Nalaman ko na sina Stan at Alex pala ang nagbantay kay Josh. Halos manlumo ako ng madatnan ang bahay. Nagkalat ang laruan at ang putik ng sahig.
"Ano ang ginawa nyo sa bahay namin?" Sabi ni John habang tinatanggal ang coat.
"Naglaro." Simpleng sagot ni Stan. Sya lang ang naabutan namin dahil si Alex daw ay pinatulog si Josh.
"Naglaro o nagkalat?" Basta lang tinapon ni John kung saan ang coat nya. Napasimangot ako.
"Aakyatin ko na si Alex para makapagpahinga na kayo. Salamat sa pag aalaga." Walang exam ngayon si Stan at marahil ay sumunod lang si Alex dito pagkatapos ng exam namin.
"Napaka energetic ng anak mo. Paano mo nakakaya?" Ngayon ko lang natitigan si Stan, muntik na akong matawa dahil gulo-gulo ang buhok nya.
"Nasanay na lang din ako Stan, kailangan eh." Nginitian ko ito bago umakyat at pumasok sa kwarto ni Josh.
"Alex." Mahinang tawag ko dito at dahan-dahan syang lumabas.
"Akala ko nandito ka na dahil maaga kang natapos sa exam." Inayos ko ang nagusot nyang uniform.
"Si Harold kasi mapilit. Alam mo naman ang isang 'yun. Salamat pala sa pag aasikaso kay Josh, mukhang napagod kayong dalawa ni Stan."
"Okay lang basta para sa pamangkin ko." Kumapit sa braso ko si Alex at sabay kaming bumaba.
"Kuyaaaa! Nakakapagod mag alaga ng anak mo! Nasaan ang bayad mo sa amin?" Pabirong sabi ni Alex paglapit sa kapatid. Mahina syang binatukan ni John.
"Tignan mo nga yung kalat nyo dito. Magligpit kayo bago umalis." Napakasama talaga nito kahit sa kapatid nya.
"No need, Alex. Ako na ang bahala dito." Mabilis akong nagsalita.
"Wala pala kayong katulong dito, Kuya? Si Georgia lahat mag aayos dito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alex.
Oo! Walang kinuha na katulong si John, ang gusto nya ay kaming tatlo lang dito. Balak nya rin na huminto na ako sa pag-aaral at mag focus sa pamilya. Ulol nya! Hindi nya ako mapipigilan.
"Babe, tumulong muna tayo bago umuwi." Binulungan ni Alex si Stan pero ang sagot lang nito ay ungot.
"Okay lang, Alex. Kaya ko naman. Malaking tulong na yung pagbabantay nyo kay Josh." Nginitian ko sila at hinatid sa labas.
Pagpasok ko sa bahay ay hindi ko na nakita si John, malamang ay nasa kwarto na nya. Mabuti nga ay hindi kami sa iisang kwarto magkasama dahil malamang mag babangayan lang kami.
Grabeng paglilinis ang ginawa ko sa bahay, halos hindi na ako makatayo dahil sa ngalay. Kinuskos ko ng todo ang sahig pati na rin ang ilang parte ng bahay na may natuyong putik. Pagkatapos ko mag linis ay nag luto naman ako ng makakain namin, hindi ko na namalayan ang oras dahil nakita ko na lang si Josh na pababa at umaangal na gutom na daw sya, ni hindi pa ako nakapaligo.
"Baby, tawagin mo muna ang daddy mo, tell him na kakain na tayo." Walang salita itong sumunod. Ilang saglit lang ay bumaba na ang dalawa.
"John, ikaw na lang muna ang sumabay kay Josh sa pagkain. Maliligo muna ako." Akma na akong aalis ng magsalita sya.
"Hindi ba yan makakapaghintay?" Tinignan nya pa ako ng matalim.
"Lagkit na lagkit na ako sa katawan ko."
"Sit here and eat." Mariing sabi nito habang nakatitig pa rin sa akin. Pati na rin si Josh ay papalit palit ng tingin sa amin. Kung wala lang dito ang anak ko ay baka nakipagtalo pa ako.
Wala na akong nagawa kaya naupo na lang din ako sa harap nilang dalawa. Sumandok ako ng kaunting pagkain para sigurado na mauubos ko kaagad.
"Yan lang ang kakainin mo?" Natigilan ako ng magsalita na naman sya. Ano? Lahat na lang pupunahin nya?
"Hindi naman ako gutom."
"Are you sure? Hindi ka nakakain kanina sa restaurant. Dagdagan mo yan." Sabi nito na para bang wala akong karapatang tumanggi.
Napakagat labi na lang ako habang dinadagdagan ang pagkain. Hindi na ako kumibo dahil baka kung ano pa ang masabi ko, ayaw ko lang talaga na makita kami ni Josh nag-aaway.
Pagkatapos kumain ay naghugas pa ako ng pinagkainan. Gustomg-gusto ko ng tumakbo sa kwarto para makaligo ang kaso lang tinotopak si Josh, alanganin kasi ang tulog kanina. Kahit 6 years old na ito ay binubuhat ko pa rin kapag nagta tantrums.
"Tahan na baby." Pag-aalo ko habang hinihimas ang likod.
Kahit hindi ko lingunin ay ramdam ko ang matalim na tingin ni John, naiilang tuloy ako. Nang hindi na makapagpigil ay hinarap ko sya. Halata sa kanya na may gustong sabihin pero pinipigilan lang. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
"Baby, lipat ka muna kay daddy kasi pagod na ako eh." Nag-alangan pa si John pero kinuha nya rin si Josh.
"Daddy." Mahinang usal ni Josh kasabay ng mahigpit na pagyakap sa daddy nya.
"Big boy ka na kaya dapat hindi ka na nagpapabuhat." Natawa si John.
"Yoko." Napangiti na lang din ako ng lalo pang siniksik ni Josh ang ulo sa leeg ng ama.
"Baka naman pwede na akong maligo?" Sarkastikong tanong ko.
"Go ahead. Wag kang magtatagal."
Inirapan ko pa sya bago umakyat. Last na 'to! Hindi na ako papayag na laging sya ang masusunod, buhay ko 'to.
"Don't roll your eyes on me." Narinig ko pa na sigaw nya. Ulol!