<Farrah's POV>
Nurse on duty na naman ako. Back to normal again. Si Andrei nag start na pumasok sa University.
"Farrah, after duty sa Saturday samahan mo ako sa flea market. Gusto ko kasi maghanap ng bagong cabinet." Aya ni Karen sa akin.
"Sure." Sagot ko, lunch break namin ngayon.
*beeps*
I checked my phone. Nag message si Andrei.
>Farrah! My packages have arrived pero sa hotel nila dinala.<
<Gusto mo daanan na lang natin mamaya sa hotel? 5pm ang out ko dito sa duty. Ikaw?>
>5pm din! Thank you so much.<
<Manlibre ka na lang ng pizza for dinner>
>Yes, landlady<
After lunch break balik kami sa duty ni Karen. After warding bumalik na kami sa Nurse's Station.
Naabutan namin yung Head Nurse namin na si Ma'am Greta.
"I was just talking to your fellow nurses that there's been a mix up with the schedule for tonight's graveyard shift. I need another Nurse for tonight's duty. Is anyone available?" Ma'am Greta asked.
"Farrah? How about you?" Tanong niya sa akin.
"Ah. Ma'am I'm sorry, I am not available for tonight. I am helping a friend." Sagot ko.
"I'll do it, ma'am." Sabi ni Karen.
"Good. Thanks." Sabi ni Ma'am Greta then she smiled.
Karen looked at me as if di niya ako kilala.
"What? Ano problema mo?" Tanong ko kay Karen.
"Farrah? Ikaw ba yan? Ikaw ba yung Farrah na bestfriend ko na hindi tumatanggi sa extra night shifts kasi mas malaki yung sweldo?" Sabi ni Karen.
"Hahaha! Baliw! May gagawin kasi ako ngayon kaya di ako available." Sabi ko.
"At sino naman yang "friend" na yan at tinanggihan mo ang salapi? Ang pagkakaalam ko eh mga nurse lang dito ang kakilala mo at yung mga relatives mo na nasa Chicago na." Sabi ni Karen.
"College friend ko. Kakalipat lang kasi niya dito kaya kailangan niya ng tulong. Doon na kasi siya sa apartment ko tutuloy kaya pinapasettle down ko pa muna siya." Sagot ko.
"Mabuti naman at may makakasama ka na sa apartment mo." Sabi ni Karen.
Bumalik kami ng trabaho hanggang sa dumating na ang 5pm.
*beeps*
>Farrah, I'm here sa hospital lobby. I'll just wait for you.<
Nag-ayos na ako ng mga gamit ko para makaalis na.
"Farrah, teka kalma! 5pm pa lang." Pigil sa akin ni Karen.
"Bakit? 5pm naman talaga out ko ha?" Sabi ko sa kanya.
"Oo nga...pero saktong 5 aalis ka na?" Tanong niya.
Tinawanan ko lang siya.
"Nasa lobby na kasi yung friend ko. Hinihintay na ako." Sabi ko sa kanya.
"Sige na nga. Samahan kita hanggang lobby. Iiwan mo na naman ako dito." Pang giguilt trip sa akin ni Karen.
Pinapakita niya sa phone niya yung mga gusto daw niyang bilhin na mga gamit sa flea market sa Saturday habang naglalakad kami papuntang lobby.
Medyo malayo din kasi from the 3rd floor ward.
Di namin namalayan na nakarating na kami sa lobby. Nakita kong tumayo si Andrei sa pagkakaupo niya ng makita niya ako.
Naka black coat at scarf siya. Sobrang lamig na kasi talaga sa labas.
Ang gwapo niya talaga.
Pero nung nasa college kami hindi naman siya gaano pinapansin ng mga kaklase namin. Lima silang magbabarkada pero si Andrei yung pinaka hindi napapansin.
Pero kung ako yung tatanungin eh para sa akin, si Andrei ang the best sa kanilang lima.
"Farrah, sorry kakarating ko lang din. Medyo traffic kasi." Sabi niya.
"Okay lang, kaka-out ko lang din naman. Ito pala ka-work ko... Si Karen..." Napatingin ako kay Karen na para bang gulat na gulat at di makapaniwala sa nakita niya.
"Karen? Okay ka lang?" Tanong ko.
"Farrah, siya yung sinasabi mong friend?" Tanong niya na mukhang gulat pa din.
"Oo."
"Yung makakasama mo sa apartment?" Dagdag niya.
"Oo."
"May vacancy pa ba? Pwede ba akong lumipat sa inyo?" Dagdag niya.
"Baliw ka talaga!" Pang-aasar ko sa kanya. Natawa si Andrei.
"Hi. I'm Andrei. Nice to meet you." Sabi ni Andrei kay Karen.
"I'm Karen. Super super happy to meet you! Hindi naman sinabi ni Farrah na may friend siyang gwapo!! Ang damot!" Sabi ni Karen.
"Hay nako. Wag ka makinig diyan kay Karen. Tara na, baka matraffic pa tayo." Aya ko kay Andrei.
"Kaya pala pinagpalit mo yung night shift mo!" Pang-aasar ni Karen.
Napatingin si Andrei sa akin.
"Ewan ko sayo. Sige na. See you tomorrow." Paalam ko kay Karen.
Nag taxi na kami papunta sa hotel kung saan nandoon yung mga gamit ni Andrei. Malapit lang naman kaya mabilis din naming nakuha yung mga gamit niya at nakauwi na din kami sa apartment.
Mga 7pm na ng makauwi kami.
Tinulungan kong mag-ayos si Andrei ng mga gamit niya. Sobrang organized nga eh.
"So dapat pala may night shift ka ngayon?" Tanong ni Andrei sa akin habang inaayos niya yung mga books niya.
"Hindi naman. Nagtanong lang yung head nurse namin kung sino pwede mag night duty ngayon. Ako kasi lagi kumukuha ng ganun, pero ngayon tinanggihan ko." Sabi ko.
"Bakit naman?" Tanong niya.
"Eh kasi diba sabi mo kailangan mo ng tulong." Sagot ko.
"You didn't have to do that. Pwede naman na ako na lang kumuha ng mga gamit ko. Naabala pa kita." Sabi niya.
"No it's okay." Sagot ko.
"Farrah.."
"Yes?" I looked at him and he touched my hands with his warm hands.
"Thanks. Actually di ko din alam gagawin ko. So thank you." Sabi niya and he gave me this smile! Ugh. A very cute smile.
Natigilan ako for a second and I just stared at him. Speechless.
*ding dong*
"Ah! That's the pizza!" I rushed towards the door. I don't know what's happening!!!
"Pizza delivery!" Sabi nung pizza delivery boy.
"Oh yes!" Natataranta kong sabi.
"Ma'am are you okay? You seem to have a fever. You're blushing red." Sabi nung delivery boy.
"Oh no! I'm fine. I'm alright." Sagot ko.
Nakita kong nasa tabi ko na si Andrei and he just paid for the pizza.
"Thanks, man." Sabi nung delivery boy.
"You're welcome." Sabi ni Andrei. Sinara na din niya yung pintuan. Nagmadali naman akong lumayo at dinala ko na yung pizza.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love
RomanceFarrah accidentally meets Andrei, her long time college crush! But it's been years and now they're both professional. She's been in love with him for years but will she stay secretly in love forever??