Salapi; barya at papel.

248 1 0
                                    

Ang bahaging ito ay inilalaan ko sa pagtalakay ng salapi, uli. Alam kong may naisulat na ako nito na siyang nasa unahan lang nito ngunit kinakailangan ko lang ipaliwanag dito.

Matagal na ang lumipas at marami na ang nagdaang uri at anyo ng ating salapi o pera, at ang pamahalaan ay siyang daan upang ito ay ipakalat sa buong kapuluan, mahirap man o mayaman ay gumagamit nito.

Ang aking nais ipaunawa sa lahat ay huwag natin itong basta na lang ginagamit at inaayawan.

Bawat sentimo ay mahalaga kahit hindi mo alam gumamit nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bawat sentimo ay mahalaga kahit hindi mo alam gumamit nito.

Kung nasa ibang bansa ka nga ay hindi ka papayagan na gumamit ng kahit na anong pampubliko o pribado na may eksaktong halaga ng salapi ang kailangan. Halimbawa nito ay ang pagsakay sa bus, walang ticket kundi ay isang eksaktong halaga. At kapag ikaw ay sumobra ay hindi pinapayaga at hindi rin naman kung kulang.

Ang paliwanag ko ay ito;

Maraming Pilipino ang umaayaw na tumanggap ng halagang 0.05 sentimo, 0.10 sentimo, 0.25 sentimo sa kahit na anong tindahan na nasa loob lamang ng isang barangay. Ngunit, kung sila naman ay kukuhanan ng sobra ay magagalit at bibigyang masamang paratang ang isang tao o tindahan na may ganitong nagawa. Hindi inisip na kung noong kinuha niya ang yagit na salapi hindi sana siya mababawasan ng (salapi) halagang ayaw niyang mawala sa kaniya.

Isang batayan ng mabuting pakikibagay ang gumamit ng eksaktong halaga sa pagbili at pagbayad.

Hindi ito batayan na marami kang salapi kaya hindi mo kailangan ng yagit sa iyong pitaka, bulsa, bag o buhay.

Ang baryang iyan ay ginastusan din ng Pamahalaan sa Kagawaran ng Pananalapi. Hindi biro na maglabas ng ganito kaliit na halaga tapos hindi naman nais na hawakan ng mga Pilipinong mahihirap din naman. Mismo, ang mga mayayaman ay mayroon nito sa bawat bili nila, ano naman kung ikaw na mahirap ay magkaroon din kung sapat na halaga lang ang kaya mong makamit at ibili ng iyong pangangailangan?

Hindi ito batayan na hindi mo ito kailangan, dahil

Ito ay kailangan gawin, sa katuwiran na walang dapat na humigit sa halaga na iyong binili.

May halaga naman ang bawat piraso nito dahil hindi mabubuo ang piso (1.00) kung walang sentimo.

Kung tutuusin nga ay kulang pa ang nailabas ng Bangko Sentral, dahil wala pa ang halagang 0.01 sentimo sa sirkulasyon ng pera sa kapuluan.

Kaya hindi mo puwedeng basta na sisihin ang mamamayan na gumagawa pa rin ng tuwid at tama dahil nauunawaan niya ang tama at dapat gawin ngunit mas lamang ang walang pakialam.

Kasama ako sa mga gumagawa nito kaya kahit maliit na sentimo lang iyan ay itinatabi ko dahil kapag iyan ay naipon, makabibili rin ako ng isang tinapay diyan. May tinapay pa rin namang halagang dalawang piso katumbas ng apatnapung singko (.05) sentimo (40 pieces) at dalawampung diyes (.10) sentimo. Ngunit mas mainam itong magamit sa mga pamilihan kung saan ipinatutupad ang tamang gamit nito, at kung ayaw mong makalat ang iyong lagayan madalas mo itong gagawin.

Isa rin itong paraan upang iyong maunawaan na ang pamasahe mo sa jeep ay may diskuwento ng 20%.

* Kung ang pamasahe ay 10.00 ang 20% nito ay .50¢ sentimo.

Php10.00 - .50¢ = Php9.50

* Kung ang pamasahe ay 8.00 ang 20% nito ay .40¢ sentimo.

Php8.00 - .40¢ = Php7.60

Kaya huwag mong maliitin ang perang ayaw mong hawakan dahil kung maruning kang bumilang at magbilang malalaman mo kung kailan ka nadudugasan at nalalamangan.

At kung nagagamit ng tama ang bawat sentimo at halaga ng salapi hindi sana gahaman ang mga taong nauupo sa kanilang matataas na trono kahit saanman itong bahagi ng lipunan or isang organisasyon.

All About EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon