17th

1.5K 32 0
                                    

[Farrah's POV]

"Oh..." Yun lang nasabi ko pagkagising ko, narealize ko na nasa apartment na ako.

Tumingin din ako sa tabi ko, wala si Andrei. Of course, he's on his room.

Lumabas ako ng kwarto. Past 8 am na, late na pala ako nagising. Ramdam na ramdam ko pa din yung pagod.

Naabutan ko si Andrei na nakaupo sa harap ng coffee table, ang aga talaga nito magising.

"Goodmorning." Bati niya.

"Goodmorning." Bati ko naman. Pumunta ako ng kitchen para magtimpla ng coffee.

Tumabi ako sa kanya para tignan kung ano yung ginagawa niya.

"Ano yan?"

"Research ko. Sinusubukan ko lang dagdagan." Sabi niya.

"Holiday kaya, tapos nagtatrabaho ka. KJ mo naman." Sabi ko, natawa lang siya.

Kinuha ko yung laptop ko para mag online. Nakita ko na may naka-tag na posts sa akin.

Si Olivia na suot yung gift ko na dress.

Si Timmy kasama yung toy car at si Tommy na kasama yung toy train.

Si Cassie naman suot niya yung plush bag.

"Andrei oh! Tignan mo ang cute nila." Hinarap ko kay Andrei yung screen ng laptop para makita niya.

"Cute. Yan ba mga gift mo sa kanila?" Tanong niya.

"Oo..buti naman nagustuhan nila." Sabi ko. Bigla kong naalala...tumakbo ako papunta sa kwarto.

"For you." Sabi ko kay Andrei habang inaabot ko sa kanya yung gift ko.

"Ano to?" Gulat niyang sabi.

"Ano pa? Eh di Christmas gift ko sayo. Sorry late, naiwan ko kasi dito sa apartment."

"Pero-"

"Dali na! Buksan mo na!" Utos ko sa kanya. Binuksan naman niya.

"Ito yung palagi kong tinitignan sa shop.." Sabi niya pagbukas niya.

"Napansin ko kasi na parang ganyan yung bag ni John, naisip ko na baka ganyan talaga yung mga bag ng mga professor, kaya yan yung binili ko para sayo." Sabi ko.

"Wow...Thanks!" Sabi niya then he hugged me.

"You're welcome."

May hinarap naman siya sa akin na box.

"Akala mo ikaw lang ha. Merry Christmas." Sabi niya pagka-slide niya sa box papunta sa akin.

"Open it." Sabi niya.. So I opened it.

It's a wrist-watch.

"Nurses need that diba? And when I saw that ikaw agad naalala ko."

"Andrei..It's so pretty!" Di ako makapaniwala.

"Sorry di ko nabigay agad kasi baka asarin ka lang nila kapag nakita nila na binigay ko yan sayo." Paliwanag niya.

I'm sorry. Di ko na napigilan. Napatalon ako para yakapin siya.

"Thank you! Thank you!!!" Sabi ko ng paulit-ulit habang yakap siya.

"I'm glad you liked it."

I hugged him so tight. I was very happy. He's so warm. Tumagal yung hug namin for a few minutes and then I let go slowly, then I had to face him.

"Thanks." Sabi ko. I wanted to hug him again but I pulled away.

*
*
*
*
*
*

Kinabukasan pumunta si Karen dito sa apartment para kunin yung kotse na pinahiram niya sa amin.

"How's Christmas?" Tanong niya.

"It was great." Sagot ko.

"Mine was not! Grabe ang daming trabaho sa ospital!" Reklamo niya.

"Dapat ba bumalik na ako?"

"Kung ako sayo i-enjoy mo mabuti yung bakasyon mo bago ka bumalik!" Sabi naman ni Karen.

Bigla namang nawala yung vibes ng pagrereklamo niya nang makita niya si Andrei.

"Andrei!!! How's your Christmas?" Sabi niya habang papalapit kay Andrei.

"It was very nice." Sagot naman ni Andrei. Talaga namang nakasalampak yung mukha nito ni Karen sa harap ni Andrei.

"Baka naman magkapalit kayo ng mukha ni Andrei sa lapit mong yan." Sita ko sa kanya.

"Panira ka talaga ng moment!" Sabi ni Karen. Natawa naman ako sa kanya.

"Ito na yung keys. Thank you pala sa car ha." Sabi ko sa kanya.

"You're welcome. Ayy!! Wala pala akong pasok sa New Year's Eve, yayayain ko sana kayo sumama dun sa NYE party ng friend ko." Sabi niya.

"I think I'll pass." Reject ko agad.

"Bakit? May plano ka na ba para sa New Year?"

"Wala pa. Tsaka alam mo naman na di ako mahilig sa party." Paliwanag ko.

"Farrah. I can't take no for an answer. Isipin mo na lang na yan yung bayad niyo ni Andrei sa akin sa pagpapahiram ko ng kotse sa inyo." Pilit ni Karen.

"Pero-"

"Okay! Babye!" Paalam niya then lumabas na.

Days passed and all I did was binge on TV series and clean and read and eat. Masaya naman ako na hindi ako nagduduty for a change.

Si Andrei naman busy sa research niya. I always see him reading or in front of his laptop.

Di ko naman siya iniistorbo. Wala naman nagyayaya na lumabas sa aming dalawa. Di ko din kasi feel na gumala. Siguro somehow gusto din namin dito sa apartment kasi namiss din namin.

We never talked about it pero we know na sa sarili namin ayaw naming umalis ng apartment.

But sadly.. we have to go to the NYE party na sinabi ni Karen. Which is tonight.

9pm na pero ayaw pa din namin kumilos ni Andrei. Hanggang sa napilitan na lang kami lumabas.

"You ready?" Tanong ni Andrei, binuksan na niya yung pinto.

"May choice pa ba tayo?" Sabi ko then lumabas na kami.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon