6th

1.7K 38 0
                                    

[Andrei's POV]

Time flies so fast. It's December at sobrang lamig na. It's been months since I moved here in New York.

Maganda naman ang work ko. May bago akong students at nasimulan ko na yung bago kong research.

Masaya pero nakakapagod.

Si Farrah sobrang busy din sa work niya, nang magsimula ako pumasok sa University eh minsan na lang kami mag-abot sa bahay.

Minsan lumalabas at namamasyal din kami kapag may time. Kasama nga lang namin madalas si Karen.

Hindi naman sa ayaw kong kasama si Karen, pero kahit minsan gusto ko lang masolo si Farrah.

Kasi namimiss ko siya.

Kahit na ang weird niya minsan. Madalas naririnig ko siyang nagsasalita ng mahina. Nag mumuble madalas. Tapos kapag tinatanong ko eh sasabihin niya wala lang, kinakausap lang daw niya sarili niya.

It's been months, may mga bago akong collegues na nakilala. Pero kahit madalas ko silang nakakasama sa University eh mas gusto ko pa ding kasama si Farrah.

It's Sunday, wala akong pasok. Off din ni Farrah ngayon.

"Andrei! Look! May snow na!" Tawag ni Farrah sa akin habang nakasilip siya sa bintana.

"Wow. First time kong makakita ng snow. Last year ba ganito din?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah. Even if I have to see it for a million times, it will still be beautiful." She said and I looked at her and she looks so amazed in what she's seeing.

Para siyang bata na tuwang-tuwa.

She's so cute with her innocent smile of amazement.

"Gusto mo lumabas?" Tanong niya sa akin.

"Maybe later. Gusto ko pang i-enjoy yung moment...and the view." Sabi ko while still looking at her.

"Ah! Tara na! I know! Tara dun tayo sa rooftop para solo natin yung snow. It's your first snowfall here in New York! You have to experience this." Hila niya sa akin.

We grabbed our coats and put on our boots at umakyat kami sa rooftop.

"Wahhh!! It's so white!" Sabi niya ng makita niya na covered na yung rooftop ng snow.

"Ang ganda." Sabi ko naman.

She twirled around feeling the falling snow. Medyo malayo siya sa akin, nasa bandang pintuan kasi ako.

I saw her move her lips. She's saying something again. Murmuring again.

"You're doing that again!" Sabi ko sa kanya.

"What?"

"Kinakausap mo na naman sarili mo!"

Tinawanan lang niya ako, niyaya niya ako pumunta sa gitna para maramdaman yung snow.

Lumapit ako sa kanya and I almost feel like hugging her because she's so cute.

But when I got close, humarap siya sa akin with her face so red because of the cold.

"The snow's amazing. Thank you for this." Sabi ko sa kanya.

"You're welcome." And then she smiled.

"Tara na. Pasok na tayo." Sabi ko sa kanya as I brushed the snow from her hair.

Bumalik na kami sa apartment. Nag-timpla ako nang hot chocolate para mainitan kami kahit papaano.

Naabutan kong nakabalot ng kumot si Farrah sa sofa.

"Hehe. Nilakasan ko na yung heater pero nilalamig pa din ako." Sabi niya.

Medyo mainit na nga sa apartment pero nanginginig pa din siya.

"Ikaw pa talaga nagpumilit na lumabas ha, di mo naman pala kaya yung lamig." Pang-aasar ko sa kanya.

"Syempre. First time mo eh. Gusto ko ma-enjoy mo din." Sabi niya.

Binigay ko sa kanya yung hot chocolate para mainitan siya ng konti.

"Thanks." Sabi niya, pero kulay violet pa din yung lips niya sa lamig.

Tumabi ako sa kanya and I hugged her.

"What are you doing?"

"Keeping you warm."

"I'm fine." Sabi niya kahit na nanginginig pa din yung boses niya.

"Ha. Talaga lang ha."

We stayed like that for a few minutes, and then I hear her mumbling again.

Hindi ko naman maintindihan.

Tinignan ko siya at natutulog na siya.

"Ano yun, Farrah?" Sinubukan ko siyang tanungin, baka sakaling ulitin niya.

"I love you."

Natawa ako ng mahina, natuwa ako sa narinig ko.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon