[Andrei's POV]
Today kami aalis ni Farrah papuntang Chicago. Kahapon pa siya excited. Nag pack na din kami ng mga gamit for 3 days.
"Andrei, are you ready?" Tanong niya habang palabas siya ng kwarto niya na hila niya yung maleta niya.
Nakaupo lang ako sa may sofa. Hinihintay ko lang naman siya.
"Yeah. Farrah, hindi na ba uuwi?" Tanong ko sa kanya. Tinulungan ko siya sa mga gamit niya.
"Ha? Bakit??"
"Ang dami mong dala, parang lilipat ka na eh."
"Ayaw ko kasing may maiwan ako eh." Sagot niya.
"Hindi ka ba mahihirapan sa bus niyan?"
"Bus? Bakit tayo magbubus?" Tanong ko.
"Eh anong sasakyan natin papunta ng Chicago?"
Bumaba na kami, naabutan namin si Karen sa tapat ng apartment.
"Kasama natin si Karen?" Tanong ko kay Farrah.
"Gusto ko man eh hindi pwede kasi may pasok ako." Sabi ni Karen.
"Dinala lang dito ni Karen yung kotse na gagamitin natin papunta ng Chicago." Sabi ni Farrah.
"Ayaw ni Farrah na mag-bus eh." Sabi ni Karen.
"Marunong ka pala mag-drive?" Tanong ko kay Farrah.
"Of course. Tara na. Para makarating agad tayo." Tawag sa akin ni Farrah pagkalagay niya ng mga gamit sa kotse.
"Have fun. See you soon!" Paalam ni Karen sa amin.
Nag-drive na si Farrah, nasa passenger seat naman ako. Hindi ako makakapag drive kasi wala pa akong license dito.
I can't do anything.
Matagal tagal din na byahe, pero parang di naman napapagod si Farrah kasi kitang-kita sa mukha niya na excited siya.
Pagkalipas ng ilang oras eh napadpad kami sa suburbs, malalaki na yung bahay dito. Ang ganda ng mga bahay nila kasi lahat all out effort para sa Christmas decorations.
"We're here!!" Sabi ni Farrah nang papalapit kami sa isang bahay.
Pagkababa namin sumalubong sa amin yung Tita ni Farrah, I assumed.
"Farrah!!!! We missed you!!"
"Tita Angie!!! Miss na miss ko na din kayo." Sabi ni Farrah, tita pala niya yung bumati sa kanya.
"So this must be Andrei?" Bati niya sa akin.
"Hello po. Nice to meet you po." Bati ko.
"Call me, Tita Angie. Tara na. Pasok tayo sa loob, malamig dito sa labas. Nasa loob silang lahat." Sabi ng tita ni Farrah.
Sumunod naman ako kay Farrah. Biglang may bumungad sa aming batang babae, hanggang sa may sumunod na tatlo pa. Isang batang babae at dalawang batang lalake, na I think nasa ages 3-4.
"Tita Farrah!!!" Nagtitilian sila nang makita nila si Farrah.
"Ang lalaki niyo naaa!!" Sabi sa kanila ni Farrah. Niyakap niya yung apat.
"We missed you so much!" Sabi nung bata na babae.
"I missed you too, Olivia." Sabi ni Farrah.
"Who's this old man?" Turo sa akin ng isang batang lalake. Napatingin naman si Farrah sa akin na nagpipigil ng tawa.
"This is Andrei. He'll stay with us for Christmas. Be nice to him, he's our guest." Sabi ni Farrah.
"Andrei, these are Olivia, Cassie, Timmy and Tommy." Pakilala niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love
RomanceFarrah accidentally meets Andrei, her long time college crush! But it's been years and now they're both professional. She's been in love with him for years but will she stay secretly in love forever??