8

301 13 0
                                    

Sunday ng madaling araw ng magising ako at sinimulan ng magluto. Kahit anong ikot ko kasi sa kama ay hindi na ako makatulog. Tinignan ko saglit ang oras ng makitang 5:30am ay bumagon na ako.

Dire-diretso na akong naglakad papuntang kusina, pagdating ay halos mapatalon ako ng madatnan si John na nakaharap sa akin ang umiinom. Parang gusto kong umatras at magtatakbo paakyat sa kwarto, ano ba ang itsura ko? Hindi pa ako nakapag suklay! May muta pa kaya ako?

"Ang aga mong magising." Kinilabutan ako ng marinig ang husky na boses nya, gawa siguro na bagong gising sya.

"N-Nahihirapan na ako matulog eh." Bahagya akong napatingin sa suot ko na short black satin nightie irall. Halos masabunutan ko ang sarili, paano ko nagawang bumaba na ito ang suot?

Lalong namula ang mukha ko ng tignan nya ako mula ulo hanggang paa. Gusto ko ng tumakbo kaso di ako makakilos dahil sa mga titig nya.

"Ano? Tatayo ka na lang dyan?"

"H-Hindi.. Kasi magluluto na sana ako ng agahan." Halos batukan ko ang sarili ko ng mautal-utal ako.

"Masyado pang maaga. Sit here." Itinuro nya ang katabing upuan.

Habang naglalakad ako palapit sa kanya, kahit hindi ako tumingin ay alam ko na titig na titig sya sa akin. Ano ba ang poblema nito?

"Nakausap ko si Josh kagabi, family day daw ngayon sa school nila."

Nagulat ako. Bakit hindi nya sinabi sa akin? "Walang nasabi sa akin si Josh."

Nagkibit balikat na lang si John. "Nasabi nya yun Saturday morning, I can't remember kung nasaan ka noon. Maybe he forgot to tell you."

Napasimangot ako. "Anong oras daw?"

"9am dapat nasa school na." Maiksing sagot nito.

"Nakakainis naman. Saan ako kukuha susuotin namin?" Madalas kasi ay dapat iisa lang ang kulay ng damit.

"Bumili na ako ng damit para sa ating tatlo kahapon." Parang baliwala na sagot nito.

Napalingon ako sa kanya. "Para sa ating tatlo?"

"Bakit? Hindi mo ako isasama? Family day nga diba?" Sabi nito na sinabayan pa ng irap. Nahampas ko tuloy sya sa braso.

"Tuwing family day kasi ay si Harold ang kasama namin." Naalala ko noon na sya pa ang nagpresinta para lang mabuo kami.

"Harold? Yung kasama mo sa restaurant nung nakaraan?" Matalim na ang tingin na pinukol nya sa akin.

"Oo. Kaya talagang magkasundo sila ni Josh." Wala na akong narinig pa sa kanya. Pasimple ko syang tinignan pero di ko maaninag ang reaksyon nya. "A-Anong gusto mong breakfast?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Bakit?"

Natigilan ako sa tanong nya. "A-Anong bakit?" Humarap ako sa kanya.

"Bakit hindi mo sinabi na may anak tayo?" Hinarap nya ako bigla kaya napaatras ako ng bahagya.

Hindi ko inaasahan na matatanong nya sa akin 'to, ilang araw na kaming magkasama sa bahay at noong unang pagkikita namin ay hindi sya nagtanong.

Tinatagan ko ang loob ko. "Bakit ko naman sasabihin sayo?" Balik tanong ko sa kanya.


"May karapatan ako, alam mo yan." Mariing sabi nito at alam kong hindi sya magpapatalo.

"Simula noong nakita kita sa condo mo ay wala ka ng kahit anong karapatan sa akin at sa anak ko." Nakagat ko ang ibabang labi. Ilang taon na ang nakalipas, akala ko ay maayos na ako pero mali. Ngayong naalala ko na naman yun ay parang hinihiwa ang puso ko.

Without You (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon