"Anong oras kayo aalis?" Tanong sa amin ni Mommy.
"10am mom." Sagot ko habang sinusuklayan ang buhok ni Joshua.
Nakareceive kami ng order from the court para kay Joshua. Kailangan nyang magpa DNA test, as John requested.
"Mommy! Let's buy cup cake later ha?" Sabi ni Josh.
"Sure. Basta be a good boy mamaya ha?" I kiss him forehead.
"Anak, sasabihin mo na ba?" Tanong ulit sa akin ni Mommy.
"I don't know. Bahala na po." Yun na lang ang naisagot ko.
Maya-maya lang ay dumating na si Harold, sya ang maghahatid sa amin sa Clinic.
"Tito!" Josh hugged him.
"Get in na Big boy." Utos nito kay Joshua.
"George, are you ready?" Nginitian nya pa ako ng mapang asar.
"Gusto mo ng sapak?" Akmang susuntukin ko na sya ng bigla itong pumasok sa kotse nya.
---
Nakarating kami sa clinic na nirequest ni John, mababait ang mga doctor, kinausap nila sandali si Josh at sinama na.
Akala ko talaga ay wala syang idea na anak nya si Josh, pero umaarte lang din pala sya. Walang hiya talaga.
Ilang sandali lang ay lumabas na ang resulta. 99.9% na match sila, sabi sa akin ng nurse ay ipapadala nila ang resulta kay John, sabi ko naman ay ako na para masampal ko sa kanya ang katotohanan.
Kaya ito kami ni Josh, naglalakad papasok sa restaurant ni John, pinauwi ko na rin si Harold.
"Good afternoon Ma'am. Table for two?" Tinaasan ko ng kilay ang babae na humarang sa amin.
"Nasaan ang office ng boss mo?" Iritadong tanong ko.
"Ma'am ano po bang maitutulong ko?" Hinarangan nya pa ako.
"Matutulungan mo ako kung sasabihin mo sa akin kung nasaan ang office ni John." Tinignan ko sya ng masama. Maya-maya lang ay may lumapit na sa amin na babae.
"May problema po ba tayo?" Nabasa ko sa name tag nya na manager sya.
"I wanted to talk to your boss." Nauubusan na ako ng pasensya. Saglit nyang tinitigan si Josh bago ngumiti.
"This way Ma'am." Magalang na inalalayan nya kami.
Nakatalikod na John ang sumalubong sa akin.
"Baby, give this to that man." Inabot ko kay Josh ang folder. Dahan-dahan syang lumapit kay John bago hinila ang damit.
"Tito John, ito po." Sabi ng anak ko. Kinuha nito ang resulta at tinignan, binasa sandali at inilapag sa table. Lumuhod si John sa harapan ng ni Josh at niyakap 'to ng mahigpit.
"A-Anak ko." Sabi nya. Bigla akong naluha. Hindi ko inakala na darating kami sa ganitong sitwasyon.
"Let me go." Ikinagulat namin ng magpumiglas sa yakap nya si Josh. Tumakbo ito at yumakap sa hita ko.
"What did you tell him?" Mariing sabi John. Hindi ko sya pinansin at lumuhod para makausap si Josh.
"He's your father baby." Inayos ko ang ilang hibla ng buhok nya. Tinignan ni Josh si John bago lumakad palapit.
"B-Bakit ngayon ka lang po umuwi? I miss you daddy." Humagulgol ng iyak si Josh at niyakap ang daddy nya.
"I'm sorry son. I'm sorry. Babawi ako, promise."
Hindi ko na kinaya ang sitwasyon kaya lumabas ako, mabuti pa na bigyan ko sila ng time. Napatingin sa akin ang mga empleyado, yung iba nakangiti, yung iba nakasimangot.
---
"Mommy! Sa bahay na po ba uuwi si Daddy?" Natigilan ako sa pagkain dahil sa tanong ni Josh.
"Not now baby, busy pa rin si Daddy sa work eh." Tinignan ko si John, nakatitig lang sya kay Josh.
"But I wanna sleep with you."
"Next week baby, kapag hindi na ako busy sa work, we'll sleep together." Nakangiting sabi ni John, napapalakpak naman si Josh.
Hinatid din kami ni John pauwi, pero hindi nya kaagad ako pinapasok sa loob dahil mag-uusap daw kami.
"Marry me."
Natapilok ako sa sinabi ni John. "Are you fvcking kidding me?" Natatawang tanong ko.
"I'm dead serious. I want to take full responsibility to Josh." Seryosong sabi nito.
"Kaya mo naman kahit hindi tayo magpakasal." Nagpapatawa nga talaga sya.
"It's okay if you don't want to. I want the custody. I'll file a case against you, sa pagtago sa anak ko." Kinabahan ako bigla. Seryoso sya.
"Gago ka! 'Yan ang wag na wag mong gagawin!" Dinuro ko pa sya sa sobrang gigil.
"I have the money to do that, Georgia. Don't try me." Sa sobrang inis ko ay nasampal ko sya.
"Gago kang tang ina mo ka! Wala kang karapatan na ilayo sa akin ang anak ko! Hindi ikaw ang naghirap sa pagpapalaki sa kanya! Kaya wag mo akong matakot takot!" Nanginginig na ako sa sobrang galit, naluha na ako.
"Don't you ever say those dirty words to me!" Nanlilisik ang mata nya. Akala nya ba magpapatalo ako?
"Tangina mo!" Sigaw ko sa mukha nya.
"I already warned you." Hinila nya ako sa kamay at inipit sa kotse. Ramdam ko ang hininga nya at bilis ng tibok ng puso nya.
"Bitawan mo ako." Nilakasan ko ang loob ko. Iba na kasi syang tumitig, parang kaya nyang pumatay.
"I'll set a hearing the next day. Kapag hindi ka dumating, hindi mo na makikita ang anak mo." Tinitigan nya ako bago binitawan.
"Bakit ka ba nagkakaganyan? Ha? Naaawa ka ba sa akin? Sa anak ko? Hindi ko kailangan nun!"
"I want my child. That's all I wanted." Sabi nito bago sumakay sa kotse at umalis.
Hayop sya!
----
Kahapon dapat ang hearing namin, pero hindi ako pumunta. Hindi ako tanga para ibigay ang custody ng anak ko sa kanya, wala syang karapatan.
Nasa class room ako at hinihintay ang prof namin ng lumapit sa akin si Alex. Nagtitigan kami, bago nya ako niyakap.
"I-I'm sorry." Naiiyak na sabi nya.
"Bakit ka nagsosorry?" Nilayo ko sya sa akin.
"Anak ni Kuya si Josh. I'm sorry dahil pinabayaan ka nya, iniwan nya kayo." Umiiyak na sabi nito. Pati tuloy ako ay naiyak na.
"Ano ka ba? Matagal na 'yun no! Alam ko naman na gago 'yung kuya mo eh." Niyakap ko ulit sya.
"Marry my kuya." Tinulak ko sya.
"No Alex. No." Tumayo ako at napansin na nagriring ang phone ko. "Yes mommy?"
[Georgia! Si Joshua, nawawala!]
Oh God!