Writing Errors

162 7 2
                                    

1. Huwag malito. (Don't get confuse.)

2. Huwag pangatwiranan. (Don't defend.)

Isa ito sa mga bagay na napapansin ko sa mga nagsusulat ng kanilang mga ginagawang nobela o short story, kalituhan kung ano ang dapat na isinusulat sa laman ng istorya.

Hindi ako professional writer ngunit nais kong itama ang kamalian ng mga magbabasa nito na nagsusulat din sa paraan nila.

*Kapag Protagonist ang nagkukuwento, minsan ayos lang na nagkokomento siya sa ibang bagay at ugali ng taong kanyang ikinukuwento.

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon katulad ng paggamit ng;

Kasi - Kasi naman hindi siya marunong na magsulat kaya ayan napupuna kahit Tagalog na mali-mali pa ang gamit ng salita.

Ito naman kasing si Character, pakipot pa! Kukunin din naman at sasama kay Mr. Character.

Pangatwiran - kasi

Eh ikaw kaya ang nasa kalagayan niya, ano ang masasabi mo? Gwapo pa naman siya tapos ganoon siya makitungo. Hay! Prince Charming ko... Ang bad mo! Eh ikaw ba naman kasi, 

Komento - Eh, ikaw...? With questions

Ang hirap kaya magbasa ng ganito. Bakit?

Hindi mo malaman kung character dialogue pa ba o character monologue lang ang ginagawa.

Hindi pa naka slant kaya napapasama sa akala mo kasama sa dapat basahin.

*Kapag Third Person Narration naman, naka kalimot na hindi dapat writers point of view in life ang nakasulat doon kundi the characters point in/of action.

     Kailangan siyang isulat ng maayos. Kung kinakailangan na detalyado bakit hindi mo isulat. Hindi iyong pinuputol sa alanganin.

     At may mga eksenang kahit hindi kailangan ng dialogue nilalagyan pa rin katulad ng;

Sumigaw siya ng malakas upang mas marinig ng lahat ang galit niya.

"Aaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!! Galit ako!!!"

"Hello! Galit din ako sa over acting. Nagtitipid ka ng salita hindi ng letra at space."

Minsan din mixed-up iyong sinusulat.

Protagonist then biglang third person na pala. Walang kaibahan sa pagkukwento. Confusing.

Kahit naman ako dumaan sa ganito pero na ituwid ko naman kaagad.

--->>
Basahin mo ang Chapter ng Writing Errors/ Writing Support sa bandang dulo.

All About EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon