5th

2K 39 1
                                    

[Farrah's POV]

Andrei's acting very weird, kanina bigla na lang siyang pumunta sa kwarto niya pagkatapos niya akong ibalot sa kumot and now he's insisting na isuot ko yung knitted cardigan ko kasi sabi niya "it looks good on me." So I ended up wearing it.

"Finally! Tapos na din!" Sabi namin ng matapos na kami sa pag-aayos ng mga gamit ni Andrei.

Maayos na yung room niya, tapos nilagay din namin yung iba niyang books sa sala.

It looks very nice. Dumami yung laman ng apartment.

"Hindi na siya mukhang malungkot." Sabi ko.

"Ha??" Pagtataka ni Andrei.

"I mean, yung apartment. Hindi na siya mukhang malungkot, kasi nandito na yung mga gamit mo." Sabi ko sa kanya.

He looked at me and gave me this smile.

"I mean...dinagdagan mo kasi ng mga gamit. Kaya ayun. Hindi naman kasi ako bumibili masyado ng mga gamit. Hahahaha!" Paliwanag ko. Ugh. Kasi naman Farrah! Kung ano-ano pinag sasasabi mo.

"Pwede ka nang magpahinga. Sulitin mo naman yung absent mo. Rebeldeng empleyado." Pang-aasar niya.

"Ewan ko sayo." Hirit ko.

*beeps*

Tinignan ko kung sino yung nag message sa akin.

Si Karen.

>Farrah, tapos na duty mo? Tara na, punta na tayong flea market baka maunahan pa ako sa mga bibilhin ko.<

"Ugh! Oo nga pala!" Bigla kong naalala.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ni Andrei.

"Kasi nagpapasama pala si Karen sa akin ngayon sa flea market, nakalimutan ko." Sabi ko.

"Nasaan na daw ba siya?"

"Papunta na siguro siya dun."

"Tara, punta tayo?" Aya ni Andrei.

"Sige." Nakangiti kong sagot.

Nang makapag-ayos na kami eh nagtaxi na kami papuntang flea market, tinext ko na din si Karen na doon ko na siya kikitain.

"Karen! Sorry, late kami. Medyo matraffic eh." Sabi ko nang makita ko si Karen.

"Hi. Sorry sumabit ako ha." Sabi ni Andrei kay Karen.

"Ahhh! Kasama mo si Andrei! Nako, okay lang kahit late kayo. Nandito ka naman." Sabi ni Karen habang nakakapit kay Andrei.

"Hahaha! Tara na, hanapin na natin yung gusto mong bilhin." Hila ko kay Karen palayo kay Andrei.

Natawa lang si Andrei kay Karen.

Nag-ikot ikot kami para maghanap nung gusto ni Karen na coffee table.

Ang daming magagandang gamit! From old cabinets to little trinkets.

"Nakakatuwa naman dito." Sabi ni Andrei.

"Oo nga eh. Uyy kung may gusto kang bilhin eh sige lang. Madami pa namang space sa apartment." Sabi ko.

Ako naman tumingin tingin din nang mga gamit na pwedeng malagay sa apartment at pwede kong magamit.

"Uyy! Farrah! Sinundo ka na naman ni Andrei sa ospital noh?" Tanong ni Karen sa akin.

"Hindi. Galing kami sa bahay." Sagot ko.

"Eh diba may duty ka? Umuwi ka pa?"

"Hindi ako nakapasok kanina kasi late na ako nagising." Sagot ko habang tumitingin sa mga gamit.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon