ng husto ang dibdib niya ng biglang lumabas mula heart shaped na gawa sa red roses si Stephen. Ang gwapo at ang kisig nito sa suot nitong tuxedo habang may dalang red roses din na hindi niya mabilang sa dami.

God gave me you to show me what's real.

There's more to life than just how I feel.

Habang naglalakad siya ay naramdaman niya ang luhang umaagos sa pisngi niya. Tears of joy. Naiiyak na natatawa siya ng makita niya ang parents niya pati ang kapatid niya. Halata sa ekpresyon ng mukha ng mga mahal niya sa buhay ang saya para sa kanya.

Nang malapit na siya kay Stephen ay kitang-kita niya ang ningning sa mga mata nito. Agad niyang tinanggap ang rosas ng nasa tapat na niya ang binata.

"Rinoa.."wika nito sabay luhod at agad na ibinigay ang singsing sa kanya.

"Cupcake, hindi ko na kayang tiisin ang nararamdaman ko. I want you to be my wife. Gusto kong makasama na kitang araw-araw. Marry me, Rinoa."

Naluluhang napatango siya sa binata. "Yes, Stephen. I will marry you kahit ngayon na agad."

Sa sinabi niya ay napahalakhak ang binata sabay suot ng ring sa daliri niya. At nang gawaran siya ng halik ng binata ay agad niyang tinugon iyon. Dinig na dinig nila ang masayang palakpakan ng mga nakasaksi sa proposal na ginawa ng binata.

Dahil sa punong-puno ng kaligayahan sa dibdib niya ay muli niyang hinalikan si Stephen sa labi. She will make sure na habang nabubuhay silang dalawa, gagawa sila ng maraming happy memories together. At maraming Valentine's Day pa ang pagsasamahan nila.

THE END

SUMMER LOUISE

BE MY VALENTINE BOOK II: BE MY CUPCAKE BY SUMMER LOUISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon