[Andrei's POV]
Nagmadali si Farrah na pumunta sa sala. Siguro gutom na talaga siya at excited na sa pizza.
Naabutan ko siyang nag-aayos ng gamit at may kagat-kagat na pizza sa bibig.
"Hahaha! Farrah! Ano ka ba naman." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Bakit?" Tanong niya.
"Pwede namang kumain ka muna. Di mo mahawakan yung pizza mo." Sabi ko sa kanya.
Nanood kami ng TV habang kumakain ng pizza. Nang matapos kaming mag dinner eh tinuloy na din namin yung pag-aayos.
Napansin kong humihikab na si Farrah. Hindi namin napansin na past 10 na pala.
"Farrah, bukas na ulit natin tuloy. Matulog na muna tayo." Sabi ko sa kanya.
"Hindi okay lang. Tapusin na natin." Pilit niya.
"Ano ka ba. Bukas na. Pagod ka na eh. Ilagay na lang muna natin sa kwarto ko yung mga gamit para hindi nakakalat dito." Sabi ko.
Nang malipat namin yung mga gamit ko s kwarto eh ang gulo. Pati kama ko nasakop ng mga gamit ko.
"Sa couch na lang ako matutulog for tonight." Sabi ko.
"Masyadong malamig sa sala. Tsaka mahina din yung heater. Hindi ko pa kasi napapaayos." Sabi ni Farrah.
"Okay lang. Isang gabi lang naman eh." Sabi ko.
"Uhm.. Kung gusto mo sa kwarto ko na lang muna ikaw. Para at least dun gumagana yung heater." Sabi niya.
"Sure ka? Kasi okay lang naman sa akin kahit dito ko sa couch." Sabi ko sa kanya.
"Isang gabi lang naman diba." Sabi niya.
Nang matapos na kami makapag ayos sa labas eh nag ayos na din kami para matulog.
"Ah. I'll just sleep on the floor." Sabi ko.
"Mahihirapan ka makatulog diyan. I don't have an extra cushion. Sasakit katawan mo." Sabi ni Farrah.
"May comforter naman ako eh." Sabi ko.
"You're my guest and I don't feel comfortable with you sleeping on the floor." Dagdag niya.
"Are you comfortable with me sleeping beside you?" I asked.
We went silent for a second. Me realizing what I said and she realizing what she heard.
"Hahaha! Andrei! Ano ka ba! We're friends! So it's okay! Malaki naman yung bed ko. I can share." Sabi niya.
Nahiga na ako sa bed, katabi si Farrah. Well, it's warm and nice.
"Besides...it's just for one night." Sabi ko.
"Yeah...just for one night." Sabi ni Farrah.
"Goodnight, Farrah."
"Goodnight, Andrei." Pinatay na niya yung lamp.
<the next morning>
Nagising ako sa alarm ko ay pagtingin ko sa tabi ko wala na si Farrah, siguro maaga siyang pumasok.
Lumabas ako ng kwarto para mag breakfast at nakita kong may ready nang coffee sa coffeemaker.
Nagulat ako ng bigla may narinig akong bumagsak sa loob ng kwarto ko.
Pagbukas ko nakita ko si Farrah na nabagsakan ng mga paperwork ko.
"Farrah??"
"Ah! Goodmorning, Andrei. Sorry, nahulog ko. Aayusin ko na lang." Sabi niya.
"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko sa kanya habang tinutulungan ko siyang tumayo.
"Nagsimula na ulit ako mag-ayos, hindi na kita ginising kasi mukhang masarap yung tulog mo." Sabi niya.
"One of the best sleeps I had, thanks. Pero bakit ginagawa mo yan? Gamit ko naman yan kaya di mo kailangan gawin. Tsaka wala ka bang pasok ngayon?" Sabi ko
"Uh...sobrang late na din kasi ako nagising kaya di na ko umabot sa 6am duty ko. Hindi na ako nakapasok." Sabi ni Farrah.
Tinignan ko yung orasan and it's already 9am. Wala akong pasok dahil Saturday ngayon.
"I'm sorry! Farrah, I'm sorry kung di ka nakapasok ngayon. Sorry kung napagod ka kahapon. Sorry talaga."
"Okay lang! It's my very first absent ever since I started working. Kaya I think it will be fine." Sabi niya.
Nag breakfast muna kami at pagkatapos eh bumalik na kami sa pag-aayos ng gamit ko.
"Sana ginising mo na ako para may katulong ka sa pag-aayos." Sabi ko.
"Wala din naman akong ibang gagawin." Sabi niya.
"Siguro ayaw mo lang talaga ako katabi sa kama mo noh?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Actually gusto kita katabi, pero pinipigilan ko lang sarili ko." Bulong niya. Hindi ko naman talaga masyado narinig kasi mahina.
"Ha??" Paulit ko sa kanya.
"Wala! Sabi ko kasi ang likot mo pala matulog, kaya dapat may sarili kang kama. Hahaha." Pang-aasar niya.
I was drinking my coffee sa couch, taking my 10 minute break.
She was seating near the stereo while fixing my records.
Tinignan ko lang siya kasi tuwang tuwa siya sa mga records ko na nag volunteer siya na sa sala niya idisplay yung mga yun.
I was giggling a little habang pinapanood ko siya.
Her hair's in this messy high bun and she's wearing a white tank top and shorts...showing off her flawless porcelain legs...na hindi ko naman napapansin dati cos she used to wear sweatpants inside the house.
"Andrei, I'll play this one." Paalam niya sa akin, I nodded.
She started to fix the stereo and she was bending a little...unknowingly...she looks so sexy and I felt a little bit hot.
"Uhm...Farrah, hindi ka ba nilalamig?"
"Ah! Kasi pinaayos ko na din yung heater dito sa labas. Dumating yung maintenance kaninang umaga." Sagot niya.
May sinubukan siyang abutin sa top shelf and her tank top strap just slipped off a little and showed her bare shoulders...
I couldn't help myself, so I wrapped her in a blanket.
"Wha..what? Andrei??"
"You look cold, stay warm." Sabi ko. Then I sprinted towards my room, sobrang bilis ng heartbeat ko.
I didn't mind the stuff that's on my bed. Binagsak ko lang yung katawan ko kasi I felt very tired na nanghihina yung tuhod ko.
And then it all sunk inside my head.
I am now living with a girl.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love
RomanceFarrah accidentally meets Andrei, her long time college crush! But it's been years and now they're both professional. She's been in love with him for years but will she stay secretly in love forever??