25th

1.5K 28 0
                                    

[Farrah's POV]

Nasa duty ako nang makita kong ang daming missed calls ni Carey sa akin, so I called her back.

"Carey?? Bakit ka napatawag?" Tanong ko pagkasagot niya ng phone, rinog ko yung mga hikbi niya sa kabilang linya.

"Carey?! What happened?!" Nag-worry na ako.

"Can you please meet me up??" Umiiyak niyang sabi.

Sinabi kong pumunta siya dito ng ospital and dinala ko siya sa Nurse's quarters para dun kami makapagusap.

Mugto yung mga mata niya sa kakaiyak.

"What happened??" Tanong ko.

"Si Andrei..." She forced a light chuckle then started to cry again.

"Sabi niya hindi na daw niya ako mahal, he said he's in love with someone else."

Natigilan naman ako sa sinabi ni Carey. I got this relieved feeling but I still feel bad for Carey...she's my friend.

"Farrah, ikaw ang nakakakilala kay Andrei dito. Kilala mo ba kung sino yung bago niya?"

"Hindi ba sinabi ni Andrei sayo?"

"Hindi eh. Hindi ko kayang marinig nang galing sa kanya."

I really really want to tell her pero alam ko na hindi ito ang tamang oras na sabihin ko sa kanya.

"I don't know either." Sagot ko. Ayaw ko magsinungaling but I just did!

"Farrah...tulungan mo naman ako, tulungan mo naman ako na magbago isip ni Andrei, tulungan mo naman ako na bumalik siya sa akin."

"Carey...I'm sorry pero kung nakapag decide na si Andrei, I can't do anything about it. I'm sorry..."

Pagkatapos ng duty ko umuwi na din ako kaagad kasi parang drained na drained ako ngayon. Gusto ko na lang matulog.

Pagpasok ko ng apartment naabutan kong nagbabasa si Andrei sa may veranda.

Hindi naman niya napansin na dumating na ako dahil busy siya sa pagbabasa at naka earphones.

I walked towards him and I hugged him from the back. Lumingon naman siya, tinanggal niya yung earphones niya and he cupped my right cheek habang yakap ko pa din siya

"Nakausap ko si Carey kanina.." Sabi niya.

"Me too...and she said in love ka na daw sa iba."

"That's true." Sabi niya while he intertwined our fingers together.

"I'm in love with you, Farrah."

"I love you too, Andrei." Sabi ko sa kanya as I managed to smile.

Naging maayos din kami ni Andrei after that, bumalik din sa dati.

Nakikipagkita pa din si Carey sa akin, hindi ko na lang sinasabi kay Andrei. Wala kasing ibang kilala si Carey dito, sobrang depressed daw siya.

She's at her deepest point in her life. Nawala ang career niya pati si Andrei nawala din.

I try to talk to her pero hindi ko pa din sinasabi na may something kami ni Andrei. I couldn't find the right time.

Until one day...

"Carey, nasa duty pa ako eh. Just wait for me at the-"

Sinampal niya ako, natigilan naman ako. Tumingin lang ako habang hawak ko yung kaliwang pisngi ko.

Napatingin din lahat sa amin, nasa hallway kami.

"I went to the University and I asked kung saan ko matatagpuan si Andrei and I met John, maybe you know John. Then he said that I should ask you, he said specifically, ask Farrah. I didn't understand at first, so I asked him again and he said Farrah, Andrei's girlfriend."

"Carey, I can explain..."

"How could you do this Farrah?!" Galit niyang sigaw sa akin.

"Carey..."

"I trusted you! I even asked for your help! And you managed to meet me every day just to say na you're my friend!! Pero ahas ka! Ahas ka!"

"Hindi pa ako girlfriend ni Andrei." Paliwanag ko.

"Hindi pa?! So magiging palang?! So right now you're just living in the same house and maybe having sex sometimes pero hindi pa kayo?!" Sarcastic niyang pagkasabi.

"No! Walang nangyayare sa amin ni Andrei!" Depensa ko.

"I couldn't believe it! You pretended to be my friend! Kaya pala nang nagpapatulong ako sayo ang sabi mo wala ka ng magagawa!"

"Tinulungan kita diba?! Kahit ang sakit sakit, Carey! Na tulungan na makipagbalikan si Andrei sayo, pero mahal ko si Andrei kaya hinayaan ko siyang magdecide kung saan siya sasaya! He made his decision and I am sorry if it's not you."

Natahimik naman siya.

"I loved Andrei ever since college, and when he chosed you, tinanggap ko naman kasi alam ko na sayo siya masaya... So please, Carey...stop this."

"You're impossible! Just remember thaf I had him first!" Sabi niya then she walked out.

Naiwan ako sa mga tao na nakatingin sa akin.

Damn it!

Pinunasan ko yung luha ko then I grabbed my things, bumalik ako sa trabaho.

Nang matapos ako sa duty umuwi ako kaagad.

"What's wrong?" Salubong niya sa akin as I went inside.

"Nothing.." Sagot ko.

"Yan ba ang wala lang? Farrah, tell me." Sabi niya.

"Si Carey pumunta ng ospital kanina, she found out about us and apparently she wasn't very happy about it." Sabi ko.

"I already made my decision."

"But not me." Napatingin naman si Andrei sa akin na parang nagtataka.

"What do you mean?" Tanong ni Andrei.

I don't want to do this, pero sa tingin ko ito ang dapat kong gawin.

"I don't want to be your girlfriend."

"What? Farrah, niloloko mo ba ako?"

"No, seryoso ako Andrei."

"Bakit?! Okay naman tayo diba? I chose you, Farrah. So please, wag mo naman ako biruin ng ganyan."

"Andrei..." Nangingilid na yung luha ko.

"Anong gusto mong gawin ko magbago lang ang isip mo?" He asked habang hawak niya mga kamay ko.

"Ang bilis ng mga nangyari sa atin, pero wala akong pinagsisisihan. Pero gusto ko muna ng space para makapag-isip tayong dalawa. Para malaman natin na sigurado tayo na tama yung mga desisyon natin." Sabi ko, pinipigilan ko pa din umiyak.

Ayaw ko ipakita kay Andrei na mahina ako.

"Farrah.."

"Masaya ako na ako ang pinili mo, Andrei. Pero ibigay mo muna sa akin to." Sabi ko.

Binitiwan niya mga kamay ko, he grabbed a bag at lumabas.

Paglabas na paglabas niya, nilabas ko lahat ng pinigilan kong pag-iyak. Masakit pero kailangan ko to gawin.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon