Walang Printing at Publishing house sa ibang bahagi ng Pilipinas.

78 1 0
                                    

Walang Printing at Publishing house sa ibang bahagi ng Pilipinas.

Title pa lang nagsasalita na.

Totoong walang printing and publishing house sa ibang bahagi ng Pilipinas. Marami din namang nagpapa-book bind ngunit hindi kasing gara ng nais ng isang taong gustong magpagawa ng kaniyang sariling gawa o mga naisulat na kung kailanman ito nagsimula.

Ikaw? Anong printing house ang kilala mo sa inyong lugar?

Dito sa amin, probinsiyal printing press as in newspaper ang nililimbag. Exclusive.

Sa mga nag-aalok ng (xerox) photocopy stall at film developing mayroon din, ngunit hindi ganoon kabilis o matatawag na aklat. Minsan kung anong uri ng papel ang pinagsulatan mo iyon na rin ang papel niyon hanggang mapagsama-sama iyon at gawing aklat na matatawag. Pero ang talagang tawag doon "compilation" lamang. Walang book title or author's name.

Ganito ang kalakaran ng malawak na kaisipan o kaalaman na hindi alam ng buong kapuluan. Ha?

Kapag may nais kang gawin, kailangan mo pang bumiyahe ng tatlong oras bago marating ang mismong lugar kung nasa labas ka ng iyong pupuntahan. At kung mas malayo, may isang araw kang palugit bago magawa ang kailangan. Pagdating doon makikipagpatentero ka pa sa mga sasakyan, mga tao, mabahong usok at masikip na kalye at lansangan. Magulong panuntunan at walang diretsong sakayan. Kaya uubos ka ng kalahating araw sa biyahe pa lang.

Totoo o hindi?

Saan ba ito?

Kung mayroon publishing house or printing house na tumatanggap ng kahit na ano na nasa malapit at nasa iyong probinsiya hindi mo na kakailanganin makipagsiksikan sa mahabang pila ng kung saan-saan.

Tama o mali?

Dapat ba ito?

- - -
Need support! I am nominated as Online Writer of the Year (2016).

All About EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon