Dahil sinabi ko na madali lang magsulat ng kahit na ano ay mahirap naman itong tapusin na maganda ang kalalabasan.
Isang bagay din na dahilan ay; dahil nga walang eksaktong nilalaman ang k'wento mo kaya kung saan-saan lang nagagawi ang takbo ng istorya na sinusulat mo.
Nagkakaroon ng book two na walang kaibahan sa laman ng istorya na unang nagawa na. Book na pinagpatuloy lang dahil hindi na makayanan ng readers ang mega bytes ng isang uploaded nobela.
May iba naman na sequel or prequel ang tawag but nothing inside. All the same from the first book made. Or kung minsan serialize of family and friends ang pinaghihiwalay ng dumami ang pareho nilang istorya.
Unang dapat tandaan ng mga nais na magsulat na wala masyadong alam at dahil hindi naman nagbibigay ang mga taong kanilang sinusundan (following) ay tama ang mga ginagawa ng mga iyon.
*Wala sinoman na magsasayang ng oras na ibigay ang tama sa inyo kung hindi kayo marunong kumilatis ng tao.
*Wala silang pakialam kung ano ang pinaglalagay mo sa library mo. Nakikibasa ka lang naman, libre naman ang site.
*Pera ang hugis ng mga mata nila sa gitna hindi kulay itim.
-- (Walang Local Pilipino na kulay Green, Blue ocean, Golden yellow, Light sky blue ang mga mata.)
-- (Hindi rin katangkaran ang normal to average height ng mga lalake, karamihan ng 6 footer ay basketball player ang bagsak, at hindi puti ang kulay ng mga balat ng Pilipino, kayumanggi at yellowish white ang tawag.)
*Ang inspirasyon nila ay hindi galing sa katauhan nila kundi galing sa mga manunulat na dati ng sikat na tinutularan nila kung paano sumulat kaya ang laman ng istorya nila ay kapareho ng iba.
• Kahit ang titulo ay hindi nalalayo.
• Ang dialogue ay halos iisang tao,
• Ang character ay pareho lang ng description mapa-babae o lalake.
• Ang gulong ng istorya ay iisa rin.*Ang tunay na inspirasyon ay matatagpuan sa mga simpleng bagay na hindi pinapansin. Mga bagay na kung minsan nabibigyang halaga lang kung wala na o inaalala kung kailan wala na.
* * *
Sa English at Filipino Subject sa school laging nauuna ang paggawa ng "Ang Talambuhay ko".
- Ito ang unang ginagawa kapag nasa grade five and grade six. Sa informal theme bago ilipat sa formal theme.
>>Noong ako ang nasa ganitong edad, hirap akong bumuo dahil hindi ako magaling sa pagbubuo ng mga salita. Tahimik kasi akong tao. No friends. Totally no friends to be called. Naglalaro ako pero mag-isa. Kung minsan napapasama kung kulang sila at kung kailangan nila ng madiskarte sa paraan ng pisikal na galaw. Malikot at makulit akong bata pero tahimik. Contradicting hindi ba? Hindi ko magawa ang sumulat kaya kung minsan kung ano ang pinaka na aalala ko ay iyon ang laman ng sulatin pormal at hindi-pormal ko.
- Ang aking talambuhay,
(My autobiography)
- Ang paborito kong tao,
(My favorite person)
- Ang pinaka masaklap na pangyayari,
(My most embarrassing moment)
- Ako sa paglipas ng 5 hanggang 10 taon,
(Me after 5 to 10 years)Marami pa kaming ginawa na hindi ko na rin maalala. Iyong iba sa notebook lang ipinasulat.
Sa Pilipinas: ang sulating pormal ay inilalagay sa binibiling Sulating Pormal at sa English ay Formal Theme.
Sa ibang bansa: ang sulating pormal nila ay nasa isang Writing Notebook na makapal. Kung minsan ay mukhang diary kung titingnan ngunit hindi. Dahil doon nila isinusulat ang mga bagay na kanilang kailangan at kahit magkamali sila naroon pa rin iyon, pilasin mo man o hindi makikita mo balang-araw na kailanganin mo.
Kaya kung wala kang pakialam, nakikita sa iyong mga kilos at pananalita na wala kang napulot sa loob ng eskwelahan. Baon lang ang alam mong kunin sa palad ng magulang mo.
Dahil sa bawat ginagawa mo at mga pinapakita mo sa mundo hindi lamang ikaw ang napupulaan, kasama ang guro na siyang humalili sa pagtuturo ng tamang gawain at nagbibigay ng panuntunan na hindi kayang unawain ng mag-aaral niyang sumasamba sa banyaga.
May kasabihan nga "'di ba?";
"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit na mas malansa pa sa mabahong isda." Jose P. Rizal
Ganoon din sa paraan ng pagsusulat at pagbabasa:
"Ang hindi marunong bumaybay at bumasa ng tama ay putol ang dila." cecil2690 (he, he, he)
*Kaya bago mo ipasa ang gawa mo, sabi ni teacher; basahin muna at unawain. Kung kailangan ay siguruhin na walang mali. Lalo kung Tagalog naman iyan.
BINABASA MO ANG
All About Everything
OverigOpinion ni author sa mga pangyayari at kung ano-ano sa kapaligiran. Matuto ka sa tamang paraan sa paggamit ng social media at sa ibang dapat mong i-apply ang tamang gawain. 2016