Mga kinudlitan, nasobrahan!

40 2 0
                                    

Mga kinudlitan, nasobrahan!

Ha ha, tama ang basa mo!

Bakit ko pinupuna? Dahil sobrang gamit na gamit at hindi magandang tingnan sa isang sulatin na puno ng kudlit ang isang babasahin.

Ganito iyon; halimbawa ng isang taong utal. Kapag ang utal nagsasalita, madalas na tumitigil sa baybay na hindi tapos. Ganoon din ang mga nagsusulat na puno ng kudlit ang bawat pangungusap na isinusulat niya.

"Uy! Pinupuna ka ni author unknown sa mga pinaggagagawa mo! 'Nong masasabi mo sa kaniya at bakit ba s'ya pakialamero. Wala siguro magawa sa buhay n'ya k'ya kung ano-ano na lang pinagsusulat n'ya sa randomness book na ginagawa n'ya."

Alam mo ba na ang "niya" ay dating "nia" dahil iisa ang bigkas ng Y at E sa Spanish kaya ang "niya" ay isinusulat noon bilang "nia" ng mga Pilipino.

Ang alpabeto ng Spanish ay inampon natin at salita ng American ay niyakap ng lahat. Ngunit, ang mga pananalita at pagsusulat ng mga Pilipino ay kagawian ng mga Spanish. Ang K ay nagiging C, ang P ay nagiging F, ang S ay nagiging Z. Iyan ang hindi pa naituturo sa loob ng paaralan. Sa Visayas, ang mga salita nila at panulat ay katulad pa rin ng mga Spanish. Tunog Pinoy pero naroon pa rin ang pinagbakasan na Spanish.

Alpabeto ng Spanish:

A, E, I, O, U,
B C Ch D F G H J K L M N Ñ O P Q R S T V W X Y Z

Alpabeto ng Pilipino:

A, E, I, O, U,
Ba Ka Da Ga Ha La Ma Na Nga Pa Ra Sa Ta Wa Ya

Kapag Tagalog ang iyong gamit laging dalawa ang baybay ngunit dahil dumating sila nabago. Ang pananalita ng Pilipino noon, ayon sa aklat ni Dr. Jose Rizal, ang pinagmulan ng ating kultura ay Japanese at Arabian. Ang handwriting ay Arabic at Japanese. At kung susuriin din, bukod tangi ang Japanese na nagsasalita at sumusulat na dalawahan titik kada isang stroke ng katana o hiragana.  Ganoon din ang Pilipino, ngunit nasira dahil sa pananakop ng mga Kastila. Narambol ang maganda nating pamamaraan ng panulat at kultura ng musika at paglikha. Nang lumaon naging kaaway pa ng Pilipino ang dating lahi niya noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig. Posibleng isang lihim na pag-alsa ng kalooban noon ng pinuno ng Hapon ang lupigin ang mga mananakop ng Pilipinas dahil inukupa nila ang mga lahing nakatira dito. Hindi man ito narinig ng sinoman, maaaring ito ang unang layunin noon ngunit napalitan na lang dahil nagbabago ang taong namumuno at mga taong nagiging hukbo. Lumilipas ang panahon at nalilimutan ang mga dating layunin. Ngunit ang hindi nabubura ay ang katwiran na sakupin at ibalik ang dating sakop na lupain. Kung bakit ko ito nasasabi, dahil nasa sulatin ito ni Dr. José Rizal ngunit hindi tayo nakidigma noon sa kanila. China ang may malaking partisipasyon noon sa cold war ng Pilipino-Spanish war, hindi lang halata pero nasa aklat ni Rizal.

Napakuwento na lang ako dahil kailangan.

Kailangan laging ipaalala sa mga Pilipino kung ano ang pinagmulan nila dahil mas maraming nabubulag ng mga magagandang bagay na madaling mawala at sinasanay nila ang mga sarili sa hindi dapat, at ang lalakas ng loob na sumigaw ng karapatan ngunit sila rin naman ang sumisira ng kanilang tinubuan, ng kanilang pinagmulan, ng kanilang ugat. At sila ay gumagawa ng panibagong pamamaraan na walang matibay na balangkas na siyang magbibigay tibay sa nais nilang pagyamanin ng kanilang magiging anak at apo sa darating na panahon. Idadamay pa nila sa mga bagay na hindi sakop ng nakaraan ang panuntunan na aaralin ng kanilang henerasyon. Magiging bahagi man ng kasaysayan ang iyong pamamaraan ngunit wala itong saysay dahil walang taong magtatatag nito at magbibigay paliwanag tungkol dito. Lalabas pa na sila ay isang uri ng kabute na umusbong lang sa isang panis na tinapay at gumagawa ng sariling bakterya na ipakakalat.

Pasensiya na, lumalalim ang usapang kudlit.

Ang mga bagay na kinukudlitan ay madalas na gamit ng mga taong tumutula. Katulad ng;

Sila ay - sila'y
Oo nga at - oo nga't
Hanggang at - hangga't
Ito ay - ito'y
Kaliwa at kanan - kaliwa't kanan
Kami ay - kami'y

At ang mga ito rin ay madalas na sinusundan ng "ay" at "at" lamang.

Sana ay malaman mo ang tama sa pagsusulat dahil ikaw ay manunulat. At ang pagsusulat ay hindi lamang tungkol sa mga istoryang pampakilig o puno ng aral, kundi pagbibigay aral sa katauhan ng isang buong tao. Dahil nais mong kilalanin, maging mabuting halimbawa ka.

Hindi dahilan na baguhan ka kaya hindi mo alam ang mga ganito. Hindi ka baguhan sa pag-aaral ng sariling wika. Sa Pilipinas ka isinilang kaya hindi ka baguhan. Baka wala ka lang talagang pakialam sa loob ng paaralan noong panahon na nagdadaldal ang guro mo sa harapan, dahil ikaw ay nakikipaglandian lang kay Crush. Hindi rin dahilan na hindi mo kurso ito, Pilipino ka di ba? Nakatapos ka nga ng grade six eh! Bakit naman iyong isang dating binasa kong aklat na gawa ng isang twelve (12) years old, malalim, malaman, seryoso. Bata lang siya. Ikaw, tanda mo na!

Hanggang dito na lang baka uminit ang ulo ng babasa nito.

Kapag nagkaganoon, hit the star! Yeah! Say what's in your head. Then i-chismis mo sa kakilala mo.

.....
Petsa ngayon: Mayo 11, 2017 araw ng post nito. Isinulat dalawang linggo nang nakalipas.

All About EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon