5

313 10 0
                                    

"Mommy! Mommy!" Naalimpungatan ako ng makaramdaman kong nagtatalon sa kama si Joshua. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi.

"Yes, baby?" Niyakap ko sya.

"Breakfast na po! Sabi po ni Daddy manunuod tayo ng sine! The Good Dinosaur!" Hinalik-halikan nya pa ako sa mukha.

"Sige. Susunod na ako, baby. Maliligo lang ako." Niyakap nya pa ako bago lumabas.

Mag-isa lang ako sa kwarto, hindi kami magkatabi ni John kahit na kasal na kami. Sya ang natulog sa guest room at ako naman sa master's bedroom.

Tumapat ako sa salamin, malaki nga ang pinagbago ko. Naging matapang ang aura ko, at naging matapang ang mukha ko. Nagustuhan ko 'yun.

Naligo lang ako sandali at lumabas na rin dahil ayokong paghintayin ang anak ko.

"Mommy!" Inalalayan ako ni Josh pababa ng hagdan. Isa sa mga itinuro ko sa kanya ay ang pagiging gentleman.

"Mommy! Nagluto si Daddy ng pancake, egg, and hotdog!" Masiglang sabi nito. Tuwang-tuwa ang anak ko na buo ang pamilya nya.

"Maupo na kayo, aalis pa tayo." Sabi ni John.

Sina John at Josh lang ang nag-uusap habang kumakain kami kanina. Halos tango na lang ako at ngiti, talagang namiss nila ang isa't-isa.

"Tara Josh, ligo na tayo." Hahawakan ko na sana ang kamay nya ng bigla syang umatras at sumimangot. "Why?"

"Big boy na ako Mommy!" Angal nito. Napataas ang kilay ko.

"Ano naman?"

"Eee! Ako na! Kaya ko na." Nagpapadyak pa sya.

"Hindi pwede. Paano kung madulas ka?" Lumuhod pa ako sa harapan nya at hinawakan sya sa balikat.

"I'll help him wash." Sumingit na sa usapan namin si John.

Napaatras na lang ako at wala ng nagawa ng makita ko si Joshua na tuwang-tuwa. Nakaramdam ako ng selos, alam kong hindi 'to dapat dahil ama nya si John.

Ilang sandali lang akong naghintay bago lumabas si Josh at John na parehas naka towel ang lower body, napasapo ako sa ulo ko.

"Mommy sabay na kami magbibihis ni Daddy." Tumango na lang ako sa sinabi ni Josh.

Why do I have this strange feeling na inaagaw ni John ang atensyon ng anak ko?


----

Pagdating sa mall ay dumiretso kami sa sinehan para bumili ng ticket at pagkain sa loob. Nasa gitna namin si Josh.

Hindi ako makapag concentrate sa panunuod dahil nararamdaman ko si John na lumilingon sa akin. Di rin nagtagal ay naattach ako sa movie, napaluha pa ako noong pinapaalis na ng dinosaur 'yung bata.

"Mommy, bakit ka umiiyak?" Nagpunas kaagad akong luha.

"Nalulungkot lang ako baby." Kiniss ko 'yung noo nya. Hindi ko alam pero bigla na lang bumalik sa akin 'yung araw na nakita ko si John sa condo nya na may kasamang iba.

Pagkatapos ng movie ay parang wala ako sa sarili, dala-dala ko 'yung bigat ng palabas kahit na happy naman ang ending.

"Okay ka lang?" Natigilan ako ng hawakan ni John ang balikat ko.

"O-Oo." Lumayo ako sa kanya.

Parang hindi ko kinakaya na magkadikit manlang kami. Hindi ko alam kung bakit at parang natatakot ako. Lalo na sa mga tingin nya, para akong inoobserbahan. Natatakot talaga ako.

"Dad, uwi na po tayo. Malungkot na po si Mommy." Natigil ako sa pag iisip ng magsalita ang anak ko.

"No baby, I'm fine." Nginitian ko sya, this should be their day, akong makasira sa kanila.

"Really?" Napangiti ako lalo ng hawakan nya ang kamay ko. Tumango ako.

Kaagad na nagtatakbo si Josh papunta sa isang playing area. Sinundan naman namin sya, walang nagtatangka na magsalita.

"May pasok ka ba mamaya?" Tanong ko sa kanya pag upo namin.

"Why?" Tignan mo tong lalaki na to, tanong din isasagot sa akin.

"May exam ako mamaya. Kung may pasok ka rin, iiwan ko na lang si Josh kay Mommy, iuuwi ko muna sya sa bahay." Si Mommy kasi ang katuwang ko kapag may pasok ako sa school.

"We can hire a nanny." Suggestion nito.

"Ayoko. Monday, Wednesday, at Friday lang ang pasok ko sa school kaya hindi na kailangan. Kung hindi mo kayang magbantay sa kanya, iuuwi ko muna sya." Ayokong lumaki si Josh na hindi ako ang laging kasama.

"Why don't you stop going to school and take care of him? I'm sure na makakahanap ka ng trabaho kahit na under graduate ka." Parang gusto ko syang sapukin sa sinabi nya.

"Nababaliw ka na ba? Ilang taon akong huminto sa pag-aaral tapos ngayong meron na akong chance, patitigilin mo ako?" Inis na inis na naman ako sa kanya.

"You're his mother." Sabi nito na para bang hindi ko alam yun.

"You're his father. Stop working at bantayan mo sya." Tinaasan ko pa sya ng kilay.

"Sino ang magtatrabaho? Gusto mo bang mamatay tayo sa gutom?" Tinaasan din ako nito ng kalay. Aba't!

"Come on, John! Alam ko na kahit ten years ka na hindi magtrabaho ay kayang-kaya ng pera mo!" Puro pagpapayaman na lang inaatupag.

"Stop it, Georgia." Umiwas sya ng tingin.

"Mamili ka, magbabantay ka o iuuwi ko si Josh?"

"You just gave me no choice. I'll take care of him." Muntik na akong mapapalakpak sa sagot nya.

"Siguraduhin mo lang, baka kapag nagka emergency sa trabaho mo ay iwan mo sya." Makakatikim talaga sya sa akin.

"You're so noisy." Inirapan ako nito. Ang sungit.

Without You (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon