Noon wala namang pera, salapi, kwarta na matatawag ang Pilipinas.
Nag-umpisa lang na matuto tayo sa pamamagitan ng palit kalakal hanggang matanto na hindi na tugma ang halaga ng ipinapalit kaya gumamit na ang mga ninuno natin ng isang bagay na may halaga. Katulad ng mga batong mamahalin, ginto, pilak, tanso at iba pa'ng uri ng maaaring pamalit sa dating paraan dahil hindi naman lahat ng bagay na ipinapalit ay katumbas ang halaga ng kapalit.
Nang matanto din ng mga mangangalakal na ang iba sa bayad na galing sa atin'g mga ninuno ay mas mataas ang halaga kaya doon pumasok ang pagtitimbang ng mga bagay-bagay.
Hindi katulad ng ibang bansa na gamay na ang ganitong gawain ang Pilipinas ay huli sa lahat kahit ang pag-unlad payak na pamumuhay noon ay talagang sagad sa pagiging tinatawag na ignorante. May sarili tayong pamahalaan sa pamumuno ng mga Datu, Raha at mga kasunod na tungkulin ngunit hindi ganoon katatag iyon kaya dumaan sa magkaka ibang pananakop ang Pilipinas.
Ang pinaka mahal na uri ng pamalit ng Pilipino noon ay ang ginto na unti-unti na inabuso ng mga mangangalakal na halos hingiin na iyon na siya namang binibigyan laya ng mga Pilipino na gawin ng mga ito hanggang bandang huli ay nawalan na tayo ng kapangyarihan na tumutol dahil sinakop na nila ang isang probinsiya hanggang doon na rin sila manirahan na walang pahintulot.
Sa sobrang kabaitan ng mga Pilipino hindi na namalayan na pinamigay na nila ang buo'ng bansa sa payak na pagngiti ng mga dayo lamang.
Ang ginto ay naubos lalo noong panahon na ang giyera ay laganap sa buo'ng bansa. Dahil lahat ng mga mananakop kayamanan ang una'ng pakay nila sa mga lupain na kanilang mararating at pangangalanan kahit na may sarili na ito'ng pangalan at may naninirahan na rin.
Sa tagal na nakiki pagpalitan ng Pilipinas ng kalakal sa mga katabing bansa ni minsan sa mga ito ay hindi hinangad na sakupin ang Paraiso natin sa halip ay nakisama lang sila sa mga mamamayan ng bawat tribo na kanilang nakakasalamuha.
Bago dumating ang gallon ni Magellan sa Pilipinas ay may nauna pa sa kanya ngunit hindi sila nagtagumpay sa kanilang balakin dahil na rin siguro sa isang bagay na hindi tanggap ng mga pinuno ng tribo noon, ang maging alipin ng ibang lahi na kadadaong pa lang ay maangas na ang pakikitungo.
Sa tagal din natin sa kamay ng mga Kastila, hindi nila nagawang pagyamanin ang bansa natin na silang may hawak ng gobyerno at pamamalakad dahil hindi naman kasi iyon ang tunay na pakay nila sa Pilipinas noon. Kayamanan ang tunay na pakay nila sa bansa natin, kaya nga ng matuto ang mga dating mang-mang nalaman ng mga tinaguriang mga bayani sa panahon natin ngayon ang mga hangarin nila na baluktot.
Daang taon ang nilagi ng mga sundalong Spaniard sa Pilipinas na kada taon din kung magpalit upang hindi ma-homesick. Uso na ang overseas worker's noon pa man, hindi Pilipino ang nagpa-uso niyon.
Sa loob ng 300 daan taon mahigit hindi nila nagawang paunlarin ang mga tinatawag nila'ng indio. Dahil sa mas matalino ang mga indio na tinatawag kaya hindi sila nagtagumpay sa balak nila.
Sa na pag-aralan ko noon, wala ako'ng nabasa na pinagmulan ng pangalan ng Pilipinas. Hindi ba mahalaga iyong alamin?
Mula noong namulat ang Pilipino ay nagkaroon ng lihim na ayaw sa pagitan ng mga Pilipino at Kastila na hanggang maging isang rebolusyon na nauwi sa madugong himagsikan.
Doon sumibol ang mga bayani na naging mukha ng atin'g salin lahing anyo ng salapi.
Nag-umpisa tayo noon sa isang payak na bilog ngunit malaki at mabigat, madalas na bilog ngunit pa bawas ang sukat at bigat.
Lumitaw ang istilong papel hanggang maging ganito na lahat. Ngunit na natili pa rin ang pera'ng pilak at ginto na paglaon ay naging isang pangkaraniwan'g mineral ng lupa na walang gaanong halaga.
Naabutan ko pa nga ng pera'ng pilak na may halagang 50 na madalas pa naming paglaruan noon at kapag minsan naman ay ibinibili namin ng pagkain sa tindahan ng lola namin na hindi naman namin alam na mataas pala ang halaga niyon. Kahit ang mamera ay na tinatawag ay napakarami na halos isang lata ng sky flakes. Mukha ni Lapu-Lapu ang nakaukit doon, isang sentimo (¢.01) ang halaga. Kasunod ay ang mukha ni tandang Sora (Melchora Aquino), singko sentimo (¢.05). Kasunod ay mukha ni Francisco Balagtas diyes sentimo (¢.10). Ang ¢.50 noon si Marcelo H. Del Pilar.
