[Farrah's POV]
"Farrah! Naintindihan mo ba sinabi ko?" Tanong ni Karen sa akin.
"H-ha?? Sorry. Ano ulit yun?" Tanong ko.
"Hay nako! Kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka naman pala nakikinig." Naiinis na sabi ni Karen.
"Sorry. Sorry talaga. Ulitin mo na lang, makikinig na ako." Sabi ko.
"Sabi ni Ma'am Greta mag force leave ka daw sa holidays, yung mga bagong pasok na nurse na daw muna ang mag duduty that time. Winter break ka daw, kasi sobra sobra na duty mo." Sabi ni Karen.
"HA?! Hindi pwede!!" Gulat kong sabi.
"At bakit naman hindi??"
"Ah.. Eh.. Kasi sayang! Double pay din yun. Tsaka ano naman gagawin ko ng buong holiday?" Sabi ko kay Karen.
"Eh di magpahinga ka, o kaya bumisita ka sa relatives mo o mas masaya eh mag Christmas kayong magkasama ni Andrei. Ayiiieeee." Pang-aasar naman ni Karen.
"Hindi pwede!"
"Hoy Farrah, may problema ka noh? Kanina ka pa parang wala sa sarili eh. Hindi ka nakikinig sa akin tapos ngayon tinatanggihan mo yung break na binibigay sayo eh samantalang lahat eh papatay para makuha lang yang leave mo. May iniiwasan ka noh?" Pang-uusisa ni Karen.
"Hindi noh, wala to." Sagot ko.
"Sa relatives mo yan noh?"
'Hindi ha! Gustong-gusto ko na nga sila makita eh." Sabi ko naman.
"Eh ano? Si Andrei?"
Natahimik lang ako.
"Sabi ko na nga ba eh. Bakit? Ano? Anong ginawa mo?" Pangungulit niya sa akin.
"Oh? Eh bakit ako? Wala akong ginawa noh! Sa tingin mo ba ako yung may gagawin na di matino?" Depensa ko.
"Good boy kaya si Andrei noh! Di ko kailanman mapagiisipan siya ng masama. Eh ano bang ginawa niya?" Tanong ni Karen na parang ayaw maniwala.
"He kissed me..."
"Waaaaaaaaaaaah!!!" Hiyaw naman nito ni Karen sa hallway ng ward.
"Nurse, if you can keep your voice down. Please." Sita sa amin ng isang doktor.
"I'm sorry, doc. I was just excited." Sabi ni Karen.
"Baliw ka talaga!" Hinila ko siya palayo.
"Eh ano ba kasi! Anong nangyare?" Sana pala di ko na lang sinabi, ang kulit kulit pa naman nito.
"Yun nga! Yun lang!" Sagot ko.
"Eh anong sabi mo?"
"Wala."
"Ha?! Anong wala?"
"Nagulat kasi ako kaya tumakbo lang ako sa kwarto ko. Di ko alam ano ba dapat reaction ko dun sa ginawa niya." Sabi ko kay Karen.
"Eh siya ba? Ano bang sabi niya pagtapos nun?"
"Wala."
"Ha? Wala din???!!!"
"Eh hindi naman niya ako kinatok or anything eh. The next day kasi di na kami nag-abot kasi maaga yung pasok ko tapos siya may pasok din."
"Eh hindi niyo pa ba napag-uusapan?"
"Di ko pa siya nakikita."
"Ha?! Eh diba magkasama lang kayo sa iisang bahay? Sobrang laki ba ng apartment mo para di kayo magkita?"
BINABASA MO ANG
Secretly In Love
RomanceFarrah accidentally meets Andrei, her long time college crush! But it's been years and now they're both professional. She's been in love with him for years but will she stay secretly in love forever??