Sayang ang pera ko...

167 1 1
                                    

Ang bahaging ito ay mula sa taong nanghihinayang sa kanyang pera na ipinambili ng librong inakala niya ay maganda ngunit ng kanyang mabuksan at mabasa ay gusto na niyang isauli kaya lang hindi na maaari bukod kasi sa na itapon na niya ang resibo sa kung saan ay hindi rin p'wede isauli ang librong binili niyang "walang kuwenta" sabi nga niya; "Sayang ang pera ko, 129.00 pa naman iyon." (Student siya ng senior high.)

Ito ang isang bagay na ayokong marinig kung sakaling ako ang mag-papaimprenta ng aking mga ginawa.

-Sold out daw ang books na iyon na pasok sa Romance.

-Ang takbo ng istorya ay may kinalaman sa Ghost Lover. (Siguro naman alam niyo na kung ano ang tinutukoy ko.)

Nabasa ko na rin iyon kaya lang hindi ko nagustuhan noong may nabasa akong chapter na hindi tugma sa katotohanan, o iyong tipong sasabihin mong "#Huh?! #Ano iyon? #Ganoon!" Sabay sasabihin mo sa sarili mo; patay kang bata ka, naglason yata sila kasama ang sumulat.

Kasi, kung gumagawa tayo ng istorya mapakilig man o mapatawa, kahit pa fiction lang iyan dapat may (at least) kahit paano naman idikit natin sa katotohanan ng buhay at kamatayan. Kahit na ba fantasy pa ang iniisip mo dapat may silbi ang takbo ng k'wento.

Ngayon, hindi niya p'wedeng ibenta ang aklat dahil hindi naman lahat ay may pambili kun'di papayag na lang siyang ipahiram iyon sa kung sino ang mag-nais na bumasa niyon hanggang mawala na lang iyon at gawing pandingas ng kalan ng ibang tao.

Pinaubaya na niya ang maliit na aklat na iyon at pinagpasahan na ng ilang kamay na kapareho niyang hindi natuwa sa k'wento. Maganda lang daw ang description sa labas wala naman daw maganda sa takbo ng istorya.

Lumalabas na Charity lang ang nangyari sa pera niya upang magkapera ang sumulat niyon at bumalik ang ginastos ng publisher na milyon ang gastos.

Eto iyong sinasabi kong 'non-worthy work' na hindi masisiyahan ang magbabasa kahit na ba kilalang author ka sa mundong ginagalawan mo, minsan isipin mo rin kung 'worthy' ba talaga ang gawa mo.

Kumikita ka lang dahil inaakala ng mga dating sumubaybay sa iyo na worthy ang gawa mo, then one day eto na nga ang isang pangit na resulta.

*Dapat iniisip mong itulad ang mga gawa mo sa mga aklat na hindi nawawala sa book shelves ng aklatan katulad ng encyclopedia or ng reading materials or guide book o anoman ang tawag sa kategorya ng mga aklat na iyan.

*Dapat kahit na ba Romance ang ginagawa mo lamanan mo naman.

Hindi basta nagkakilala lang sila at nagkagustuhan at nag-asawahan ay iyon na iyon. Na sa kanila lang umiikot ang k'wento kung kailan sila mag-aaway at magsasabihan ng 'I love you' tapos, away uli tapos aalis na lang ang isa sa kanila tapos, magkikita pagka-daan ng tatlong taon (gasgas na panahon), tapos magkukumustahan o kaya naman mag-iisnaban o kaya naman mag-paplastikan and so on...

*Hindi ka dapat makonteto sa p'wede na iyan, kun'di sapat sa katagang p'wede ito.

Kahit limang taon ang lumipas ay naroon pa rin siya at hindi mo basta basta bibitawan lalo kung binili mo iyon. P'wede mong ibahagi sa taong inaakala mong may matututonan sa laman ng aklat at sa tuwing binabasa niya ay kusang sumasariwa ang laman ng k'wento na mabilis pa sa pagbabasa mo. 

*Hinahanap ng tao ang aklat upang mapasama sa koleksiyon, hindi upang mapasama sa kikilohin sa diyaryo-bote (junk shop).

Na kahit na tipong dumaan na ang ilang dekada ay inaalala ng tao dahil sa kakaibang nilalaman ng sulatin, na kahit na hindi na binubuksan at kahit na front page lang ang nakikita ay gumagana ang isipan mo hanggang sa dulo ng k'wento.

Halimbawa:

- Pride and Prejudice - Romance.

Collectible books na siya at hindi basta-basta ang laman ng k'wento kahit na ba noong 1813 pa siya isinulat ay marami pa rin ang naghahanap niyon sa mga book store

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Collectible books na siya at hindi basta-basta ang laman ng k'wento kahit na ba noong 1813 pa siya isinulat ay marami pa rin ang naghahanap niyon sa mga book store.

Kasama na diyan sa p'wedeng maging collection ay ang;

- 50 Shades of Grey -

- 50 Shades of Grey -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Q: Why?

A: Because of the topic.

The story work is well define as Mr. Grey other side. He is a good example of character to imagine, good looking, wealthy but with the hidden secret of personality.

Nabasa ko na iyon dito rin sa wattpad, and I love it how it is being written and made to film as well.

Bad thing, hindi ko gusto ang translation kind ng books to Filipino. Napakaliit na halos kasing laki lang ng basong tagayan. (P'wedeng ipasok sa loob,)

Tinipid nila ang papel at cover, gosh.

Mas maganda sana iyon kung kasing laki ng original kind.

Parehas lang ang halaga pero ang sukat hindi, kaya hindi rin ako bibili ng ganoon dahil hindi ako na sisiyahan na ganoon ang Tagalog translation size ng aklat.

Hope people understand what I am saying here.

Ayaw mo naman sigurong kumanta ng;

Sayang ang pera ko, binili ng libro.
Kung pagkain sana, na busog pa ako.♪

All About EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon