Writer's Block?

192 6 0
                                    

They say; most of the writer of books especially in novels, they are getting this writer's block or losing from what they are writing.

Why? Why are they getting this? Supposed to be they know what they are writing but it gets this writer's block in their announcement through author's note.

If an idea snaps in your mind, you instantly take down it as a good plot for the story. You'll start to write some parts that pops up in your mind but in a latter days your story will go down to nothing.

Una, hindi lahat ng pumasok na idea ay dapat mong isulat at simulan.

Dahil lang sa naisipan mo ang tungkol doon ay iyon na ang plot ng story mo. May tama at mali sa paraan na nakita mo ito o na sagi ng isipan mo.

Bawat pagsusulat ay kinakailangan ng malalim na pang-unawa lalo kung ang story na nais mo ay nais mong kapulutan ng aral.

Katulad ng na isulat ko sa How To Have A Great Scene sa isang katulad rin na pamamaraan; Kailangan alam mo ang plot ng story mo at pumasok ka sa ginagawa mong story, hindi basta nakaupo ka lang diyan at nagtitipa ng letra mula sa iyong gadget or keyboard.

Tumayo ka sa paa nila at mag-isip na tila ba ikaw ang bida at Ikaw ang kontra-bida ng ginagawa mo. Kung hindi mo magawa kakailanganin mo ng tulong ng iba. Isang paraan din ay;

Observation, ang isang pinaka matagal na paraan upang makakuha ka ng mabuting eksena na ikikilos ng iyong binuong character.

Huwag kopyahin ang katauhan ng iyong pinagmamasdan dahil hindi siya ang iyong character. Kukuha ka lamang ng kaalaman sa bawat kilos niya at galaw niya. Sa paraan ng pagtawa niya, sa paraan ng pag-upo niya, sa paraan ng kahit pag-iyak niya.

Hindi lahat ng tao ay pareho ng katangian at kilos at gawi kaya kung ang kilos mo ang basehan mo repetition of scene ang ginagawa mo.

Madali magsulat, mahirap tapusin na maganda ang kalalabasan ng katapusan.

Na ba-blangko ka dahil hindi mo alam ang tunay na takbo ng sinimulan mo. Dagdag din na may katulad ang laman ng istorya na dating alam mo na. Inuulit mo lang ang istorya nila kasi na aalala mo at gusto mo na ikaw ang leading character doon. Tama ba ako?
.....

FANFIC - fanatic fiction story

Magkaiba ang fanatic story sa original story.

Kaya nga may fanfic na category ang Wattpad dahil alam nila na ganoon ang madalas na mangyari.

Ang FANFIC category ay hindi ibig sabihin na Actors and Actresses fan ka nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo, Julia Montes, Liza Soberano, Enrique Gil, Alden at yaya Dub. 

Ang FANFIC ay Fanatic Fiction Story.

You are a fan of the story that you are making it and writing it like the original one, but still your story is as much as the same of the plot. So, that means your story is a fanfic.

Palaging ilagay sa isip na ang isang istoryang dati ng nakasulat, na tinutularan mo lang ay hindi kailanman magiging Original Story.
.....

If you like love story, sometime it is good to read or watch fantasy love story like Cinderella, SNOW WHITE, BEAUTY AND THE BEAST, THE FROG PRINCE, and so on. Diyan nanggaling iyang mga story na nababasa niyo karamihan. The plot of the story are all the same but given very different formula on how it is going but at the end, happy wedding ending.

Para maiwasan ang PAGKAWALA sa plot ng story mo,

1. Huwag mangopya. Ang pangongopya ay isang uri ng pag-umit o pagnanakaw.

2. Magbigay ng oras sa sarili at pagsusulat.

3. Magkape kung puyatan ang balak. Para gising ang diwa mo at hindi kung anong mga salita lang ang sinusulat mo.

4. Balikan ang story sa simula at sa huling nasulat na. Dapat ito nang malaman mo kung walang wrong grammar or good sentence ba ang nakasulat doon sa ginawa mo.

5. Magbasa ng mga librong hind kwento ang laman kun'di kaalaman. Sayang naman kasi ang mga aklat na iyon kung hindi nababasa o na bubuksan. Mas maraming kaalaman na makukuha doon kaysa sa pagbabasa ng love story na pinapangarap ng mga nagsusulat nito.

6. Wala naman talagang Writer's Block kung alam mo ang tunay na takbo ng story mo. Maliban na lang kung may sakit ka at dinaramdamhindi talaga gagana ang utak mo. Tamang timing lang ang kailangan bago mo bitawan ang nasa isipan mo.

Sana ay may kapulutan kayo ng aral sa babasahing ito.

All About EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon