15th Part 1

1.6K 34 2
                                    

[Farrah's POV]

Maaga akong nagising kaya nakapag prepare ako ng breakfast, nang matapos ako eh umakyat ako. Naabutan kong kakalabas lang ni Andrei sa washroom. Kakagising lang din niya, bagong hilamos.

"Goodmorning." Sabay naming sabi.

"I'm sorry." Sabay ulit kami.

"You first." Sabi niya.

"I'm sorry about last night. I was acting rude, for cutting you and not being nice. I'm sorry." Sabi ko.

"I'm sorry din, for bringing up matters that should be discussed in a different time. I'm sorry." Sabi niya.

"Apology accepted." Sabi namin ng sabay, natawa naman kami.

"Breakfast?" Aya ko sa kanya. Bumaba kami para mag breakfast and everything was okay.

Lumabas kami para magprepare para mamayang Christmas dinner. We'll be celebrating Christmas eve later!! I'm so excited.

Sumama ako kina Anthony sa supermarket, naiwan si Andrei sa bahay.

"Farrah, thank you for last night. Ang sarap ng tulog ni Olivia. Late na siya nagising." Sabi ni Krissy, asawa ni Anthony.

"You're welcome." Sabi ko.

"Buti nga napatulog niyo si Olivia, ang hirap patulugin. Madami yang request bago matulog eh. Pinahirapan ka ba niya?" Tanong ni Anthony.

"Pinakanta lang nila ako, pero nakatulog din agad sila." Sagot ko, sinungaling ka Farrah!

"Good. Baka kasi kung ano-ano pa pinagawa ni Olivia sayo." Sabi ni Krissy.

"Hahaha! Nako wala yun. Okay lang." Sabi ko.

Nagsimula na kami bumili ng mga pagkain. Umikot-ikot din kami.

"Anthony!" Biglang may tumawag kay Anthony.

"Nathan! What are you doing here?" Bati ni Anthony.

"We'll be staying here for Christmas. Kinulit kasi ako ni Mommy, alam mo naman malungkutin yun." Sabi ni Nathan.

"Nice!" Sabi ni Anthony.

"Farrah, you're here also." Bati sa akin ni Nathan pagkakita niya sa akin.

"Yeah. For Christmas." Sagot ko.

Si Nathan, Filipino din. Nagtatrabaho siyang Architect sa New Jersey. Friend ni Tita Angie ang Mommy niya na si Tita Mindy sa grief counseling, kaya naging family friend na din.

Nirereto nila kaming dalawa dati. Okay naman siya, gwapo at matalino. Stable din ang work niya pero one problem..may girlfriend na siya. Hahaha.

"Punta kayo sa bahay mamaya for Christmas dinner. Pwede ba kayo?" Aya ni Anthony kay Nathan.

"Sure! It'll be just the three of us eh. So we'll drop by I'll just message you later." Sabi ni Nathan.

Nagpaalam na kami at naghiwalay na, tinapos na din namin yung pamimili para makauwi na din kami agad.

Pag-uwi namin sa bahay eh nagsimula na silang mag-prepare para sa handaan mamaya. Iniwan ko na sila kasi hinila na naman kaming dalawa ni Andrei nang mga bata. Gusto na naman nila makipaglaro.

Nang magsimula sila mag color at mag-drawing nakapagpahinga kami ni Andrei.

"Nakakapagod noh?" Sabi ni Franz sa amin.

"Oo, sobra. Buti nga nakakaya niyo eh." Sabi ni Andrei.

"Eh sa araw-araw ba naman na ganyan ginagawa namin eh. Sanay na kami." Sagot ni Franz.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon