[Farrah's POV]
Buong dinner ako yung kinukulit nila. Ayaw ko lang ipahalata pero hiyang hiya na ako kay Andrei. Uggghhh.
Patay malisya na lang ako. Ayaw ko nga sabihin na affected ako, nakakahiya talaga!!!! Huhuhu.
After namin mag dessert eh pinatulog na nila yung mga kids, medyo inantok na nga din ako eh.
"Gusto mo na din matulog?" Tanong ni Andrei.
"Ngayon lang dumating yung pagod sa ilang oras ko na drive. Medyo inaantok na ako." Sagot ko.
"Sus. Feeling kid ka lang eh." Sabi Franz habang pinapatulog si Cassie.
"Gisingin ko kaya si Cassie!" Panga-aasar ko sa kanya, siya yung pinakamakulit sa aming magpipinsan.
"Tita, iaakyat lang po namin yung gamit namin." Paalam ko kay Tita Angie.
"Farrah, naunahan na pala kita ng kwarto. Kinuha ko na yung isang room dito sa baba, kasi nag ssleepwalk si Olivia. Hindi siya pwede sa second floor." Sabi ni Anthony.
"Okay, sa attic ba?" Tanong ko.
"I reserved it for you. Pero magkasama kayo ni Andrei dun ha. Kulang kasi tayo sa bed eh. Malaki naman yung room na yun, tsaka queen size bed. Sorry, di kasi ako nakapaghanda." Sabi ni Tita Angie.
"Tita, ako nga po dapat mag sorry. Sorry po, pero okay na po kami dun sa room." Sabi ni Andrei.
"Farrah, chance mo na!" Hirit naman nito ni Franz.
"Sira ka talaga! Friendly sleepover lang to." Sagot ko naman sa kanya.
Inakyat na namin yung mga gamit namin sa attic.
Actually ito ang pinaka favorite kong lugar sa bahay ni Tita Angie. Kasi tahimik tapos solong-solo ko. Malaki yung kwarto tsaka maganda, malaki pa yung bath and may bath tub!!!
"Ang ganda pala dito sa attic." Sabi ni Andrei pagpasok niya.
"Yeah. Ako nagsabi kay Tita na i-design to ng ganito." Sabi ko.
Nagkatinginan kami and again we had this awkward silence.
"Left or right?" I tried to break the silence.
"Pwede naman na sa floor lang ako." Sabi ni Andrei.
"Ang laki laki kaya ng room at kama natin! Tsaka we're friends...wala naman sigurong masama dun diba?" Sabi ko.
"Sus. Gusto mo lang ako katabi eh." Pang-aasar niya.
"Wow! Hay nako Andrei Lacson, kung sa tingin mo malamig sa New York eh mas malamig dito. Kahit naka heater tayo eh malamig pa din kasi malapit tayo sa bubong. Kaya sige, kung gusto mo ulit lagnatin dahil sa lamig, feel free to take the floor." Sabi ko.
"Grabe. Ang dami mong sinabi. Okay fine, left side." Natatawa niyang asar sa akin.
Nagpalit na ako ng pantulog dahil inaantok na talaga ako, buti na lang may sariling bath dito.
Nahiga na ako, si Andrei nagbabasa pa sa tabi ko kaya bukas pa yung lamp niya.
"Hindi ka pa ba inaantok?" Tanong ko sa kanya.
"Nagpapaantok na." Sagot niya.
Kanina inaantok na ako pero parang biglang nawala yung antok ko, pinanood ko lang siya magbasa. Tahimik at seryoso magbasa si Andrei, nakakatuwa.
"About pala dun sa sinabi ni John. Sinabi ko na girlfriend kita kasi kinukulit ako ni Lizzy na sumama sa Christmas party. Kaya I made an excuse, I didn't drop any name. John just assumed na ikaw yung sinabi ko na girlfriend. But still, I'm sorry." Sabi ni Andrei.
"It's okay. I understand. Naguluhan lang ako nang sinabi niya yun. Akala ko may girlfriend ka na hindi ko alam." Biro ko sa kanya.
"Paano naman ako magkakagirlfriend na hindi mo alam eh ikaw lang naman kakilala ko dito sa buong US. I mean maliban kay Karen, co-faculty and family mo." Natatawang sabi niya.
"Eh hindi naman tayo madalas magkita noh, malay ko ba kung may girls on the side ka. Hahaha." Dagdag ko.
"Don't worry, you'll be the first one to know." Biro niya. My laugh just faded.
"Yeah, right." I added and faked a laugh.
Sinara niya yung libro niya.
"You know what, I have always imagined na it will be like this when I get married someday." Sabi niya.
"Ha?? Di ko gets." Confused kong tanong.
"Me and my wife lying on bed, me reading and she of course laying beside me and talking to me. We'd be laughing and telling stories." He said.
"Like this?" Tanong ko.
"Yeah. We're like a married couple now." Sabi niya.
Natahimik ako for a few seconds and I my heart is beating so crazy right now.
"Kung ano-ano na sinasabi mo, pagod ka na. Itulog mo na yan. Goodnight" Sabi ko sa kanya, humarap na ako sa kabilang side. He kept quiet for a few seconds, para bang he's waiting for something.
And then finally, he said.
"Goodnight." Then she turned off the light.
It was cold the whole night! Uggh. Nagising ako na nakabalot sa comforter, wala na si Andrei sa tabi ko kaya bumaba na ako.
Naabutan ko sila sa dining area, drinking coffee.
"Goodmorning, Farrah!" Bati ni Tita Angie sa akin.
"Goodmorning." Bati ko sa kanila.
Inabutan ako ni Andrei ng coffee and I said thanks. I don't know what happened pero parang close na sila Tita and Tito kay Andrei. Natuwa naman ako.
Pagkatapos namin mag breakfast nagyaya yung kids na maglaro sa snow. They bundled up and nagsiharutan sa backyard.
Nakaupo lang ako sa may porch, pinapanood sila.
"Ang cute nila noh?" Sabi ni Andrei pagtabi niya.
"Oo!! Super!!" Sagot ko.
"Ikaw kapag nagka-baby ilan gusto mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw ba? Ilan gusto mo?" Binalik niya yung tanong sa akin.
"Three. Two boys and one girl. Malungkot kasi kapag isa lang, kulang naman kapag dalawa, kaya maximum of three na." Sagot ko.
"Actually, that's what I have in mind." Sabi naman niya while looking at the kids.
I smiled for a second, pero di ko pinahalata.
*******
Don't be a silent reader! I wanna hear your opinions!
Love lots xx
Mermaid-Mia
BINABASA MO ANG
Secretly In Love
RomanceFarrah accidentally meets Andrei, her long time college crush! But it's been years and now they're both professional. She's been in love with him for years but will she stay secretly in love forever??