Napahilamos ako ng mukha pagkagising. Napakaraming gumugulo sa isip ko. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Nilingon ko ang katabi ko na mahimbing pa rin ang tulog. Hindi ko akalain na bibigay ako sa kanya, pero ano ang magagawa ko? E mahal ko sya.
Hindi ko na sya hinintay pa na magising at nauna nang bumangon. Kailangan ko na maghanda ng almusal. Sinilip ko muna si Josh bago nag-ayos ng sarili. Sumasakit ang ulo ko kakaisip kung paano ko haharapin si John. Dapat ba dedma lang o dapat na tanungin ko kung ano na ang istado ng relasyon namin, kaso hindi ba magmumukha akong desperada? Baka para sa kanya ay wala lang 'yun at ito ako, apektadong apektado.
Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ang door bell. Sino naman kaya ang bibisita at sobrang aga pa. Hindi na ako nag abala pa na sinilip ang peephole at agad na binuksan 'yun, which is wrong move.
Sumambulat sa akin ang isa sa taong sumira sa buhay ko, ang babae na kasama ni John 'nung araw na maghiwalay kami. Hindi ko alam kung sasabunutan ko sya o sasampalin dahil ang aga nya manira ng araw. Kinalma ko ang sarili ko at pilit na ngumiti sa kanya.
"Anong kailangan mo?" Mabait na tanong ko.
"You're kind a familiar. Anyways, I'm looking for John. Is he here?" Pilit nyang sinisilip ang loob ng bahay pero mas hinarang ko pa ang katawan ko.
"He's sleeping right now. What do you want?"
"I want to talk to him about business. Can I come in?"
"It's actually his home, so if it's about business I think you can go to his office or talk to his secretary so that she can setup a meeting for you two. I can give you her number." Kukuha na sana akong ng papel pero parang hindi sya natuwa sa sinabi ko.
"Are you his maid? Don't you know that I normally go here if I wanted to see him— I mean if we need to talk about business?" Iritableng sabi nito.
"I'm too pretty to be his maid, and I don't give a fuck if you've been here before." Tinaasan ko sya ng kilay.
Nanlaki ang mata nito na parang hindi makapaniwala sa inasta ko. "Y-You bitch! Do you know who are you talking to?"
"Do I need to?" Ganting tanong ko dito.
Bago pa man sya makasagot ay narinig ko na ang boses ni John na tinatanong kung sino ang kausap ko sa labas.
"Hey John! It's me, Cassandra." Sigaw nito para lang marinig sya ni John.
Ilang segundo lang ay nasa unahan ko na si John at pilit na hinihila ang babae paalis sa harapan ko. Wala syang sinabi sa akin na kahit ano, kung saan sila pupunta o kahit good morning man lang. May kung anong sakit akong naramdaman sa dibdib papunta sa aking tyan.
Putangina. Ganitong ganito 'yung nangyari noon. Ano? Tuwing involve ang babae na 'yun ay lalayo sya sa akin? Baka nakakalimutan nya na hindi na lang ako ang iiwan nya, pati na din ang anak nya.
Naghintay ako ng ilang oras pero walang John na dumating sa bahay. Nakapasok na si Josh sa school pero wala pa din. Papalabas na sana ako ng bahay para pumasok ng bigla syang pumasok. Halatang gulat sya dahil tanghali na pero nandito pa din ako sa bahay.
"A-Akala ko pumasok ka na." Dire-diretso lang sya papunta sa sofa.
"Hindi pa, kita mo naman na nandito pa ako. Maitanong ko lang John, ganoon ba talaga ang ilan sa mga katrabaho mo or business partner?" Hindi ko na napigilan pa magtanong. Naupo na din ako sa sofa katapat nya.
"What do you mean?"
"'Yung kailangan ba na kapag nagmemeeting kayo ay nakatwalya ka lang at sya ay ganoon din? You know, kagaya dati noong pinuntahan kita dito." Wala ng preno ang bibig ko. Siguro hindi talaga ako makaka move on sa issue na 'to hangga't hindi natatapos ang chapter ng buhay ko na sinira nya. Tangina nya.
"I-I don't know-"
"Dapat ba talaga na dito kayo sa bahay mo mag meeting imbes na sa company? Kasi kung oo, puta baka puro ungol ang marinig namin ng anak ko." Hindi ko na sya pinagsalita dahil galit na galit na ako.
"What the hell are you talking about? Cassandra's a close friend, not just a business partner." Pagpapaliwanag nito.
Gustong gusto ko magwala, hanggang ngayon ay parang pinagtatanggol nya pa ang bruha na 'yun.
"John naman, para naman tayong bata nito. Matatanda na tayo, hindi ako pinanganak kahapon para maniwala sa pinagsasabi mo. Come on!" Oo, naiinsulto ako. Sino ang tangang maniniwala na close friend lang sila?
"I'm telling the truth."
"Kung ganoon, bakit kailangan mo pa syang kaladkarin? Close friend naman pala eh, bakit hindi mo pinapasok para napagsilbihan ko pa." At pinainom ng patis.
"I-I just don't feel like-"
"'Cause you're hiding something. Please naman John, sabihin mo na sa akin ang totoo." Naluha ako sa harapan nya.
Akala ko matapang ako. Akala ko matibay ako at hindi bibigay sa harapan nya. I guess John is the only one who can make me so fucking weak, and I hate that.
"Hinding hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang totoong dahilan kung bakit mo ako niloko." Kulang nalang ay lumuhod ako sa harapan nya.
Akmang lalapit sya sa aking pero parang may kung anong pumipigil sa kanya. May gusto syang sabihin pero malalalim na hininga lang ang sinagot nya sa akin.
"Cassandra's my girlfriend." Diretso ang tingin nya sa akin habang sinasabi 'yun.
Ang luha na kanina'y patak lang ay unti-unti ng umagos na parang hindi ako nauubusan ng tubig sa katawan. Paano nya nasabi 'yun na parang wala lang ako sa kanya? Oo at pinakasalan nya ako para kay Josh pero umasa ako na kahit papaano ay may lugar na din ako sa puso nya.
"She don't know that I'm already married. Noong araw na nakita mo kami dito, may relasyon na kami noon. Georgia, I know I've hurt you, and saying sorry is not enough. But you need to understand that I only marry you because of my son, and that's it." He look so professional while saying those words. It seems like he's asking me to invest to his company.
"P-Paano 'yung nangyari sa atin kagabi? I thought--" Hindi pumapasok sa akin ang sinabi nya kaya nagawa ko pang magtanong.
"Isn't that normal when someone's drunk? I mean, as what you've said, matatanda na tayo." Natatawa pang sabi nito.
He's so ruthless. He's a devil.
Kaagad kong pinunasan ang mga luha. Putangina, nauto na naman pala ako.