<Andrei's POV>
*knock knock*
"Hi! Sorry nag-aayos pa lang ako." Sabi ko kay Farrah pagbukas ko ng pinto.
"Okay lang! Sorry kasi maaga ako dumating. Off ko din kasi, kaya madami time." Sabi niya.
"Good to know na may off ka sa duty." Pang-aasar ko sa kanya. Inirapan niya ako then she laughed.
"Ano ba mga gamit mo na dadalhin? Lahat na?" Tanong niya.
"Well, kung kaya. Konti lang naman dala ko ngayon, mostly damit ko lang at paperwork." Sabi ko.
"Sige, kaya naman na siguro natin yun." Sabi niya.
Nang matapos na ko mag-ayos ng gamit, binaba na namin yung mga gamit ko then I checked out of the hotel.
Nag taxi kami papunta sa apartment niya, medyo maganda yung location kasi malapit lang sa university.
Nasa 3rd floor yung apartment niya, pagpasok ko sa loob maganda naman. Malaki nga para sa kanya. Kasi malaki yung sala and dalawa yung room.
Medyo rustic pa nga kasi brick walls yung apartment niya. It feels like home.
"Welcome home!" Sabi niya pagbaba niya ng mga gamit ko.
"Thanks." I smiled back.
"Ah! Dito yung room mo. Inayos ko na din siya, ilagay mo na lang mga gamit mo. I'll let you settle down." Sabi niya.
"Thanks, again." Sabi ko.
"Ano ka ba! Wala yun! Coffee? You want?"
"Sure." Sagot ko.
Inayos ko yung mga damit ko sa cabinet, malaki din yung room ko. Farrah's really neat sa apartment niya. To think na lagi siyang naka duty sa ospital.
Nang matapos ako mag-ayos sa kwarto, lumabas na ako at naabutan ko si Farrah na nakatulog sa harap ng TV. Hawak niya pa yung remote.
Nakita ko din sa table yung coffee niya na di pa nababawasan, tsaka yung coffee na tinimpla niya para sa akin, mainit pa nga eh.
Malamig na yung panahon kasi October na, kaya kumuha ako ng blanket para kay Farrah at pinatay ko na din yung TV.
I opened a book and took a sip of my coffee.
I always do this nung nasa hotel ako when I have a spare time, pero ngayon ibang iba yung feeling.
It feels like home.
Nang makita ko na malapit na mag 6pm tinignan ko kung ano yung laman ng fridge ni Farrah at parang di pa nagagalaw yung mga groceries niya.
Wala ata siyang time magluto.
I took the initiative para magluto ng dinner para thank you ko na din sa kanya for letting me stay here.
"Andrei??" Narinig kong tawag ni Farrah.
"Uy. Gising ka na. Sorry, nagluto ginamit ko na yung laman ng ref mo ha. I cooked dinner." Sabi ko.
"Oh. Okay lang." Sabi niya then she smiled.
"Sandali na lang to." Sabi ko.
"Need some help?" Tanong niya.
"No, it's okay. Just relax. I got this." Sabi ko.
Sumandal siya sa may countertop, pinanood niya ako magluto.
"Puro microwavable lang kinakain ko dito, madalas sa ospital na ako kumakain eh. Kaya di ko nagagalaw yung groceries ko." Sabi niya.
"Halata nga." Sagot ko naman. Tumawa lang siya.
Naghain siya at sabay na kaming kumain.
"It's nice na may makakasama na din ako dito sa apartment, at least may makakausap na ako." Sabi niya.
"Thank you din kasi kinupkop mo ako. Hahaha. It's nice to have a familiar face din. Lalo na dito, malungkot kapag mag-isa. Buti nga nakaya mo eh." Sabi ko.
"Eh bumibisita din naman yung tita ko dito minsan para icheck kung kumusta ako. Nasabi ko na nga din na dito ka titira, sabi niya okay naman daw para may kasama ako." Sabi niya.
"Buti naman pumayag sila."
"Sabi ko kasi college friend kita and sinabi ko yung situation mo and about sa job mo sa University, ang dami pa nga nilang tanong kasi lalaki daw makakasama ko dito. Eh sabi ko naman may girlfriend ka na. Ah! Nasabi mo na ba kay Carey na dito ka mag sstay sa apartment? Nako baka magalit sa akin yun ha!" Sabi niya sa akin.
"Ah...si Carey...Actually, hindi pa, but I told my parents na sa apartment mo ako tutuloy and they are very thankful for your help." Sabi ko.
"Sabihin mo ako bahala sayo dito. Hehe. So kumusta naman pala kayo ni Carey? Di ba siya susunod dito?" Tanong ni Farrah.
I paused.
"Uhm.. The truth is, she broke up with me before I left Manila. I told her na I accepted a job here in New York and niyaya ko siya na sumama. That day she just got promoted and told me she couldn't leave with me." I explained.
"Pero pwede namang long distance relationship diba?" Farrah said calmly.
"I told her that, pero sabi niya we should focus on our careers muna. So that's it." Sabi ko.
"Andrei... I'm sorry, I didn't know."
"Nah. It's okay. Anyway, itong address mo pala ang nilagay ko para sa shipment ng mga gamit ko ha, para dito na mismo ipadala. Hindi na tayo maglilipat from the hotel." I said while smiling.
"Sure. It's fine." Sabi niya, then she gave me a gentle smile.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love
RomanceFarrah accidentally meets Andrei, her long time college crush! But it's been years and now they're both professional. She's been in love with him for years but will she stay secretly in love forever??