Ang (1.00) piso ay hindi nawala ang mukha ni Jose P. Rizal mula noon hanggang ngayon. Kahit pa napalitan na siya na mula barya ay naging papel at muli naging barya uli.
May (2.00) dalawam piso din noon, iyon ang dating may mukha ni Andres Bonifacio. Dating octagon na naging bilog hanggang tuluyan na siyang nawala.
Ang nasa (5.00) limang piso noon na dating papel ay naging barya na rin, si Emilio Aguinaldo pa rin walang pagbabago.
Ang nasa (10.00) sampung piso noon na dating papel ay naging barya na, si Apolinario Mabini na sinamahan ni Andres Bonifacio noong panahon na si Ex-President Joseph Ejercito Estrada ang nakaupo.
Dahil sa mga bayani na na maituturing na President ng Pilipinas si Andres daw ang hindi karapat-dapat. Maraming kaaway si Andres Bonifacio na hindi niya namamalayan at dahil siguro pinagwalang bahala niya lang kaya nanganak ang tsismis na dahilan upang hindi siya mapabilang noong panahon na naging uso ang paglalagay ng mukha ng matatawag na bayani sa pera ng Pilipinas.
Sa pera'ng papel naman, si Manuel L. Quezon ang nasa bente (20.00) mula noon hindi pa siya sinusulot. Mabuti naman dahil siya ang Pangulong nagtatag ng Pambansang Wika ng Pilipinas kaya karapat-dapat siyang mapabilang.
Taga-Luzon.
Sa pera'ng papel na limampung piso (50.00), si Sergio Osmeña. Hindi rin siya pinaki-aalam at walang nagtatangka. Mabuti rin.
Taga-Visayas, Cebu.
Sa pera'ng papel na sandaang piso (100.00), si Manuel Roxas. Hindi rin siya nagagambala na mapalitan dahil may na ambag naman siya sa bansa bilang Pangulo. Siya ang isa sa mga nagkampanya na makamit natin ang buo'ng kalayaan sa kamay ng mga dayuhan, kasama ang dalawang nauna sa kanya.
Taga-Visayas, Capiz.
Sa pera'ng papel na dalawandaang piso (200.00), si Diosdado Macapagal. Baguhan lang siya sa hanay ng mga pinuno ng bansa na nakalagay sa pera ng Pilipinas. Naluklok siya dahil sa kagustuhan ng kanyang anak na naging Pangulo din ng bansa. Ngunit ang halagang ito ay hindi gaanong na gagamit dahil na rin sa madalas na kalituhan ng karamihan din lalo noong una'ng labas pa lang nito.
Wala ako'ng alam kung paano ipinasa ang paraan ng paglalabas ng bagong dagdag na pera ngunit kasanayan na rin siya ngayon ng bansa.
Taga-Luzon, Pampanga.
Sa pera'ng papel na limandaang piso (500.00), si Benigno S. Aquino ang nauna bago sinamahan ni Corazon C. Aquino na kanyang asawa. Si Benigno ay naging senator ngunit pinatay kaya naging daan sa pulitika ang pagtahak ng kanyang asawa sa ganito kahit napilitan lang. Naging Pangulo si Corazon C. A. ng bansa at ang naging daan sa kalayaan ng bansa sa kamay na bakal ng pinalitan niya. Napasama siya bilang karangalan sa nagawa niya kahit akyat-baba ang ekonomiya dahil may ambag pa rin siya sa bansa.
Taga-Luzon, Tarlac.
Sa pera'ng papel na isanlibong piso, tatlo sila; sina Josefa Llanes Escoda, Jose Abad Santos, at Vicente Lim. May kanya-kanya din ambag sa bansa na may kinalaman sa Pambansang Watawat natin ngayon.
Taga-?
Sa tingin niyo, lahat ba sila may nagawa sa bansa na pang bansa lamang?
Isa na rin ito'ng kasagutan sa maraming katanungan ng mga mamamayan ng taga-Mindanao na kung bakit daw wala sa bagong pera ang mga may kinalaman sa Probinsiya nila.
Ibubulong ko ha? Kasi wala pa'ng naging pangulo na mula sa Mindanao.
Kung sakaling manalo si Rodrigo Duterte baka sakali na magkaroon na.
Isa rin sa mabuting paraan; kung magkasundo na ang mga "feeling armed forces groups" baka...
Dahil din sa kanila kaya mahirap umunlad ang ibang malayong probinsiya dahil daig pa nila ang mga kuto at garapata sa buhok ng mga hayop kung humigop ng grasya sa maling paraan. Nakalimutan na nila kung paano maging isang Pilipino na maging masayahin kahit puno ng suliranin.
Hope it's a lesson learning topic guys.
Until the next time...
BINABASA MO ANG
All About Everything
RandomOpinion ni author sa mga pangyayari at kung ano-ano sa kapaligiran. Matuto ka sa tamang paraan sa paggamit ng social media at sa ibang dapat mong i-apply ang tamang gawain. 2016